Angelo’s Point of View Kinabukasan. Nagising ako sa pag-ring ng nai-set kong alarm. Kaagad ko namang kinuha ang aking phone at wala sa sariling pinatay ang alarm. Madilim pa rin ang paligid. Ang malambot na unan at kama sa kuwartong ito ay tila ba pinipigilan akong tumayo. “Chuckie, wake up already,” ang komento naman ng isang tinig kaya napaupo ako. Hinanap ko naman ang pinanggalingan ng boses. Si Magnus; nakaupo sa isang butterfly chair sa malayo at nagbabasa. Naka-on ang night lamp sa tabi niya. “K-kanina ka pa diyan?” ang nauutal ko namang tanong dahil sa pagkagulat. “I just got here,” ang tugon naman niya sabay lipat ng pahina ng librong binabasa niya. “P-paano ka nakapasok?” ang sunod ko namang tanong. “May pinto sa kabila; yung papunta sa wak-in closet,” ang paliwanag n

