Masakit na masakit ang ulo ni Hannah pagkagising niya kinabukasan. Pakiramdam niya ay naduduwal pa rin siya. Hawak-hawak pa niya ang kaniyang noo dahil kumirot iyon nang mapagtanto na wala siya sa sariling kwarto. Inalala niya ang nangyari nang nakaraang gabi at ang dahilan kung bakit nasa isang bar siya. Hindi niya pa matanggap na wala na ang ama, lalo na at ililibing ito sa mismong araw na pilit niyang kinakalimutan. May isang masalimuot kasing nangyari sa kaniya labintatlong taon na ang nakalilipas. Hindi naman na puwede ipagpabukas pa dahil flight na nila ni Angel sa susunod na araw. May pamisa nung gabi na iyon ngunit hindi siya sumama. Basta na lang niya hinatak si Angel na katabi niya sa lamay at isinama sa bar na iyon. Hindi man ito sang-ayon sa desisyon niya ay hindi naman din s

