Angelo’s Point of View Sinalubong naman ako ng lamig ng hangin mula sa airconditioner ng mall. Tumayo naman ako sa gilid ng entrance arcade para hintayin sa Magnus. Hindi pa man ako nagtatagal ay nakaamoy ako ng pamilyar na amoy. Tumingin ako sa paligid at hinanap ang pinanggaglingan niyon. Napanganga naman ako nanag mahanap at mapagtanto kung ano ang amoy na ‘yun. “Takoyaki!” ang sabi ko sa aking isipan. Tila ba may sariling pag-iisip ang aking mga paa. Naglakad ako papalapit sa Takoyaki cart. “Good afternoon po,” ang bati ng nagbebenta. “Ilan pong piraso?” “Walo po,” ang tugon ko naman. Pinanood ko naman ang paglagay niya ng batter mixture sa Takoyaki pan. Pinanood ko rin ang pagkakaluto nito. Linagay naman ni ate ang Takoyaki sa isang paper bowl. Kinuha ko naman yun kasabay ng pag

