Episode 4 - CHANCES

2562 Words
Parang nawala sa sarili si Hannah pagkatapos ng tawag na iyon. I need to get out of this place. ASAP. She touched the doorknob and turned it, only to find out that it was closed. She insisted and clicked it a couple of times before she heard the old man speak. "You cannot open that door unless I punch this card there." Turo ng matandang lalaki sa scanner na nasa tabi ng pinto. Na-realize ni Hannah na magmumukha pa siya lalong tanga kung susubukan niya pang pihitin ang pintuan. Tumulo na ang kaniyang mga luha sa inis, takot, pangamba.. na baka hindi na niya maabutan pang buhay ang ama. Mas natatakot siya sa realisasyong iyon kesa sa ideya na baka hindi na siya makalabas ng buhay sa lugar na iyon. Umiiyak na lumingon si Hannah sa lalaki. "N-nakikiusap po ako sa inyo, k-kailangan po ako ng tatay ko." Napaupo na lang siya sa frustration at kawalan ng pag-asa. Gustong-gusto na niyang magwala pero pinili niya na magpakahinahon. "Kung gusto n'yo po, ibibigay ko na po sa inyo lahat ng meron ako." Ngunit nanatiling seryoso at nakatitig lamang sa kaniya ang matanda. Kinukuha ni Hannah ang wallet niya sa kaniyang bulsa ngunit dahil masikip na ang kaniyang pants ay hindi niya mahila-hila na lalong nagpadagdag sa frustration niya. "Ano ba naman 'to? Pati ba naman ikaw nakikisali pa?!" Ibinunton na ni Hannah ang inis sa kawawang wallet habang pilit na dinudukot ang wallet sa kaniyang suot. "You have two options to get out of this place. First is, if you will cooperate and tell me where your boyfriend is or… you will pay for what you owe this hotel," the old man said. "B-bakit po ba ayaw n'yo maniwala sa akin? Hindi ko nga po kilala ang lalaking iyon!" Lumunok muna si Hannah bago sumagot. "K-kung gusto n'yo po ay sa inyo na po ang wallet na ito p-pati na rin po ang relong ito." Inilapag ni Hannah ang dalawang bagay sa sahig at pinadulas ito roon papunta sa kinaroroonan ng matanda. "And'yan na po sa wallet ko lahat-lahat ng may'ron ako. 'Yung SM advantage card ko na 'di ko pa nagagamit. Baka po maka-claim na kayo riyan ng mop. K-kunin n'yo po ha, s-sayang 'yun. T-tapos po 'yung tiket ko sa lotto, malaki na po k-kasi ang p'wede mapanalunan. Inaalagaan po na number iyon ng boyfriend ko, yung totoong boyfriend ko po na ex ko na ngayon. Ewan ko kung suswertihin pa iyon kasi pinagsama po iyong date ng birthdays namin. P-pag nanalo po, sa inyo na rin po lahat p-pero… p-pero…" Lumunok muna ulit si Hannah kasi naghalo-halo na ang luha at laway niya sa kaiiyak. "balatuhan n'yo po sana ako. Promise po! O-opo, di ako maghahabol basta kahit balato po sana…" Ngumawa na naman si Hannah habang nakatingin sa kawalan. Hindi na tuloy niya nakitang nangingiti na ang matanda. "T-tapos po may tiket rin po ako d'yan, y-yung pwede ako manalo ng libreng stay sa hotel sa Cebu po ata 'yun. Swerte po ako sa mga ganyan, e. Sa inyo na rin po 'pag nanalo. Wala rin naman ako pera pambili ng tiket sa eroplano, e. Ang ganda po roon. T-tapos…" Pumailanglang ang halakhak ng matanda sa buong paligid na bumasag sa pagmumuni ni Hannah. "A-ano pong nakakatawa?" nakakunot na tanong ni Hannah sa matanda. "You! You made me laugh. I get it now. Mukha ngang wala kang alam. S-Sm card, lotto and all. I don't want to open your wallet any longer, just to discover that there are more tickets inside than actual money." Lumabas na naman ang mapuputing ngipin nito. There was something likable about the old man, but still, mas namamayani kay Hannah ang takot sa overpowering presence nito. "Opo. S-sayang po mga ticket na 'yun. Pinaghihirapan ko rin po makakuha ng mga ganyan. Updated po iyan kasi saulado ko po mga final draw dates nila. Nakalagay po sa journal ko sa bahay," proud na proud na sabi ni Hannah. Again, the whole place was enveloped with an infectious laughter from the old man na gusto na rin sana sabayan ni Hannah. Hindi na niya alam kung kailan siya huling tumawa o makakatawa pa ba siya pagkatapos niya makipag-usap dito. "I get it now, lady. Don't worry anymore. Just settle everything at the front desk. Whatever you owe this hotel, you can pay it anytime you want. Just tell them I told you." "T-talaga po?" Nanlaki ang mga mata ni Hannah sa gulat. "Yes. So go and meet your father." Tumayo pa ang matanda at lumapit na sa may pintuan. He tapped his card at the scanner. Tumayo na rin si Hannah at hinawakan ang kamay ng matanda na nagpagulat din dito pero hindi naman binawi ang mga kamay. "B-baka naman po pwedeng free na ang stay ko? I don't have money and…" Marahang hinatak ng matanda ang kamay nito. "If you insist on that, we might as well go to the police. What'd you think?" Para namang napaso si Hannah na binitiwan ang kamay ng matanda. "Wala naman pong ganyanan. Okay na po. S-salamat." Nagmamadali nang lumakad si Hannah at kinausap ang nasa front desk. Nang matapos ay para na siyang hinahabol ng toro na pumara ng jeep at sumakay doon. Pagkababa ng jeep sa harapan ng hospital ay tumakbo na siya papasok at tinunton ang numero ng kwarto na sinabi ng kaniyang ina. Nang malapit na siya ay napatda siya ng kaunti dahil kitang-kita niya ang paghangos ng dalawa pa niyang kasamahan sa kwarto na kinaroroonan ng ama. Ayaw niya mag-isip ng masama pero hindi niya maiwasan. Ganoong-ganoon sila kapag may emergency, a code blue. "H-Hannah? Dalian mo na." Hinatak pa ni Angel ang kaniyang mga kamay papasok sa kwarto. Hindi nga siya nagkakamali dahil ang dalawa pa niyang kasamahan na naroon na ay nasa tabi na ng kaniyang ama at nagbibigay ng CPR. Nakatayo rin doon ang isa sa mga doctor on duty nila. Pawisan na ang mga ito lalo na ang dalawa niyang kasamang halatang kanina pa nag-c-CPR. Pumapalahaw na ng iyak ang kaniyang ina na masyado nang nakapokus sa kaniyang ama na hindi na namalayang dumating siya. Nilapitan niya ito at niyakap. "Hannah, iha.. B-bakit ngayon ka lang?" Nag-command ang doctor na maglapat ng enerhiya na galing sa defibrillator kaya lumayo ng bahagya ang mga kasamahan. And the cycle continues for at least ten more minutes. And then she heard that first two words na kahit sanay na sanay na siya ay nagpayanig pa rin sa kaniyang kaloob-looban. "Time of…" "Noooo! Doc! Nooo!" Hinawakan ni Hannah ang kamay ng doktor. "Doc, nooo…" At nagitla na lang ang kanyang co-nurse nang hinatak niya ito para bumaba sa kama. Pinalitan niya ito sa tabi ng ama niya. She immediately put her crossed hands in the middle of his father's heart. She pumped and pumped and pumped. Hinayaan lang siya ng mga kasamahan pati na rin ng doktor na kasama niya. Ito ang isa sa mga kinaiiwasan nila. Ang panahon na pilit inilalaban ng kanilang kapwa sa medikal field ang kanilang mga kamag-anakan. Even though they know it doesn't make sense anymore, they will still try. Pinalitan ni Angel ang kasamahan nila na nasa isang tabi ni Hannah. She immediately pumped too pagkatapos ng cycle nito. Hindi nila alam kung gaano na sila katagal sa ganoong ayos nang hinawakan ng doktor ang balikat ni Hannah. "Hannah, please…" Walang naririnig si Hannah na patuloy pa ring nagbibigay ng CPR sa sariling ama. Umiling na si Angel ng ito na ang magbibigay ng CPR. "Angel, please!!!" Hannah pleaded for her friend to do her job. Gusto na naman niyang umiyak pero hindi makakatulong sa kaniya ang ganoon. She needed her whole energy in order to help her father to survive. Hannah pumped again when her friend didn't budge. She never pumped like that in her whole nursing career. She felt like her energy was doubled. Na hindi siya mapapagod. If that was adrenaline rush, sasamantalahin niya iyon hanggang kusa na itong mawala. Hannah pumped again. At nang pakiramdam niya ay pagod na siya ay sumigaw na siya. "Dadddddd! Wag naman ganito, Daddddd!" She pumped again. Umiling na ang mga kasamahan habang awang-awa na nakatunghay lamang kay Hannah. Sinenyasan na ng doktor ang dalawang nurse na hilahin na si Hannah. Nagpumiglas ito at wala pa ring tigil na bumabalik sa dibdib ng ama ang kaniyang mga kamay na parang magnet. And then they heard a sound, that wonderful rhythm that will always give them relief, the sound of a beating heart. Sa pagkakataong iyon ay nagpahila na si Hannah habang hindi inaalis ang mata sa doktor na tumitingin sa kaniyang ama. Nakapikit pa rin ang ama niya na alam niyang marami pang pagdadaanan, na alam niyang hindi pa nakakalagpas sa delikadong kalagayan nito. At least, his father's heart is beating again. Matapang si Hannah pero hindi niya alam na igugupo siya kung makita niya ang sariling ama na naka-hook sa kung saan-saang aparato. Both his hands have an IV line. Ang bibig nito ay nakatubo. Ang isang parte ng katawan nito ay naka-expose kung saan ito inoperahan para kuhanin ang bumaong bala. Once they were done with their inspection and giving medications, her co-nurses tapped her hands and left the room. Naiwan si Hannah at ang kaniyang ina at ang doctor nila. Ipinaliwanag nito ang kalagayan ng kan'yang ama. "You are braver than I thought you were, Hannah. Mapalad ang iyong ama sa pagkakaroon ng anak na katulad mo. It is a miracle that your father is alive and still fighting. You should thank the One above for this." Ngumiti ang kanilang resident doctor bago tinapik ang kaniyang balikat at umalis na ng kwarto. "Hannah, anak, anong gusto mong kainin?" kapagdaka ay tanong ni Adora. Doon lamang kumalam ang tiyan niya. Kahapon pa ata ng hapon ang huli niyang kinain. Ngayon ay mag-aalas dose na ng tanghali. "K-kahit ano na lang po, 'Nay." "Bibili ako ng sisig dun kay Ising. Paborito ninyo iyon ng tatay mo 'di ba?" "Nay, hindi n'yo naman po kailangang umuwi pa sa atin para lang ibili ako ng pagkain. D'yan na lang ako sa canteen namin kakain." Hinawakan ni Adora ang kamay ng kaniyang anak. "You deserve it, Hannah. Saka tama ba ako na hindi ka pa umuuwi sa bahay at nakakapagpalit ng damit?" Tiningnan naman ni Hannah ang suot. "Miyerkules ngayon, Hannah, at alam kong itinuturing mo itong wash day pati ang Sunday. Naka-scrub suit ka 'pag ganitong araw." Nangunot ang noo ni Hannah. Wala naman siyang sinasabi na ganoon sa ina. Hindi niya alam na nag-oobserba pala ito. "Nanay mo ako, alam ko kung ano ang iniisip mo, at mga ginagawa mo. Kahit gaano kaliit pang bagay iyan, mahalaga sa amin iyon ng Tatay mo." "Nay, sige na, dumito ka na at ako na po ang bababa sa cafeteria." Marahang hinila ni Adora ang kamay ng anak niya. "Alam kong iyan ang pinakahuling gugustuhin mong gawin. Tama ba akong ayaw mong iwan ang tatay mo?" Sandaling namayani ang katahimikan sa paligid nila. "Alam ko 'yan, iha, dahil nga nanay mo ako. Sapat na sa akin na malaman na buhay ang iyong ama. Ikaw na muna ang manatili rito. Uuwi ako at ikukuha ka ng pampalit at bibili ako ng sisig, hmm?" Nangingilid ang luha na tumango si Hannah. "S-salamat, 'Nay." "Bawal ang drama, iha." Pinahid ni Adora ang tumulong luha sa mata ng kaniyang unica hija. Pagkaalis nito ay bumalik si Hannah sa tabi ng kaniyang ama at hinawakan ang isang kamay nito. Inalala ni Hannah ang nangyari sa kanya sa nakalipas na bente kwatro oras. Ang pagsulpot ng isang estranghero na akala niya ay magnanakaw, ang panloloko ni Brad, ang barilan, ang pagkakakulong niya sa hotel dahil din sa pesteng estranghero na wala naman palang pera at ang nangyaring trahedya sa kaniyang ama. Ipinikit niya ang kaniyang mata at inalala ang kaniyang kabataan. Kadarating lamang ni Larry sa kanilang bahay dala ang paborito nilang sisig. Binuksan nito iyon at inihain sa kanilang hapag-kainan. "Mukhang nakakuha ng bonus si Tatay, ah," biro ni Stanley habang umuupo sa tabi ni Hannah. Kasama nito si Harlan na may dalang bola. Naglaro na naman siguro ng basketball ang dalawa niyang kapatid. "Hindi naman, Stan. Tapos ko na kasing bayaran ang utang natin sa Pag-ibig. Wala na tayong babayaran. Totoong atin na itong bahay na'to." "Talaga ba, darling?" kumikislap ang mga matang wika ng kan'yang ina na proud na housewife. Iniwan nito ang career nito bilang guro dahil medyo mahina ang katawan ng kapatid nilang bunso. Ito ang nag-aalaga rito tuwing naoospital si Harlan. Hindi na kasi mapagbigyan dahil lagi na lang nagle-leave dahil nga kailangan isugod sa hospital ang kapatid. Ngayon lamang na nag high school ito bumuti-buti ang kalagayan, dala na rin ng tamang alaga, pagkain, ehersisyo at gabay ng kanilang ina. "Kuya Stanley, next week kukuha ka na naman ng board. Good luck ulit," bati ni Hannah sa nakatatandang kapatid. Stanley graduated with flying colors pero sa hindi malamang dahilan ay hindi makapasa-pasa sa engineering board. Ngumiti ito sa paraang pinalalakas din ang loob. "Oo naman. Yakang-yaka. Ikaw naman, musta na ang schooling?" balik-tanong nito sa kaniya. "Okay naman din. Salamat." "Kuya, Ate, kukuha ako ng law ha? Kayo magpapaaral sa akin," ika naman ni Harlan. "Ganun ba? Aba! Oo naman!" malugod na wika ni Hannah at pagtingin nila kay Stanley ay tumatango-tango rin na tanda ng pagsang-ayon nito. "Maswerte talaga ako sa inyo, mga anak," nakangiting wika ni Larry na kumindat naman kay Adora. "Alagaan ninyo ang isa't isa pati na rin ang ating mga naipundar, hmmm? dagdag bilin ni Larry. Na-witness nilang magkakapatid ang pagbabago ng kanilang bahay. Simula sa barong-barong hanggang napa-extend na napa-extend na ngayon ay two-storey bungalow na. Bunga ng paghihirap at dedikasyon ng kanilang mga magulang. Pinigilan niya ang kaniyang mga nagbabantang luha bago nagsalita dahil ayaw niya marinig ng ama niya ang paggaralgal niyon. Maswerte siya sa ama na napakabuti. Inalagaan sila nito at itinaguyod sa paraan na alam nitong lalaki silang mabubuting tao. Her father works as a government employee. Nakatanggap pa nga ito ng award bilang natatanging empleyado a couple of times. Nirerespeto sa kaniyang malinis na pagtatrabaho at alam niyang hindi tumatanggap ng kahit na anong suhol. Maraming lumalapit dito at wala ni isang pinapahindian. That's why Hannah can't accept the fact that such a wonderful man would leave our earth just like that. Na mabaril at masabihang isang drug p****r dahil lamang sinamahan ang kaniyang tiyuhin na kapatid nito sa pakikipag-usap sa kung sinuman iyon na dapat kakausapin daw nito. "D-dad, mahal na mahal kita. Akala ko kaya ko, a-akala ko matapang ako. Madalas kong idinadalangin sa Diyos na kung mayroon mang mangyayari sa pamilya ko, dapat andoon ako. K-kasi alam ko ang gagawin. And for once in my life, Dad, p-pakiramdam ko kanina nabobo ako. I just did what my instinct told me. Wala nang isip-isip. Akala ko kasi kaya ko, p-pero hindi pala. Kung nam… nam…ki–kinuha ka Niya kanina.. Hindi ko na alam, Dad. Baka ikabaliw ko.. Dad, lumaban ka.. Huwag mo na problemahin ang bahay natin. Gagawa ako ng paraan para hindi 'yun mawala sa atin. Basta lumaban ka.. Lumaban ka.." And then the door opened, pumasok mula roon ang dalawang taong kinamumuhian niya ngayon, ang mga taong pinakahuli sa gusto niya makita sa kwartong iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD