Episode 3 - HOTEL ROOM

2011 Words
Napabalikwas ng upo si Hannah pagkagising niya. Napatingin siya agad sa kaniyang relo. Nakita niyang mag-aalas-singko na. Okay, alas-singko pa lang pala. Maaga pa para pumasok. Iniunat niya ang mga kamay at tiningnan ang paligid. Napatayo siya nang di-oras! Where the hell am I? She scanned the room and she saw that the place is magnificently beautiful and classy. Ang kama nga kung saan siya nakahiga lang kanina ay sobrang laki at lambot, nag-aanyaya na tulugan niya muli. And then the memory of a stranger who brought her to that place and her mother calling her flashed like lightning in front of her eyes. Pakiramdam niya ay nagha-hyperventilate siya na tiningnan ang kaniyang cellphone. She saw 33 missed calls and 20 unread messages, all coming from her mother! And it dawned on her that it was five in the morning! Nakapasok siya roon ng hapon at ngayon ay alas-singko na ng umaga! Tiningnan niya ang kabuuan niya at kinapa ang sarili. Napabuntong-hininga siya nang malalim nang malamang buo pa ang kaniyang kasuotan. Good! Nothing happened to her. Naglumikot ang paningin niya, hinahanap ang lalaki. Patingkayad siyang lumakad palabas ng bahay. Ni hindi nga niya makita kung nasaan ang CR at baka andoon lang ang lalaki o kung saan man sa napakalaking kwarto na kinaroroonan niya. When she reached the door, she slowly opened the doorknob. Tumunog iyon nang kaunti dahil nag-click. Mahina lamang ngunit pakiramdam ni Hannah ay nabingi siya sa lakas niyon. Ibang level pala ang pagtakas sa magulang at pagtakas sa kung sinumang kakikilala mo lamang. Okay sana kung hindi questionable ang identity ng lalaki pero ni hindi nga niya alam ang pangalan niyon! Pambihira ka, Hannah! Sumilip siya sa hallway at nang matanaw na walang kahit sino roon ay nakahinga siya nang kaunti. Binuksan niya nang bahagya ang pinto upang isingit ang sarili palabas ng kwarto. She felt like a teenager again when she is sneaking just to go out. She ran outside the room as fast as she could. She stepped on the elevator and hit the button at the ground floor. May iilan siyang kasabay sa elevator. Balisang-balisa na siya. She had to go to the hospital where she is working. Her father needs her. She sprinted towards the hotel's exit. "Ma'm, you cannot leave this area," harang sa kanya ng guard. Napatingin siya sa mga kasabayan na nakakunot at halatang umiiwas sa kaniya. "A-ako po?" Turo pa ni Hannah sa sarili sa pagbabakasakaling hindi siya ang tinutukoy ng guwardiya. When the guard nodded, she became uneasy. Ano na naman bang drama ito? Hindi pa ba tapos kahapon? "Please go with me to the front desk, please," the guard told her. Wala naman siyang nagawa kaya sumunod na lang siya sa guwardiya habang tinitingnan ang nilalakaran. Ang ganda talaga ng lugar! Sosyaling-sosyalin na hindi pa ata niya natatapakan sa buong buhay niya. "Here, she is," bilin ng guard sa babaeng nasa front desk. Nahiya si Hannah sa kaniyang kasuotan at ayos. Napaka-elegante rin kasing tignan ng receptionist na ngayon ay seryosong nakatingin sa kaniya pagkatapos siyang batiin at nginitian. May mga sinasabi ito sa salitang Ingles at nang matapos na ito ay napanganga siya. Ano daw?! "C-come again?" Ngumiti muli ang babae. "Your boyfriend told us you are the one who will pay for the room." "P-pay?!" Napahawak pa si Hannah sa kaniyang bibig dahil napalakas talaga ang boses niya. Bakit ako magbabayad?! "Yes, Ma'am. Are you going to pay in cash or in credit?" Teka nga, kanina pa ako iniingles ng mga ito, e. Aba! Hindi puwede! Lalaban ako! "The guy, t-the guy who was in, w-was with, w-where… Ampotek! Ano nga ba sasabihin ko? Yung lalaking kasama ko, d-di ko boypren." Jusmiyo marimar. I just can't. "Oh, I see, Ma'am. Thank you for that infomation." Nginitian muli siya ng receptionist na hindi niya alam kung natutuwa talaga sa sinabi niya o iniinsulto siya. "But you still need to pay before leaving this place." Anak ng teteng oh! Pakigising nga ako. Wala akong dalang pera! Pero siyempre, hindi niya iyon sasabihin. Siraulong lalaki 'yun! Hohotel-hotel, wala naman palang pambayad! Tumikhim muna siya bago sumagot. "Cash! I'll pay in cash." Nilabas niya ang wallet na may lamang ilang libo, bayad ng mga kasamahan niya sa mga ibinebenta niyang mga Avon at iba pa. "Okay, Ma'm. We will gladly accept that." Nginitian siyang muli ng receptionist bago tiningnan ang monitor. "So you'll pay for one hundred and twenty seven thousand six hundred ten in cash, Ma'm?" Pakiramdam ni Hannah ay magha-hyperventilate na naman siya. Ano daw? One hundred lang ang gusto niyang i-register sa isip niya. Bumuntong-hininga ang receptionist. "One hundred and twenty seven…" "Wait! I get it!" Nurse ako at mabilis naman ako makagetsing ng mga orders. Malinaw kong narinig ang one hundred twenty seven thousand six hundred ten. Ang laki-laki naman nun. Ano ba? Tumira ba rito sa hotel ang lalaking iyon? "Let me be clear, Ma'm. May I ask how much does the room where I stay cost in a day?" "The penthouse suite you avail cost eighteen thousand two hundred thirty per day, Ma'm." Mabilis na nagcompute si Hannah at napagtanto niyang isang buong linggo ang sinisingil sa kaniya. "My boyfriend didn't tell me how many days she stayed here." Tumawa pa siya na halatang pilit. "Would you mind telling me?" "Ohh.." Parang tsismosang nakasagap ng balita si receptionist sa kaniya. Siyempre kung girlfriend nga naman talaga ako. Aba! Dapat alam ko kung kelan pa sa hotel na ito ang boyfriend ko, 'di ba? "About a week, Ma'm. Exactly one week." "So, you mean, he didn't pay for his accommodation for a week?!" Wala na siyang pakialam kung napalakas ang boses niya. Ano ba ito? L-love scam? Ganun? Napasabunot si Hannah sa kaniyang buhok dahil nagsi-sink in na sa kaniya na nagoyo na naman siya. Tanga-tanga, 'te! "Ma'am? Are you going to pay now?" Napabalik si Hannah sa kaniyang sitwasyon ng tanong na iyon. "Are you accepting l-like a deposit first? L-like three thousand only?" Eh, sa iyon lang talaga ang laman ng wallet niya, e! Napakunot-noo naman ang receptionist na halatang naiinis na sa kaniya. "Ma'am, I don't think we can do that. I'm sorry." Juskolord! Ano ba 'tong napasukan ko? At naisip niya ang relo na regalo sa kaniya ng kaniyang ama na suot-suot niya ngayon. Kung kailangan niya magbayad ay isasangla muna niya ito sa babae. Kahit ang halaga nun ay para lamang sa isang araw. "Miss, I know you will not like what I will tell you. B-but I think you are asking for payment from the wrong customer. I, I, I don't know the guy. I,I just met him yesterday. I know it sounds crazy but I am willing to pay for one day because h-honestly it is my fault that I am here. But, I c-can't pay for the whole week! I don't even have any idea how that amount you are telling me would look like in person. I didn't even have that amount in my bank account before." Seryoso na siyang tiningnan ng receptionist at tinanguan ang gwardiya. Nilapitan siya ng guard at marahang hinawakan ang kaniyang siko. Napaatras naman si Hannah. Teka, ano na naman ba ito? "H-hey, I am t-telling the truth." Palipat-lipat niyang tingin sa receptionist at guwardiya. "Let us be civil here. W-who do I need to talk to right now? Please, just guide me. J-just don't touch me." Umatras naman ang guwardiya at tinanguan siya na sumunod sa kaniya. And then her phone rang. "W-wait.." bigkas niya sa guard bago huminto. "I'll just answer this call. It is urgent. Please?" Tumango naman ang guard. "Hannah!! Asan ka na ba, anak? H-hinahanap kita rito. Ang sabi ng mga kasamahan mo ay hinihintay din nila ang pagpasok mo." Tiningnan ni Hannah ang kaniyang relo at nalamang alas-sais y medya na. She will be late for her 7am duty. "Ma, s-sorry. Mam'ya na ako magpapaliwanag. I n-need to go." "S-sandali lang, Hannah. K-kailangan ka na ng ama mo rito. B-bilisan mo, anak." "Y-yes, Ma. Darating ako, Ma." At tinapos na niya ang tawag. Baka mawala siya sa huwisyo at tumakbo na lang palabas ng hotel na iyon. Mas malalang aberya iyon na ayaw na niyang i-risk. Sinundan niya ang guwardiya na pinindot ang elevator at pinasakay siya. Kabadong-kabado si Hannah. Pero pilit niyang kinakalma ang sarili niya. She needs to. Nang igiya siya nito sa isang kwarto ay bumulaga sa kaniya ang isang matandang lalaki. "Sir, here she is."Inirapan nang kaunti ni Hannah ang guard. Kanina pa ako ibinibilin ng Engliserong guwardiyang ito, asar much ha. Tumango naman ang lalaki. "You may sit down, Miss…" "H-hannah po. Hannah." "Hannah." Ngumiti ang matanda na umupo na rin sa swivel chair nito. "I will talk straight, Hannah. Where is your boyfriend?" Okay, so sinong boyfriend ba ang tinutukoy nito. Sa pagkakatanda ko kasi wala na akong boyfriend. "If you are referring to the guy who I stayed with in this hotel room, I h-honestly don't know him, Sir." "Hmmm, I see." Inilagay ng matandang lalaki ang dalawang siko nito sa ibabaw ng table. Ipinaghugpong ang mga kamay at ipinatong ang baba roon. Tiningnan lang siya nito at halatang sinusukat siya sa paraan ng pagtitig nito. The man in front of him undoubtedly knew something that she didn't want to think about learning. "Do you really not know the guy?" "Y-yes po. O-opo. Ganito po kasi iyon, nagkaputukan po kasi kahapon." "So, you are not just crooks. You are also dealing with guns." "Pambihira naman, Sir. Nakikinig po ba kayo? Nagkaputukan. May sinabi po ba akong may dala akong baril o yung kasama ko?!" "So, you are telling me now that you knew the guy you are with?" Napakamot na si Hannah sa kaniyang sentido sa kawalan ng masasabi. "Ano po ba kayo, imbestigador o may-ari nitong hotel?" Natawa nang bahagya ang matanda. "Nang-aaway ka pa ngayon." Naipagdikit ni Hannah ang labi at napapikit na lang sa inis sa kausap. "Sir, believe me, I don't know the guy. I swear!" Ibinaba na ng matanda ang pagkakapatong ng kamay sa lamesa at tumuwid ng upo sa swivel chair. "If you could pay for your bill, I will not question you anymore, Hannah." "S-Sir, honestly speaking again, I only stayed here for a day, not for a whole day exactly. Can I just pay for that? I-I don't have any cash here but I can lend you this watch." Ipinakita ni Hannah ang relo sa lalaki na hindi naman tumango o umiling. "B-babalikan ko 'pag may p-pera na ako, promise." Napataas pa ng kamay si Hannah na nangangako. "You know the answer to that question, Hannah. We can't." Nahulog ang balikat ni Hannah. Hindi na niya alam ang gagawin niya. Wala siyang ganoon kalaking pera at nangangailangan pa nga sila sa ngayon nang higit pa roon. Nang may mag-click sa isip niya. "S-Sir, can I just give you my PRC license? Alam niyo kung gaano kahalaga sa aming mga propesyonal iyon." Sandali siyang tinitigan ng lalaki. "We can do that. But you have to go with me to the police or a lawyer for proper documentation." "P-pulis?" Hanudaw? Susme! Pulis naman ngayon. Wala na bang katapusan ang araw ko? "Sir, b-bakit naman po may pa-pulis pa. Written po p-puwede naman na siguro iyon. Saka lisensya ko na po iyong binibigay ko sa inyo. N-nars po ako. K-kung gusto ninyo, p-puwede niyo po tawagan ang hospital namin o kahit samahan n'yo ako dun. P-pakiusap, ito po totoo rin, Sir. A-andun po sa hospital ang t-tatay ko at nag-aa– aagaw…" Napaiyak na nang tuluyan si Hannah. She felt hopeless. She wanted to stay at his father's side today. She knew she needed to be there. P-paano k-kung.. Pisting lalaki iyon! Pinagsisisihan ko na ring pinagpantasyahan ko pa iyon kanina. Buwiset! Mas masahol pa kay Brad! Nag-ring ulit ang telepono ni Hannah. Hindi na siya nagpaalam sa kung sinuman itong kausap niya bago sinagot ang telepono. Wala na siyang pakialam. "H-Hannah, asan ka bang bata ka? A-ang t-tatay mo… H-hannah…"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD