Matagal bago nakaya ni Hannah na umakyat sa kwarto ng ama. Nanginginig pa rin ang tuhod niya na pumasok sa loob ng hospital. Hindi maiwasan ni Hannah na hawakan ang slingbag na nakasabit pa rin sa kaniyang leeg. Ang laking pera nun. Agad siyang pumunta sa nurse station. Puno ng pag-aalinlangan at mukhang kinakabahan ang mga kasama nung pumasok siya sa loob ng istasyon. "Ano po iyon, Ma'm? Bawal po dito sa loob ang mga kamag-anak," wika ng kaibigan niyang si Angel. Nagtataka naman si Hannah sa ginawi ng kaibigan. "Luka-luka, anong pinagsasasabi mo diyan?" napapantastikuhang wika ni Hannah. Nag-aalangan namang sumagot si Angel. "Han? Ikaw ba 'yan?" "Oo! Lukring ka!" "Lakas din ng topak mo, Han! Anong drama 'yang pasumbrero at mask mo?" ika pa ng isa nilang kasamahan. "Tinakot mo kami

