"Who is she?" tanong ni Raven pagkatapos nila pumasok sa loob ng kwarto ni Sevy. "Nothing, just nothing. Wag mo na lang alamin," sagot ni Killian. Nagkibit-balikat naman si Raven bago iniba ang usapan. Nilapitan ni Killian si Sevy at hinaplos ang braso ng kapartner niya. Unconscious pa rin ito. "You're here,Killian. How are you?" nakangiting bati ni Sasaki sa kaniya. Kapapasok lang din nito sa kwarto. Kusa siyang napangiti. Iba talaga ang aura ng babae. Yung tipong gugustuhin mong dalawin palagi 'pag nagkasakit ka. "Sasaki." Nilapitan niya ito at sandaling niyakap. Ilang beses na rin namang sinagip siya nito sa mga malalalang sitwasyon. "Hindi ka ba nasugatan?" kaswal na tanong nito sa kanya habang tsine-check si Sevy. Gusto niya sana ipasuri ulit ang balikat niya pero naniniwal

