Episode 6 - Escape

3038 Words
Naiipit si Hannah sa magkabilang bato. Hindi niya alam kung ano ang susunod na gagawin. She is in the arms of her lover na nagsisimula nang maging agresibo at ngayon nga ay may nag-aalok na lalaki ng kamay nito, isa na namang estranghero. Saglit niyang inalala ang nakakaasar na estranghero na iniwan siya sa ere sa hotel. Ayaw niyang mag take ng risk ngayon pero ipit na ipit na talaga siya. Total naman ay hahawakan lang niya ang kamay nito. So she stretched her hand towards the stranger. He smiled. A dangerous yet enticing smile. The guy quickly held her hand and at the same time was fighting with Brad. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi na mawari ni Hannah kung ano ang pagkakasunud-sunod. Kung sino ang unang nanipa o unang nasuntok. Ang nakita na lang niya ay ang resulta ng pagbubunuan ng dalawa. Napahiga na lang si Brad na latang-lata. Hindi naman talaga bugbog na bugbog. Sakto lang para masabing matagal pa bago ito makatayo. Then, the stranger firmly held Hannah's hand. Para lang silang nag-i-stroll sa parke nang hinatak siya nito upang umalis. Sumakay sila ng elevator. Hindi pa rin binibitiwan ng lalaki ang kamay ni Hannah. Nasa likuran siya habang ang lalaki ay nakatayo sa may tabi ng elevator buttons. She was not sure kung ano ang number na pinindot ng lalaki. Balak niya sanang bumalik na lang sa kwarto ng ama ngunit sigurado siyang susundan lang siya roon ni Brad 'pag nakabawi na ito. Ibinalik niya ang paningin sa lalaki. Pamilyar sa kaniya ang nangyayari. Pakiramdam niya ay isa iyong deja'vu. Firm na firm ang katawan ng lalaki. The way he stands screams confidence. "D-did we met before?" basag ni Hannah sa katahimikan. Hindi sumagot ang lalaki hanggang may iba pang nagsipasukan sa elevator. Nasiksik lalo ang dalaga sa may bandang likuran. Hindi maiwasan ni Hannah na maamoy ang panlalaking pabango ng lalaki. Nagpapabango rin naman si Brad maging ang mga kapatid niya pero ngayon lang naramdaman ni Hannah na pwede ka palang maakit sa amoy lang. Pamilyar din sa kaniya ang amoy nito. Parang pangmayaman, aromatic, woody. Amoy na hindi niya pagsasawaang malanghap. Huminga siya nang malalim. Napapikit pa siya para mas lalong masamyo iyon. Pagdilat niya ng mata ay nakangisi na ang lalaki. Paano ba naman ay humarap pala ito sa kaniya! Yumuko ito at bumulong. "How do I smell? You like it?" Inilihis ni Hannah ang paningin niya upang hindi masalubong ang mukha ng lalaki. Nakakahiya! When the elevator door stopped at the ground floor, everyone had stepped out. Hinawakan muli ng lalaki ang kamay ni Hannah na para bang matagal na nilang ginagawa iyon. Nang makalakad nang kaunti ay hinatak na ni Hannah ang kamay niya. "S-salamat. Pero mukhang kailangan mo nang bitiwan ang kamay ko." Hindi lumingon ang estranghero sa kaniya sa halip ay nagsalita ito na parang talinghaga. "Maybe turning around will make you change your mind." Magkahawak kamay pa rin sila nang lumingon si Hannah. Ngayon ay parang toro si Brad na nanlilisik ang mata na sumusugod sa kanila. Pagtingin ni Hannah sa estranghero ay nakangisi na naman ito. "The decision is yours. You can leave with me or you will face that guy alone. It is your choice." Hinatak na nang tuluyan ni Hannah ang kamay ng estranghero, hindi para bumitiw rito kundi para tumakbo. Humakbang ang lalaki at nauna itong tumakbo. Tinunton nila ang parking lot habang panaka-nakang lumilingon si Hannah sa gawi ni Brad. "Hannnnahhhh!!! Lagoooot kayo sa akin 'pag naabutan koooo kayoooo!" sigaw nito. Pinaandar ng estranghero ang motorsiklo nito. Napansin ni Hannah na mukha ring mamahalin iyon. It is a red Ducati Desmosedici bike! Yung huli niyang tiningnan ang presyo niyon ay tumataginting na eleven million pesos ang halaga! Mahilig din kasi sa motorbikes ang kaniyang Kuya at lagi nitong bukambibig ang Ducati. "Are you really going with me or you will just stare at the bike?" Kinuha na ni Hannah ang helmet na iniaabot ng lalaki at sumakay na sa motor. "Hang on!" the guy instructed. And they zoomed out of the place. Nilingon niya si Brad na pulang-pula ang mukha at dinuduro sila. Sa sobrang bilis ng pagpapaandar ng lalaki ay hindi na napigilan ni Hannah na humawak sa kung saan-saang parte ng motor. Ayaw niya kasing kumapit sa lalaki. "Kung gusto mo maaksidente tayo pareho, ipagpatuloy mo ang ginagawa mo," mayamaya ay wika nito. Kaswal na kaswal lamang ang pagkakasabi niyon ngunit feeling ni Hannah ay pinapagalitan siya na parang bata. Kaya inilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang balikat nito. "Hindi ka pa ba nakakasakay kahit kailan sa motor? Is this how you hold on to the driver?" tila naiirita nang wika ng estranghero. Napipikon na rin si Hannah sa lalaki ngunit hindi naman pwedeng basta na lang siya magmaktol at pumara sa kung saan. This is not the proper way to thank the guy who saved her. Kaya kahit hindi bukal sa loob ay ipinulupot na lamang ni Hannah ang mga braso sa bewang ng lalaki. "Marunong ka naman pala umintindi," wika pa nito na pinabilis pa ang pagmamaneho. Umismid naman si Hannah pero hindi niya maiwasang kumapit pa nang husto sa lalaki. Natatakot din naman siyang mahulog sa motor. Hindi niya mapigilang mainis sa mga nangyayari sa kanya. Hindi niya alam kung may mali ba sa naging gising niya kahapon at minalas na siya ng halos dalawang araw. Kelan ba matatapos ito? Hindi na alam ni Hannah kung saan sila huminto. Nag-enjoy na rin kasi siya sa pagtanaw sa paligid kahit puro mga buildings pa iyon. Ang dami ring mga eskinita silang dinaanan na ni minsan ay hindi pa niya nalulusutan kahit alam naman niya ang pasikot-sikot sa kanilang lugar. Huminto sila sa isang sikat na mall na iilan lang ang pumupunta. Hindi kasi ito madaling puntahan dahil kakailanganin mo talaga ng sariling sasakyan. Hindi siya kasi kabilang sa mga nadadaanang ruta ng jeep o bus. Pagbaba nila ay kusa na namang hinawakan ng lalaki ang kaniyang isang kamay na parang magkasintahan lang sila. Hindi naman niya magawang bawiin iyon. Lahat halos nang nadadaanan nila ay branded shops na hindi niya rin talaga gustong pasukin. Kahit naman may magustuhan siya ay hindi rin naman niya mabibili. Mapu-frustrate lang siya. Maaari namang makakita nang ganoon sa mga ukay-ukay, tiyagaan lang talaga sa paghahanap. Syempre alam naman niya na iba pa rin kung bili sa mga shops dahil sigurado kang quality pero hindi naman siya ang tipo ng babae na hindi na magsusuot ng damit dahil may maliit na iyong butas o wala na ang ibang butones. Marunong naman siya manahi at magpalit ng butones. Tamang paraan lang para ma-enjoy din naman ang mga bagay na gustong bilhin na hindi mauubos ang pera. "Let us eat first," the guy said. Kumalam naman bigla ang tiyan ni Hannah. Hindi pa nga pala siya nakakakain sa loob ng 24 hours! Kaya naman pala nanlalata na siya. Pumasok sila sa isang fine dining resto. Hinatak niya ang kamay ng lalaki. "W-wala akong pambayad diyan. Kung gusto mo kumain, ikaw na lang. I'll find something that is on my budget." "Look at your surroundings. Can you see any fastfood restaurant here? Narinig ko ang pagkalam ng tiyan mo at sa tantiya ko ay gutom na gutom ka na. It is already four in the afternoon. Hindi pa rin ako nagla-lunch dahil itinakas kita. So, gugutumin mo rin ba ako?" Naisip na rin iyon ni Hannah. Wala pa nga siyang nakikitang murang shops sa nadaanan niya, malamang ganoon din sa kainan. "C-can you lend me some money?" Ngumisi pa si Hannah. "Ang dami mong dada. Pumasok na tayo at saka na natin isipin kung paano magbabayad." Totoo namang gutom na gutom na si Hannah kaya sumama na siyang pumasok. Naunang naupo ang lalaki. Lalaktawan na niya ito upang pumunta sa kabilang banda nang hinatak siya nito. Napaupo tuloy siya sa tabi nito. "You sit here. I don't want my company to sit far away from me." Ipinatong pa ng lalaki ang isang bisig nito sa kaniyang upuan. Kung titingnan tuloy ay para itong nakaakbay sa kanya. "Y-you are making me uncomfortable. Pwede bang umurong ka nang kaunti?" "No. I will not do that." Tatayo na si Hannah ngunit hinatak na naman ng lalaki ang kamay niya. "Just.. sit…there.." He commanded. Huminga nang malalim si Hannah para mabawasan ang inis niya sa mga utos ng lalaki. Lumapit naman mayamaya ang waiter sa kanila at ibinigay ang menu. Ikinurap-kurap ni Hannah ang kaniyang mga mata. Ang pinakamurang pagkain ay plain rice na nagkakahalaga ng tatlong daang peso! Sumakit ang ulo ni Hannah sa pag-iisip. Ganitong gutom siya ay mas lalong iinit talaga ang ulo niya. Umorder na ang lalaki at katulad nito ay nakatingin na rin sa kaniya ang waiter. Napainom tuloy siya ng di-oras sa service water na binigay ng waiter kani-kanina lang. "Can I order later?" she told the waiter. "No. You will order now," the guy commanded again. Napamulagat lang siya sa lalaki. "Please, just order so we could eat. Gutom na gutom na ako at hindi nakakatulong ang pagiging maarte mo." Nainsulto naman si Hannah. Wala pang nakakapagsabi sa kaniya na maarte siya. Ito pa lang. Hindi naman lahat ng tao ay afford ang ganoong mga restaurant. Kung mayaman ito, hindi nito dapat ipamukha sa kaniya ang pagiging dukha niya. Masyado itong arogante. Akmang tatayo na si Hannah para lisanin ang lugar nang magsalita muli ang lalaki sa waiter. "Just double my order." Napanganga si Hannah. "No! W-wala akong pambayad. Ni hindi ko nga alam kung paano ako uuwi dahil kahit pamasahe hindi sasakto. H-hindi ako nagpapaawa, huh. Nagsasabi lang ako ng totoo." Paliwanag ni Hannah sa dalawa habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa mga ito. Tinanguan lamang ng lalaki ang waiter na nag-aalanganing umalis ngunit ginawa pa rin. Hindi mapakali si Hannah habang naghihintay ng pagkain. Hindi kasi nagsasalita ang lalaki pero hindi niya naman mapigilang hindi ito pansinin dahil muli ay naaamoy niya ang pabango nito. Para siyang naaadik. Umupo na si Hannah nang maayos sa tabi ng lalaki. "H-hindi mo ba narinig ang sinabi ko. Wala akong pambayad." "Just keep your mouth shut. Ang daldal mo masyado. Stay there and just wait for our order. Period." Kinakabahan si Hannah dahil ayaw na niyang magkamali na naman ng pagtitiwala. Sa tantiya niya, ang buong order niya ay nagkakahalaga ng tatlong libo. Said na said na ang pera niya dahil nga ibinigay niya na lahat sa hotel. Andoon din ang buong wallet niya. Kung sakali man ay mauuwi ata siya sa paghuhugas ng pinggan. Magkano na ba ang per day ngayon ng isang server? Five hundred? So, six days niya babayaran ang kakainin niya sa isang meal lang! Not worth it. "Bahala ka d'yan. Aalis na ako." The moment she said it, the stranger firmly hold her hand once again, mas mahigpit pa ata kesa sa pagkakahawak na ginawa ni Brad. "Hindi ko alam kung mahina ang kokote mo o sadyang inosente ka. Ako na nga ang magbabayad. So pleeease, just please, stay there." Kinalma ni Hannah ang kaniyang sarili. Hindi na rin niya nagawang hatakin pa ang kamay niya. Dahil kung tutuusin, hindi niya rin maintindihan ang pesteng sarili niya dahil gusto rin naman niyang hinahawakan ng lalaki ang kamay niya. It kind of makes her feel safe. Safe! Sa kamay ng isang aroganteng lalaking ito? Safe talaga ang word na naisip niya? "C-Can we talk?" ani Hannah para basagin ang kakaiba niyang nararamdaman. Tumingin naman sa kanya ang lalaki na hanggang ngayon ay naka-shades pa. "Okay. What do you want to talk about?" He shifted. Lumayo ito nang kaunti ngunit ang mga binti naman nito ay tumatama na sa kaniyang binti habang ang isang kamay nito ay inilagay muli nito sa ibabaw ng kaniyang upuan. Mas lalo tuloy nailang si Hannah dahil dalawang bahagi na ng lalaki ang nakadikit sa kaniya. Iniwas niya ang kaniyang binti sa lalaki. Nakita niya ang pagngisi nito na nangangahulugang alam nito na naiilang siya. Nagpokus na lang si Hannah sa mga itatanong sa lalaki. "W-What are you doing sa rooftop kanina? Are you also visiting someone?" "Yes." "A-Are you going back there?" "Maybe." "C-Can you take off your shades?" "No." Huminto na si Hannah na magtanong. Mukang wala ring balak ang lalaki na makipag-usap. "Any more questions? Yun lang ang itatanong mo?" Hindi na umimik si Hannah. Wala naman ata siya makukuhang matinong sagot sa lalaki. "So, babalikan mo pa ba 'yung lalaking iyon sa rooftop?" Pinag-isipan ni Hannah ang sasabihin. Mahal niya pa rin si Brad pero hindi siya tanga para makipagbalikan pa rito. "I d-don't know. Hindi ko masabi." "Hmm, choice mo pa rin naman iyon. Pero kung gusto mo ng payo, wag mo na balikan iyon. Marami na akong nakilalang lalaki na manloloko na nananakit pa. Ikaw lang ang magiging kawawa. Baka mabalitaan ko na lang na patay ka na. Sayang naman ang effort ko na iligtas ka." "Ganyan ka ba talaga magsalita?" "What?" "Yung gan'yan. Parang ang sakit mo magsalita e. Yung uumpisahan mo sa maganda tapos bandang dulo, nagiging hambog na." "Bakit? What is wrong with being honest?" "Pwede namang maging honest at pumili ng mga salita na hindi makakasakit sa pakiramdam." "Honest? Just like how your ex-boyfriend talk to you nang umpisa kanina? That is not honesty. Pambobola iyon at hindi ako ganun." Tinitigan ni Hannah ang lalaki at ganoon din ang ginawa nito. Naunang nagbaba ng tingin si Hannah. Pagkatapos nila kumain ay naglabas ang lalaki ng pera. He paid for their food in cash! Napansin niya na bulky ang wallet nito. Kung tatantiyahin niya ay nasa thirty thousand siguro ang laman niyon. Habang naglalakad ay hindi maiwasan ni Hannah na magtanong dito. "Lagi ka bang nagdadala ng ganyan kalaking pera?" He just nodded. "H-hindi ka ba natatakot na manakawan? Ang kapal kaya ng bulsa mo, pansin na pansin." "Takot? Sila ang dapat matakot sa akin." There was something scary in the way he said those words na pumasok na sa isip ni Hannah na umalis na. Pero muli, hindi niya ginawa. "W-wala ka bang credit card?" "Kailangan ba talaga 'yun?" Nagkatitigan na naman sila. Ang weird talaga ng lalaking ito. Hindi alam ni Hannah paano magpapaalam dito. Parang gusto niya na hindi ang presensya ng lalaki. Ngayon nga ay magkahawak-kamay na naman sila. Hindi na rin matandaan ni Hannah kung kailan inabot ng lalaki ang kamay niya. Basta na lang natagpuan niya ang sarili na masayang naglalakad kasama ito. Nadaan sila sa isang appliance shop at napahinto siya sa malaking telebisyon. Kung bibili siya ng mamahalin, asahan mong una sa listahan ang tv. Balita ang palabas ngayon sa tv. Hindi makagalaw si Hannah nang lumabas mula roon ang mukha ng ama sa isang flash news. "Ayon sa mga saksi ay may iniabot daw si Boy Pitik na isa sa mga kilalang drug dealer sa lugar kay Konsehal Larry Andrada. Nangyari raw iyon sa tapat ng isang bahay na malapit sa pasugalan. Ang bali-balita pa nga raw ay napapadalas ang naturang lingkod-bayan na namamataan sa lugar na iyon. Pagkatapos daw niyon ay nagkaroon na ng putukan. Patay sa naturang insidente si Boy Pitik at ngayon ay nasa hindi mabuting kalagayan ang konsehal. Nahaharap ngayon ang konsehal sa patong-patong na krimen patungkol sa droga. News Flash at Five." Napaurong si Hannah. Just like that, her father's face was shown in public, ngunit sa nakakalungkot na sitwasyon. Hindi ito kumukuha ng award ngayon, ito ay pinaparatangan na nakagawa ng napakasama. At bakit ang ama lamang ang nasa balita? Nasaan si Tito Badong? Hindi na tuloy niya napansin ang babaeng may dalang kape at humahangos ding naglalakad. Nabunggo nito si Hannah. "Ano ba?! Tignan mo nga ang paligid mo, miss!" asar na wika ng babae na tinignan ang hawak na cup. Nangalahati na iyon. Tumapon ang kape sa tagiliran ni Hannah. Mainit-init pa iyon pero ni hindi man lang natinag ang dalaga. Namanhid na ata siya dahil sa napanuod sa tv. "Hey, are you okay?" tanong sa kaniya ng estranghero pagkatapos na makaalis ng babae. "Si T-Tatay…" tanging mga salita na nausal ni Hannah. "Hey, come with me. Let us fix your clothes." Hinatak na naman siya ng lalaki sa kung saan. Lumabas sila sa isang exit at pumasok na naman sa entrance na katapat lamang ng mall. Hindi na namalayan ni Hannah na nasa isang kwarto na siya. Pinaupo siya ng lalaki roon. Nasa tabi ang sala set ng malaking glass window. Nakaupo siya sa bandang ang matatanaw mo ang labas. Hindi niya alam kung gaano kataas ang kinaroroonan niya pero tanaw na tanaw niya mula roon ang langit. Ngayon lang din niya napansing gabi na pala. Ang ganda tignan ng mga bituin ngunit hindi niya iyon ma-enjoy. Mayamaya ay inabutan siya ng lalaki ng bathrobe. "I think you should take a bath now. Kahapon mo pa suot ang damit na iyan." Nangunot ang noo ni Hannah. Paano nalaman nito na kahapon pa ang suot niya? She doesn't mind anymore. Baka nga nasabi na rin niya kanina sa lalaki. Baka nga ganun lang. "Don't worry. May masusuot ka naman. Just take a bath at ang sagwa tignan ng damit mo. Puting puti tapos merong malaking mantsa." Doon lang tinignan ni Hannah ang suot niya. Ngayon na lang din niya naalalang dalawang araw na niyang suot ang white uniform niya. She went inside the bathroom. Umiyak siya nang umiyak pagpasok doon. Nasa loob na siya ng banyo nang mahigit isang oras na nung may marinig siyang kumakatok. Tinapos na niya ang pagbababad sa bathtub at isinuot ang roba. Paglabas niya ng banyo ay may iniaabot sa kaniyang damit ang lalaki. Ngunit hindi niya magawang hawakan man lang iyon. Ni minsan ay hindi pa siya nakabili nang ganoon. Nakatupi iyon pero alam naman niya kung ano iyon. "You don't like to wear this?" the stranger smiled seductively habang inilaladlad ang damit sa harapan ni Hannah. Isa iyong black floral lingerie! Na kung susuotin ni Hannah ay para na rin siyang walang suot. See-through kasi iyon. "That is not a dress, mister." He chuckled. A sexy laugh. Napatingin si Hannah sa lalaki at ngayon lang niya mas lalong nabistahan ito dahil tinanggal na nito ang shades na suot. "I-ikaw?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD