"Yes, it's me," kaswal na sagot ng lalaki. "So, change now and wear this." Ikinaway pa nito sa harapan niya ang lingerie.
"Bakit ko naman isusuot yan? Ano ako baliw? Tumabi ka nga!" Hinawi niya ang lalaki at sinimulang suyurin ang buong condo unit. Sa sobrang laki niyon ay hindi niya alam kung saan siya magsisimula, kaya inuna niyang puntahan ang sala.
"Anong hinahanap mo?"
Hindi siya nagsalita at patuloy niyang sinuyod ang buong paligid.
"If you are looking for your uniform. Itinapon ko na iyon sa basurahan."
Napalingon si Hannah sa pagkagitla. "Bakit mo naman itatapon 'yun?! Ano na lang ang isusuot ko?"
"This one?" Itinaas muli ng lalaki ang lingerie.
"Nahihibang ka na ba? Asan ang basurahan mo?" Pumunta si Hannah sa kusina at naghalughog doon. Wala siyang nakitang basurahan kaya binuksan niya isa-isa ang mga aparador na nasa ilalim niyon.
Sinundan naman siya ng lalaki. "Did I tell you which garbage bin I threw your uniform in?"
"Saan nga?"
"Sa labas."
"S-sa labas?! Oh my gosh!" Napahawak si Hannah sa kaniyang noo habang inaalisa ang kaniyang itsura. Hindi naman siya pwedeng lumabas na nakaroba lalo na at hindi niya alam kung saang labas ang tinutukoy ng lalaki.
"Just wear that." Inihagis na lang ng lalaki ang lingerie papunta kay Hannah na hinayaan lang niya mahulog.
Hinawakan naman ni Hannah ang braso ng lalaki at pilit itong pinaharap sa kaniya. "Niloloko mo ba ako, huh? Ano bang tingin mo sa akin at ginaganito mo ako? Ang laki-laki pa ng kasalanan mo sa akin at hinayaan mo lang ako magbayad sa hotel? Isandaang libo mahigit yun!"
"Ohh…" Tumango-tango pa ito na parang hindi sineseryoso ang sinasabi niya. Umupo pa ito sa sala set at ipinatong ang paa sa ibabaw ng table.
"Naririnig mo ba ako, huh?!" inis na inis na tanong ni Hannah na pinuntahan din ang lalaki at tumayo sa harapan nito.
Tiningnan naman siya nito at nakita niya pagsilay ng pilyong ngiti nito habang pinapasadahan siya simula ulo hanggang paa.
Napatingin naman si Hannah sa sarili. Here she is in front of a guy. Hindi niya siguro naitali nang maayos ang kaniyang bathrobe kaya bumukas iyon at lumantad sa lalaki ang kaniyang katawan. Hindi naman masagwa tignan dahil para lang siya nakasuot ng two piece swimsuit pero nahiya si Hannah dahil ni hindi pa niya nagagawang magsuot ng ganoon. The only swimwear she had worn was rashguard at maluwang pa ang mga iyon. Napatakip siya ng biglaan at tumalikod dito para iayos ang kaniyang bathrobe.
Pagharap niya sa lalaki ay ngumingisi pa rin ito. "As if doing that would make me forget what I saw already." Tumikhim pa ang damuhong lalaki.
"Wala akong pakialam sa opinyon mo. Bayaran mo ako at aalis na ako rito sa condo mo."
Tinitigan siya ng lalaki at nang mapagtanto nitong hindi siya magpapatinag ay tumayo ito muli at pumasok sa kwarto nito. Paglabas nito ay may hawak na itong slingbag. Binuksan nito iyon at ipinakita sa kaniya ang laman. Ilang bundle nang tig-1000 ang nakita niya. Sa tantiya niya ay hihigit pa iyon sa dalawandaang peso!
"I will give you this if you will swim with me for the meantime," wika ng estranghero kapagdaka.
"B-bakit naman gugustuhin ko pang mag-swimming kasama ka?"
"Payment for saving you a while ago, I guess?"
"P-payment??"
"Why? Do you think I am a person who does things for free? Nakaganti na ako sa'yo nung iniligtas kita sa boyfriend mo kasama ang babae niya. But what happened today is a different matter."
Itinaas ni Hannah ang kaniyang kilay. Ayaw naman din niya tumanaw ng utang na loob sa misteryosong lalaking ito. "Fine! But I will not wear that thing!" turo niya sa lingerie.
"Okay. We have a remedy for that."
Umalis ulit ito at nang bumalik ay may hawak ng isang white one piece swimsuit. Rib cut ang design niyon kaya para na rin siyang nakasuot ng two-piece.
"Change to that, and I'll just wait for you by the pool," he said then stride towards the left corner of the condo unit. He gracefully push aside the floor to ceiling curtain at saglit na nasilip ni Hannah ang isang pool.
Pagkatapos mag-dive ng lalaki ay pinagmasdan ni Hannah nang maigi ang ngayon ay hawak-hawak na one piece swimsuit. First time niya magsusuot niyon at makakasama pa niya ang isang estranghero. Pumasok siya muli sa banyo at mabagal na nagpalit. Sinuot niya muli ang bathrobe at ipinatong sa suot na swimsuit.
Kinakabahang lumakad si Hannah papunta sa kinaroroonan ng lalaki. Hinawi pa niya nang kaunti ang dark blue curtain at dahanh-dahang sinilip ang lalaki na ngayon ay lumalangoy na sa swimming pool. Kitang kita niya ang mga gumagalaw nitong muscles sa kamay na umaayon sa bawat hawi niyon sa tubig. Nakablack swimming trunks lang ang lalaki.
Dahan-dahang hinakbang ni Hannah ang mga paa papuntang swimming pool. Hawak-hawak pa rin niya ang bathrobe nang lingunin siya ng lalaki. Lumangoy ito papunta sa kaniya at parang batang inilagay nito ang mga braso sa gilid ng swimming pool at ipinatong ang baba doon. Hindi ito nagsasalita at nakatingin lang ito sa kaniya. Kung inaakit siya nito ay hindi niya masabi pero effective ang ginagawa ng lalaki. He looks like a demigod na napunta sa mundo ng mga tao. Ang lahat ng napagmamasdan ngayon ni Hannah ay kahali-halina sa mata. Ang tubig na umaagos galing sa buhok nito ay parang nag-i-sparkle. Para tuloy nagniningning sa kaniyang harapan ang lalaki.
Mayamaya ay lumabas na naman ang pilyong ngiti nito habang pinapasadahan siya ng tingin.
"How long are you going to stand there? You are gorgeous…but… not sexy enough to entice me. Masyadong maliit yang dede mo."
Napamaang si Hannah sa tinuran nito. Okay na sana at tinawag siyang gorgeous e. Pero, ano ito't minamaliit pa nito ang..ang…maliit niyang dede! Bastos!
Hindi na nahiya si Hannah dahil hindi puwede sa kaniya na pinagtatawanan ng kung sinuman ang kaniyang katawan. Hindi man gaanong kalakihan ang dede niya ay hindi naman papatalo ang puwitan at bewang niya! Maganda at maporma ang puwet niya at lalo namang hindi dapat nito sabihing hindi siya sexy! Sa taas niyang 5'5 ay size 22 ang bewang niya! Hindi puwede iyon!
Padaskol niyang tinanggal ang kaniyang bathrobe. Muli ay nasilayan niya ang mapaglaro nitong ngiti pagkatapos ay lumangoy na naman palayo sa kaniya.
Tumalon na si Hannah sa tubig. Huli na rin para maisip niyang malamig na nga pala ang tubig dahil gabing-gabi na. O baka nga madaling-araw na. Sa pagkakamaling iyon ay nangangatog siyang lumangoy papunta sa kabilang side ng pool, malayo sa mapanlait na mata ng lalaki.
Dahil infinity ang pool ay hinayaan ni Hannah na tanawin ang mga buildings. Kataka-taka ring hindi siya natatakot sa taas nang kinaroroonan nila. May iba pa siyang natatanaw na ilang floor sa taas nila kaya alam niyang wala sila sa pinakatuktok ng condominium.
Dahil sa ginawa niya ay nalimutan niyang may kasama siyang lalaki na maaaring lumapit sa kaniya. Nagulat na lang siya na pumalibot sa kaniya ang mga bisig ng lalaki at inilagay nito ang baba sa balikat niya.
Hindi makagalaw si Hannah pero nangatog siya. Hindi niya tuloy malaman kung dahil sa nilalamig siya o dahil sa kinikilabutan siya dahil ramdam na ramdam niya ang hininga ng lalaki sa kaniyang pisngi.
Hinayaan lang ni Hannah ang sarili na damhin ang presensiya ng lalaki. There was really something comforting in how he held her. Kampante lang ito na nakayakap sa kaniya at tinatanaw din ang ibang building.
Mayamaya ay ipinaikot siya nito at napaharap na siya rito. Sa kabilugan ng buwan ay kitang-kita ni Hannah ang light brown eyes ng lalaki. Pakiramdam ni Hannah ay nababasa niya ang kaluluwa niya dahil tumatagos ang imahe niya sa mga mata nito.
The guy brushed his hand at the right side of Hannah's cheek. Nakiliti si Hannah kaya iginalaw niya ng bahagya ang kaniyang mukha. Mayamaya ay pinadaan na rin ng lalaki ang mga daliri nito sa kaniyang noo pababa sa kaniyang labi. Napapikit tuloy si Hannah.
"You have such a small face and thin yet kissable lips," the guy praised her.
Ibinukas ni Hannah ang kaniyang mga mata at pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mukha ng lalaki.
Ayaw man niya aminin ay naaakit siya sa mga mata nito maging sa kissable lips ng lalaki.
Nasa ganoon silang porma nang umihip ang malakas na hangin. Tinangay niyon ang ilang hibla ng buhok ni Hannah at tumabing sa kaniyang mukha. Hinawi iyon ng lalaki at inipit sa kaniyang tenga.
Napapikit muli si Hannah sa sensasyong patuloy na bumabalot sa kaniya. Pakiramdam niya ay humaba pa ng ilang inches ang buhok niya sa ginawa ng lalaki. She seemed to be a really attractive woman at the moment.
"And, did I tell you that I was just joking around a while ago? You are such a sight to behold, and you are so sexually alluring right now. I can't take my eyes off of you."
Muli ay ipinikit na ni Hannah ang kaniyang mga mata dahil alam naman niyang hahantong na iyon sa paghahalikan.
"Payo ko lang sana na 'wag ka magparetoke. Sapat naman na ang dede mo," sa halip na halikan ang dalaga ay wika ng binata.
Napadilat si Hannah dahil sa tinuran ng lalaki. Napabunghalit siya ng tawa na ikinakunot naman nito ng noo. "Okay na sana, e. Kaso ibinuka mo na naman 'yang bibig mong…"
The stranger sweetly kissed Hannah. Mariin ang una nitong mga halik ngunit mayamaya ay gumaan na.
Hannah felt like the stranger was tasting her. Ngayon kasi ay binibigyan siya ng lalaki ng maliliit at putol-putol na halik.
Inilayo si Hannah ng lalaki at pinagmasdan muli ang mukha ng dalaga.
Hindi mabasa ni Hannah ang tumatakbo sa isip ng lalaki dahil blangko iyon. Hindi niya tuloy alam kung nadala lang sa sitwasyon ang lalaki o ginusto talaga nito na halikan siya.
Mayamaya ay dahan-dahan na naman itong lumapit para halikan siya.
Ngunit hindi pa sumasayad ang mga labi nito sa kaniya ay parang may bumabato sa kanila. Kitang-kita ni Hannah ang paggalaw ng tubig.
"Down!" sigaw ng lalaki pagkatapos nito hawakan ang ulo ni Hannah.
Lumangoy ang lalaki sa isang gilid habang hawak-hawak si Hannah. Ngayon lang niya narealize na binabaril sila!
Hindi alam ni Hannah kung aahon na o hindi. Nahihirapan na siya huminga kaya iniangat niya ang kaniyang ulo na hindi niya sana ginawa dahil kitang-kita niya ang pagtusok ng bala sa tubig malapit mismo sa uluhan niya!
"I said down!" sabi na rin ng lalaki na iniangat na rin ang ulo.
Nasa ilalim sila ng tubig at nawawalan na si Hannah ng hininga kaya naiipit siya kung aahon na o hindi. Mayamaya ay naramdaman niya ang paghatak sa kaniya ng lalaki at paghalik sa kaniya. No, it was not for a kiss. He is giving her air so that she can breathe. Hindi niya alam kung kelan ito tumigil pero hinatak siya muli nito sa isang gilid malapit sa may bintana.
Sumenyas ito na mauuna itong umahon. Nang ma-sense ng lalaki na wala nang bumabaril ay hinatak na niya si Hannah.
Tuliro si Hannah at pilit humahanap ng sagot sa mga mata ng lalaki.
"When I say run, run as fast as you can towards the bedroom, okay?"
Tumango si Hannah kahit hindi niya alam kung iyon ang tamang gawin ngayon.
"Run!" the guy instructed.
Hindi alam ni Hannah kung paano siya nakaahon sa tubig. Mayamaya ay nakarinig na lang si Hannah ng mga nababasag. Tinamaan ang bintana ng bala.
Tinungo niya ang kwarto. Kasunod niya ang lalaki.
May pinuntahan ito at mayamaya ay may hawak na itong baril.
"Bakit may baril ka?! Sino ka ba? Bakit tayo binabaril!?" sunud-sunod na tanong ni Hannah sa lalaki.
Ibinato nito sa kaniya ang isang bestida.
Hinubad na niya ang swimsuit na suot at dali-daling nagpalit ng damit sa harap ng lalaki. Wala na siyang pakialam kung may makita man ang lalaki sa kaniya na hindi dapat nito makita. She is in danger again, iyon ang inilalagay niya sa isip.
"Maling-mali na dinala kita rito. The moment you are in a safe place, do not ever look for me."
"Huh??"
Sa halip na sumagot ay muli siyang hinatak ng lalaki at ibinigay sa kaniya ang sling bag. "Pay the hotel that we first check in. Do not worry, bayad naman ang isang ito ngayon. Whatever is left there, it is all yours. Keep it."
"Ano?"
"Ano ba, Hannah?! Umayos ka nga!"
Nagulat si Hannah. "Paano mo nalaman ang pangalan ko? S-sino ka ba?"
"Please do not ask more questions. Mas mahalagang maitakas kita kesa malaman mo kung sino ako."
Hinawakan siya ng lalaki at nagpahila na lang siya.
Nakasuot na naman ito ng itim na t-shirt at maong na pants, katulad ng una niya itong nakita. Nakashades at cap na rin ito na kakulay din ng damit nito.
"Isuot mo ito." The guy put the cap on her head. "Use this." Iniabot din nito sa kaniya ang isang black mask.
Isinasabit ni Hannah ang mask sa kaniyang tenga gamit ang isang kamay habang nagpapahila sa lalaki na hawak-hawak ang kabila niyang kamay.
Dahan-dahan nitong binuksan ang pinto ng condo at sumilip sa labas. Mayamaya ay hinila na siya nito at tinungo nila ang fire exit.
Pagkalampas ng ilang floor ay binuksan nito ang pintuan palabas ng fire exit at hinatak muli siya.
"You'll be safe basta 'wag ka lalayo sa akin," the guy commanded while pressing the elevator door. Ilang floors ang pinindot nito.
Sa bawat hinto ng elevator ay nararamdaman ni Hannah ang pagtigas ng isang braso nito at paghawak nito sa bulsa na may lamang baril. Nagpapasalamat na lang si Hannah na wala silang nakakasabay.
Nang bumukas ang elevator sa parking area ay iniamba na ng lalaki ang baril nito. Nasa likuran lamang si Hannah at naghihintay.
Pinindot ng lalaki ang car key at tumunog iyon. Isang sports car ang umilaw! Pulang-pula iyon na may mga black accent at sa tingin niya ay convertible pa.
"Sakay na!" Sabi pa nito habang pinapaandar ang makina. "Nurse ka pa naman pero hindi ka nakakaintindi ng danger? Sa ganitong panahon, 'wag ka na maghintay na pagbubuksan ka pa ng pinto! Sumakay ka na!" pagalit pang asik nito.
Nagpanting naman ang tenga ni Hannah na ngayon ay nasa passenger seat na. "Eh, siraulo ka pala e! Alam ko ngang nasa delikadong sitwasyon ako! Pero hindi naman ako tanga na patuloy na sasama sa lalaking hindi ko kilala at dahilan pa para mabaril ako kung sakali! Napaka mo talaga!"
Hindi na nagsalita pa ang lalaki at pinaharurot na nito ang sasakyan.
Paglabas ng parking area ay bigla na namang may bumaril sa kanila na dahilan ng pagtakip ni Hannah ng kaniyang tenga at pagpikit ng mata. Muntik na siyang tumilapon dahil nalimutan na niyang mag seatbelt sa takot.
"Pati ba naman seatbelt hindi mo alam gamitin?" sigaw ng lalaki.
"Pag nakalabas talaga ako ng buhay sa sasakyang ito, mukha mo lang ang walang latay, hayop ka!"
Sa halip na magalit ay tumawa pa ang lalaki. "Bakit naman mukha ko ang ititira mo? You like my face that much?"
Napalingon dito si Hannah na katatapos lang ilagay ang seatbelt. "Like mo mukha mo! Siraulo!"
The car sped away.
Napatingin na lang si Hannah sa kaniyang harapan. Sa sobrang bilis ng takbo nila ay feeling ni Hannah nasa loob siya ng isang movie. Parang hindi kapani-paniwala na sa ganoong takbo nila ay wala pa silang nabubunggo. Nakakalipat ang kanilang sasakyan sa kahit anong lane sa daan. Kung bigla silang lumipad ay hindi na rin niya pagtatakhan.
She heard a few more gunshot. Nilingon niya ang kanilang likuran at kitang-kita niya ang rumaragasa ring mga sasakyang sumusunod sa kanila. Dalawa iyon!
Inilabas ng kung sinuman ang isang malaking baril na hindi maintindihan ni Hannah kung paanong sa bilis ng sasakyan ay ni hindi man lang nililipad at parang ang gaan-gaan lang na hinahawakan.
And then it fired a few more shots!
Napasigaw si Hannah. Napayuko siya. Tinignan niya ang kaniyang kasama na akala mo ay walang nangyayari at chill na chill lang na nagda-drive.
"Sino ka ba talaga?!" sigaw ni Hannah.
"You don't need to know, lady. It is better for you."
Inilabas ng lalaki ang baril nito at basta lang ito bumaril gamit ang isang kamay habang ang isa ay nagpapatakbo ng sasakyan. May biglang pumutok na parang mahangin.
Nilingon ni Hannah ang kaniyang likuran at napansin niyang bigla na lang huminto ang mga sumusunod sa kanila. Ang isa sa mga iyon ay parang natanggalan ng gulong. Nagkarambola na rin ang iba pang sasakyan.
Tumakbo lang nang tumakbo ang kanilang sinasakyan hanggang dumating sila sa harapan ng hospital kung saan siya nagtatrabaho.
Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Si Hannah ay nakatingin lamang sa kaniyang harapan habang ang lalaki ay pinagmamasdan siya.
Pagkalipas ng ilang minuto ay inalis na nito ang pagkakakabit ng kaniyang seatbelt
Tulala pa rin si Hannah hanggang sa ipinagbukas na siya ng lalaki ng pintuan. Hinawakan siya nito at tinulungang bumaba ng sasakyan.
"You are safe now, Hannah."
Nagkatitigan ang dalawa, walang gustong magbawi ng tingin.
"Gotta go now."
Hindi napigilan ni Hannah na abutin ang kamay nito.
Hindi lumilingon ang lalaki pero hinayaan lang siya na nakahawak dito.
Ang dami niya gustong sabihin pero hindi naman niya maibuka ang bibig. Halo-halo ang kaniyang emosyon ngayon. Gusto niyang manatili pa ang lalaki sa tabi niya ngunit natatakot din siya. Ngayon lang nagsi-sink in sa kaniya na ang mga barilan na nangyayari sa nakalipas na araw ay dahil na rin dito sa lalaking kahawak-kamay niya.
He can sense that this guy is an extraordinary one. Kung sinuman ito o anuman ang trabaho nito ay siguradong mapanganib. Kung patuloy siyang sasama rito ay patuloy ring malalagay sa alanganin ang kaniyang buhay. Pero ngayong tinitingnan niya ang likuran nito ay mas nararamdaman niya na humihiyaw ito ng tulong. Nababasa niya mula roon ang lungkot ng buhay nito.
Nang humarap ito at tanggalin ang pagkakahawak niya ay hinayaan na niya ito.
Nasa kalagitnaan na ang lalaki pabalik sa driver's seat nang nagsalita si Hannah."I promise not to look for you b-but can you tell me your name?"
Nagpatuloy ang lalaki sa paglalakad nito at sumakay na sa sasakyan. Pinaandar na nito ang makina ng Mustang.
Laglag ang balikat na tinanggap ni Hannah na mas maganda nga siguro na hindi na niya malaman pa ang pangalan ng estranghero. Hindi na nga siguro magtatagpo pa ang kanilang landas.
Tatalikod na siya nang ibaba ng lalaki ang bintana sa passenger side.
Saglit na nagtama ang kanilang mata.
Matagal bago sumagot ang lalaki. "Killian, you can call me Killian."