Episode 5 - Rooftop

2341 Words
"Ano pong ginagawa ninyo rito?" matiim na tanong ni Hannah sa mga kadarating lang. "Hannah... hindi ka man lang ba magmamano muna sa akin. Nasaan na ang magalang na pamangkin ko?" Nagbigay pa si Badong ng pilyong ngiti. Nagpanting ang tainga ni Hannah sa tanong na iyon. Respect begets respect. Pero ang taong nasa harapan niya ngayon ay hindi karespe-respeto. "Ayaw ko po maging bastos, Tito. P-pakiusap po, saka na po muna kayo dumalaw kay Tatay. 'Wag po muna ngayon, please," Hannah pleaded. Kahit naman ganito ay ayaw niya naman talagang mambastos. Wala lang talaga siguro sa hulog pa ang pag-iisip niya. Pakiramdam niya kasi ay may hangover pa siya sa mga nangyari. "Asan ang nanay mo?" tanong muli ni Badong. Nagpalinga-linga pa ito. Hindi alam ni Hannah kung sensitibo ba siya masyado pero hindi niya nagustuhan ang tinanong ni Badong. Nasa hospital ito at nakaratay sa kama ang kaniyang ama dahil sa kagagawan nito. Bakit ang ina niya ang hinahanap nito? Ni hindi man lang ba ito nag-aalala sa kapatid nito at ni hindi man lang kinumusta o tiningnan man lang. "Umuwi po saglit." Ibinalik na ni Hannah ang atensyon sa ama upang maiwasan na lalong sumama ang loob sa kaniyang tiyuhin. "Pinapapunta niya ako rito tapos wala siya. Kailangan ko 'yung pera na nasa kanya," muling usal ni Badong. "P-pera? Anong pera? Ano po ba talaga ang dahilan at andito kayo, Tito Badong?!" "Bakit mo ako sinisigawan?!" "Ni hindi n'yo man lang ba kukumustahin si Tatay, Tito Badong? Alam n'yo po ba ang nangyari kanina?" "Ano naman?" balewalang tanong nito. Humakbang pa ito at tinungo ang hospital bench at parang tambay na umupo roon. Huminga nang malalim si Hannah bago sumagot. "Muntik lang namang mamatay si Tatay kanina. Akala ko pa naman dumadalaw kayo rito para kay Tatay pero mukhang hindi pala iyon ang ipinunta n'yo rito." Natahimik si Badong. Nagulat din sa winika ni Hannah. "Pero buhay pa naman si Larry. Ano'ng problema dun?" Hannah smirked. Anong klaseng kapatid ba ang isang 'to? "Problema, Tito? Tinatanong pa ba iyon? Ikaw ang dahilan ng pagkakabaril kay Tatay. Ni hindi kita makitaan ng kaunting pagsisisi sa mukha para sa kapatid mo, sa kuya mo. Hindi ba problema iyon?!" "Aba't sinusumbatan mo ba ako?!" Lumapit pa ito at akmang sasampalin si Hannah nang bumukas ang pinto. Nabitiwan ni Adora ang mga dala-dala at sinakluluhan ang anak. Iniharang nito ang katawan sa dalawa. "B-Badong, H-Hannah, ano'ng nangyayari?" Nagsukatan lamang ng tingin ang magtiyuhin. Isinunod nang ibinaba ni Badong ang nakaambang kamay nito at humarap kay Adora. "Asan na ang pera?" "T-teka…" Tumakbo ito at kinuha ang mga nahulog na gamit. Kinuha rin nito ang wallet sa bag nito at akmang ibibigay ang ilang libo kay Badong nang inagaw iyon ni Hannah. "Hannah naman. Ibigay mo na kay tito Badong mo iyan. Akina nga 'yan." Dahan-dahan nitong hinila ang pera sa kamay ni Hannah na nakatikom na ang bibig sa pagtitimpi. Iniabot nito iyon kay Badong na nakita niyang saglit na ngumiti. "Mauna na ako, Adora. Kailangan ko na umuwi. Baka pagdating ko sa bahay ay putol na ang kuryente namin. Salamat dito ha. B-babayaran ko rin naman. P-pangako." Masaya nitong ibinulsa ang pera. Nakaalis na si Badong pero hindi pa rin umuupo si Hannah. Nanggagalaiti siya sa galit. Huminga siya nang malalim. "Nay, bakit? Nakita n'yo ba ang itsura niya nung kinuha niya ang pera? Hindi niya ipambabayad 'yun! Ipangsusugal n'ya lang iyon!" Hinawakan ni Adora ang balikat ni Hannah at iginiya ito na umupo para mapakalma. "Han, hindi ka namin pinalaking maramot. Kung maiba ang pangyayari at ang nangailangan ay ang kuya Stan mo o si Harlan, hindi mo ba pagbibigyan?" "Ma! Ibang usapan iyon dahil hindi naman sila nagsusugal. Siyempre, p-pahiramin ko." "D'yan ka nagkakamali. Hindi mo ba alam na minsan ko na binigyan ng pera ang kuya mo at sinubukan n'ya magsugal?" Nanlaki ang kan'yang mga mata. "S-si Kuya Stan?!" Tumango si Adora. "Pero napag-isipan n'ya rin naman na walang magandang maidudulot ang sugal kaya hindi na s'ya nagpatuloy. Paano kung sa pagkakataong ito ay totoong mapuputulan ng kuryente sila Tito Badong mo? Makakaya mo bang sikilin ang mga pinsan mo na gagawa na naman ng assignment sa labas ng bahay nila?" Hannah envisioned her cousins. Sa sobrang hirap ng mga ito noon ay totoo naman talagang sa labas ng bahay gumagawa ng assignment sa tabi mismo ng main road. Sa ilaw ng mga sasakyan nangunguha ng liwanag upang makita ang mga letra na binabasa. Pero nadako na naman ang paningin niya sa kan'yang ama. Ang kan'yang ama na nakahimlay sa kama at walang kabuhay-buhay, dahil na rin sa kasamaan ng kapatid nito. "H-hindi pa rin, Ma! May mga taong sukdulan na ang kasakiman at hindi na magbabago pa. Isa na roon si Tito Badong." "Hannah, anak…" Parang walang naririnig na lumabas ng kwarto si Hannah at umakyat para makapunta sa garden ng hospital na nasa rooftop. Pagdating niya roon ay walang katao-tao dahil nga tirik na tirik pa ang araw. Pumunta siya sa pinakagilid niyon at humawak sa railings habang tinatanaw ang mga buildings na katabi ng kanilang hospital. "Han?" Nilingon ni Hannah ang pinanggalingan ng boses. "Umaano ka pa rito? Bakit hindi ka pa sumama sa tiyuhin mo?" Ibinalik niya ang paningin sa mga buildings. Nakalimutan niyang kasama nga pala ni Badong ang pamangkin nitong si Brad. Anak si Brad ng pinsan ni Tita Tonia, na asawa ni Tito Badong. "Hannah, I-I'm sorry." Tumabi ito sa kanya at humawak din sa railings. "C-Can you just leave me alone, for now?" Hannah pleaded. "Patawarin mo ako, Han. Lalaki lang kasi ako na may pangangailangan din. At alam kong k-kasalanan kong nagpatangay ako sa tukso. Believe it or not, walang nangyari na sa amin s-simula kahapon." Simula kahapon? Tignan mo nga naman. Ang isda ay nahuhuli sa sariling bibig. So hindi lang pala isang beses 'yun! Pero pinili ni Hannah na hindi magsalita. Ang gusto lang niya ay katahimikan na hindi naman maibibigay ni Brad kung patuloy niya itong kakausapin. She will just let him do the talking. Ang ayaw pa naman nito ay ang hindi ito kinikibo. "Naakit ako dahil higit pa sa mga halik ang inialok niya sa akin. I-I'm sorry for degrading you yesterday. Nakanti lang din ang aking pride." Gustong-gusto na sumagot ni Hannah pero pinilit na lang niya mag-concentrate sa mga ibong natatanaw niyang lumilipad. "I need your warmth, Han. Not just your kisses and hugs. I-I want to feel your body with mine. Hindi mo lang alam na sa tuwing naghahalikan tayo ay pinipigilan ko ang sarili ko na 'wag na lumayo doon. H-hindi ko na iyon uulitin, Han. I will remain faithful to you, I swear!" Hindi pa rin sumagot si Hannah, ni lingon ay hindi niya ginawa. "I am telling you the truth, si Honey lang talaga ang n-naging babae ko a-at wala na akong balak pang lokohin ka sa pamamagitan niya. Ngayon lang ako nagkasala sa'yo, h-hindi ba p'wedeng kalimutan na lang natin iyon at magsimula muli?" Ipinikit ni Hannah ang kan'yang mga mata. Yes, indeed. Ngayon lang talaga nagloko si Brad. He'd been such a wonderful boyfriend, so caring and sweet. Naalala niya ang mga panahong nagkakasakit siya at ito ang nagbabantay sa kaniya. He is also a great cook na kabaligtaran niya. Madalas na nagbabaon ito ng ulam nila 'pag nagkakasabay sila mag-duty. He is such a nice man to be with that she didn't expect him to cheat. He cheated on him not just once but twice. With their own hard-earned money and with a girl that was far from her. Ni hindi nga alam ni Hannah kung iiyak siya o magpapasalamat dahil nalaman na niya agad ang iba pang ugali nito bago sila magpakasal. She was so torn. He loves Brad, and had never loved anyone except him. Hindi naman siya tatagal ng limang taon na kasama ito kung hindi niya iniisip na magtatagal sila. Nagpaplano na nga silang magpakasal next year. Nararamdaman na ni Brad na nagbababa na ng depensa si Hannah, her sweet and innocent Hannah. Gusto niyang pumalatak pero hindi niya pwede gawin. Mabubulilyaso ang kaniyang plano. Sa halip ay hinawakan niya ang isang kamay nito. Nang hindi binawi ni Hannah ang kamay nito ay hinaplos-haplos na niya iyon sa paraang alam niya na gusto nito. Hannah is still thinking. Tinitimbang niya ang mga pangyayari. He still loves Brad, hindi mababago ang katotohanan na iyon ng isang pagkakamali nito. Alam na alam ni Brad kung paano siya pakalmahin. Kanina ay isang kamay lang niya ang hawak nito, ngayon ay nasa likuran na niya. Brad is caressing her like he had not done before. Iniharap ni Brad si Hannah at marahas itong hinalikan. Hinawakan pa niya mabuti ang uluhan ni Hannah kaya mas lalong lumapat ang kan'yang labi rito. Alam niyang hindi magaling humalik si Hannah kaya nga minsan ay parang nawawalan siya ng gana rito, katulad ngayon. It is as if there is no fire. Ngunit hindi niya bibitiwan si Hannah. Pinalalim pa niya ang halik na iyon sa pamamagitan ng pagpasok ng kaniyang dila. Kumawala ang ungol sa labi ng dalaga. He knew Hannah wanted to do it with him but she will always keep her promise to herself. Iyon ang isang bagay na hindi niya maintindihan. Pananagutan naman niya ang babae, bakit nagpapakipot pa ito? Hannah never wanted to stop. Naiinis siya sa mga oras na iyon. Hindi matanggap ng kaniyang sistema na may ibang nakahalikan ang lalaki. Hindi niya mapigilang mainis sa sarili dahil pakiramdam nga niya ay nakikipagkompetensiya siya kay Honey. Why am I doing this? Ano ba ang kailangan kong patunayan? But she continue kissing Brad. Bumaba ang isang kamay ni Brad at ipinasok iyon sa blusa ni Hannah. Nagulat ang dalaga ngunit hindi naman niyon pinigilan si Brad. Huminto si Brad at idinikit ang noo sa dalaga. "C-can we go somewhere, Han?" namamaos na wika ni Brad. Hindi naman makasagot si Hannah. She is looking straight in Brad's eyes but she feels like what she is giving her is not love vibes, but more of lust. Hinila ng lalaki ang kamay ni Hannah ngunit hindi ito nagpatinag. Napalingon tuloy si Brad kay Hannah. "Are you not coming with me?" hindi makapaniwala na tanong ng binata. Hannah shook her head. "I-I'm sorry, Brad. We already broke up yesterday. That is final." Nakita ni Hannah ang pagbabago ng anyo ng dating kasintahan. The sweet guy who was wooing her a minute ago is like a devouring lion now. Ready to attack his enemy. Brad harshly pulled her and kissed her aggressively. Itinulak siya nito hanggang madikit ang kaniyang likuran sa barandilya ng rooftop. Pilit na kumakawala si Hannah sa dating kasintahan ngunit hindi ito nagpapatinag. Para itong matigas na pader na 'pag binunggo mo ay masasaktan ka. Inilayo niya ang kaniyang mukha rito. "Brad! Stop!" Pero nagpatuloy pa rin ito sa paglusob sa kaniyang mukha at pilit siyang hinahalikan. "Stoooppp.. Brad, n-nasasaktan ako.." Hindi na niya talaga alam kung kilala pa niya ang lalaki. For the last five years, Brad had been the perfect guy. Ayaw niyang paniwalaan na sa isang iglap ay magiging halimaw ang tingin niya rito. "If I were you, I would let go of the lady," a gentle yet commanding voice of a man resounded. Sabay na napalingon ang dalawa sa pinanggalingan ng boses sa tagiliran nila. Nakaupo ang isang lalaki sa may isang sementadong bangko. Tumayo ito. His presence made Hannah feel like the rooftop became narrower. Nakasuot ito ng royal blue two-piece suit. He had a big black sunglasses on. Itinapon ng estranghero ang sigarilyo pagkatapos nito humithit. Tinapakan pa nito iyon bago ibinalik sa kanila ang paningin nito. "Bakit ka ba nangengealam, huh?" buwisit na tanong ni Brad na idiniin pa ang pagkakahawak sa isang kamay ni Hannah. "B-bitiwan mo na kasi ako, Brad. M-masakit n-na…" Hannah pleaded. "Sasama ka sa akin, Hannah," bulong ni Brad na marahas na namang hinila ang braso ng dalaga. "Sabi ng break na tayo, e. Ayaw ko na!" Pinipilit ni Hannah na hilahin ang kaniyang braso ngunit mas lalo lamang idiniin ni Brad ang daliri nito sa kaniyang balat. Hindi alam ni Hannah na kaya palang makasakit ng mga kuko kahit hindi iyon matalim. "If a lady continuously says no, they surely mean it. So, let go of her, man," the stranger said. "Sino ka ba talaga? Girlfriend ko ang babaeng ito kaya 'wag na 'wag ka pumapasok sa relasyon ng may relasyon." Hinatak muli nito si Hannah na napasama na lang kay Brad. Hindi kaya ni Hannah ang biglaang pagiging agresibo ng dating boyfriend. Medyo malayo-layo na rin ang kanilang inihakbang ng dumausdos si Brad sa sahig. Sa pagtumba na iyon ni Brad ay alam na ni Hannah kung saan siya pupulutin, sa tabi nito. Ipinikit na lang niya ang mga mata at hinintay ang kaniyang paglagabag sa sahig. Napadilat siya bigla dahil sa halip na ang semento ang yakapin niya ay may kakaibang braso ang humatak sa isa niyang kamay. Dinala siya niyon sa tabi ng estranghero na mala-superhero ang lakas. Ang kanyang mga braso ay kusang yumakap sa bewang nito. Malamya pa ang kaniyang pagkakatayo at kung hindi niya iyon gagawin ay mahahalikan na niya talaga ang sahig. It seems like she is hugging the guy now. Hindi na niya napansin ang biglaang paglipad ng kamao ni Brad sa pisngi ng estranghero. Pagkatapos ay hinila na naman siya nito. "Sa susunod, hindi lang iyan ang makukuha mo," banta ni Brad sa estranghero na pinahiran ang gilid ng labi nito. Hannah eyed the stranger. Bakit ang sexy nito tignan habang ginagawa iyon? And he looks familiar! Nakita na ba niya ito? His red lips ay mas lalong pumula dahil marahil sa pagpunas na ginawa nito. Napailing si Hannah sa ideyang pumasok sa isip niya. Tiningnan nito si Brad. Kahit hindi naman nito tinanggal ang salamin nito ay parang tumatagos ang titig nito. Tinutusok si Brad. He turned his head towards Hannah. "If you would hold my hand, I will make things right for you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD