Angelo’s Point of View
“Magkano naman ito?” ang tanong ko naman dahil walang-wala akong kalam-alam sa mga sasakyan.
“Around ten million pesos,” ang tugon nama niya.
“T-ten million pesos?!” ang bulalas ko naman. Tumango naman siya na tila ba wala lang sa kanya.
“The price is okay,” ang komento naman niya. “I have a Bentley Continental GT, too. It costs around twenty million.”
Nalula naman ako sa mga presyong sinabi niya.
“Anyway, let’s go,” ang sabi naman niya sabay sakay ng kanyang kotse. Dahan-dahan ko namang binuksan ang pinto ng sasakyan sa bandang passenger’s seat. “What are you doing?”
Natigilan naman ako.
“Nag-iingat,” ang tugon ko naman. “Baka magasgasan ko. Mukhang kulang pa ang buhay ko para ipangbayad.”
Tumawa naman siya sa sinabi ko.
“You never fail to amuse me, Chuckie,” ang komento naman niya sabay bukas ng pinto. Sumakay naman ako. “Fasten your seatbelt,” ang bilin niya. Kaagad naman akong tumalima at sinuot nag seatbelt. Nagsimula naman siyang magmaneho.
“Bakit ng apala tayo pupunta ng mall?” ang tanong ko naman.
“We’re going to buy you a laptop,” ang tugon naman niya.
“Ha? Wala akong anda, Magnus,” ang reaksyon ko naman. Napakunot naman siya ng noo.
“What’s anda?” ang tanong naman niya. Oo nga pala. Hindi siya pamilyar sa salitang beki.
“Ah, sorry,” ang paghingi ko naman ng paumanhin. “Anda. Ibig sabihin ay pera. Datung. Funds. Ganun”
“Is that Filipino?” ang tanong naman niya.
“Bekimon, Magnus,” ang pagtatama ko naman.
“Bekimon?” ang paguulit naman niya. “First time kong narinig ‘yang language na ‘yan. Is it a language from the South?”
“Gay language, Magnus,” ang paliwanag ko naman.
“Oh,” ang reaksyon naman niya. “Gay language? Really?” ang naamaze naman niyang tanong. Tumango naman ako. ‘Can you give me another example?”
Napaisip naman ako.
“Ana,” ang sabi ko naman. “Short for Anaconda.”
“Oh, a snake,” ang sabi naman niya.
“Oo,” ang pagkumpirma ko naman. “Pero hindi yung literal na ahas. Yung mga traydor. Mga patalikod sumaksak.”
“Interesting. Anything else?”
“Julanis Morisette,” ang sunod ko namang sinabi. “Ibig sabihin ulan.”
“Why is rain called like that?”
“Julan… ulan… Galing sa pangalawang Alanis Morissette,” ang paliwanag ko naman. “Kilala mo naman siguro siya?”
“Nope.”
“Hay naku,” ang reaksyon ko naman. “It’s like rain on your wedding day. It’s a free ride when you’ve already paid,” ang pagkanta ko naman sa chorus ng kanta ni Alanis Morissette na Ironic.
“Oh, that song!” ang maligalig naman niyang wika nang marinig ang lyrics ng kantang yun. “And isn’t it ironic, don’t you think?” ang pagpapatuloy niyang pagkanta. “I love that song… Now, I get it!” ang komento niya nang malinawagan sa pinganggalingan ng salitang beking Julanis Morissette.
“Chuckie,” ang sunod ko namang sinabi. “Ibig sabihin naman ay pangit.”
“Wait, really?” ang hindi niya makapaniwalang tanong. “Are you just telling this so I would stop calling you Chuckie?”
“Hindi,” ang tugon ko naman. “Yun talaga ang ibig sabihin nun.
“All this time, I have been calling you ugly and I didn’t know,” ang komento naman niya. “I’m sorry.”
“Okay lang. Hindi mo naman sinasadya,” ang sabi ko naman.
“I should stop calling you that, then,” ang sunod niyang sinabi.
“Nasa sa’yo naman yan,” ang komento ko naman. “Wala naman sa akin kasi wala namang ibig sabihin ang pagtawag mo sa akin nnng pangalang ‘yun.”
“Okay, Chuckie,” ang tugon naman niya. At talagang desidido pa rin siya sa paggamit ng nickname na ‘yun. “How did you learn this gay language?”
“Sa Hair and Makeup Studio,” ang tugon ko naman. “May nakilala akong magkapatid. Sila ang nagturo sa akin. Nung una hindi ko rin sila maintindihan pero nasanay naman na ako.”
Napatango naman siya.
“Mabalik tayo,” ang sabi ko. “Wala akong perang pambili ng laptop ngayon.”
“Don’t worry. I’ll pay.”
“Nakakahiya,” ang komento ko naman. “Huwag na lang.”
“I insist,” ang giit naman niya. “Just like what I have told you, you’ll be needing one for your job as my Personal Assistant.”
Wala naman akong ibang nagawa kundi ang pumayag sa gusto niyang mangyari. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa mall. Dumeretso naman kami sa fourth floor kung nasaan ang bilihan ng electronics. Nagsimula kming tumingin sa mga laptop na naka-display.
“What do you think of that one?” ang tanong niya sabay turo sa isang MacBook Pro na 16 inches.
“Masyadong malaki,” ang komento ko naman. “At masyadong mahal.”
“Then let’s take the 13 inches,” ang suhestyon naman niya. Umiling naman ako. “Oh, how about that one?”
Tinignan naman niya ang isang model ng isa pang sikat na brand.
“This can turn into a tablet,” ang sabi niya. “This will fit your job.”
“Magkano naman yan?” ang tanong ko naman.
“45,000 thousand pesos,” ang tugon naman niya.
“Magnus, ang mahal!” ang bulalas ko naman.
“Sshh,” ang pagpapatahimik naman niya sa akin. “Stop overreacting. You’re not the one who’s gonna pay.”
Napatahimik na lamang ako.
“Excuse me,” ang pagtawag naman ni Magnus sa staff. Kaaagad naman siyang nilapitan. “We would like to get this one,” ang bilin niya sabay turo sa nakita namin.
“Would you like to check its features first, Sir?” ang tanong naman ng staff.
“No need,” ang tugon naman ni Magnus.
“Okay, Sir. Let’s test the unit, Sir,” ang suhestyon naman ng staff. Tinignan naman niya ang unit kung gumagana pati ang accessories na kasama nito. Hinatid naman kami ng staff sa cashier.
“45,000 pesos po, Sir,” ang saad naman ng cashier nang ma-scan ang pricetag na nakadikit sa karton.
“I’ll use my card, please” ang sabi naman ni Magnus sabay abot ng credit card niya. Swinipe naman yun ng cashier at pinapirma si Magnus. “Here,” ang abot naman sa akin Magnus ng paperbag lulan ang laptop.
“Ang galante niyo naman sa boyfriend niyo, Sir,” ang puri ng cashier kay Magnus kaya nagkatinginan kami. Kaagad akong nahiya sa sinabi ni ate. Pakiramdam ko ay muli na namang namula ang mga pisngi ko. Natawa naman si Magnus.
“Ate, hindi ko—”
“Let’s go, babe,” ang bigla namang yaya ni Magnus na nagpakilig sa cashier.
“Magnus!” ang suway ko naman.
“Let’s go,” ang muli niyang sinabi sabay hila sa akin palabas ng shop.
“Kakaiba talaga trip mo, Magnus,” ang kaagad ko namang komento nang makalabas kami ng shop na ‘yun at makalayo. Tumawa lang naman siya. “Ano bang nakain mo?”
“You look cute when frustrated and shy,” ang paliwanag naman niya sabay tawa.
“Huwag mo nga akong ine-echos, Magnus,” ang naiinis kong suway.
“Echo—what?” ang nagtataka naman niyang tanong.
“Echos… pinagloloko,” ang tugon ko naman. “Saya ka?”
“Why are you so salty?” ang reaksyon namn niya.
“Hindi ako natutuwa sa biro mo,” ang muli kong pagtugon.
“Oh, come on,” ang natatawa niya pa ring komento. “I’ll be your boyfriend for a day.”
“Hindi ko kailangan,” ang giit ko naman.
“Let’s just walk around,” ang yaya naman niya. “Para naman kumalma ka. Sige ka, tatanda ka kaagad niyan. You can’t even take a joke.”
“Mukha ba akong nagbibiro?”
“Why? Ayaw mo ba akong maging boyfriend?” ang tanong naman niya.
“Ayokong pakainin ‘yang ego mo,” ang tugon ko naman; iniiwasan ang tanong niya. “At tsaka as if naman pumupatol ka sa mga kagaya ko.”
“Well, I never had any same s*x relationship before,” ang tugon naman niya. “But who knows? Love is strange.”
“Hindi uubra sa kin ‘yan, Magnus,” ang tugon ko naman. Napakunot naman siya ng noo.
“To be honest, hindi ko alam kung anong tinutukoy mo,” ang komento naman niya.
“Nevermind,” ang saad ko naman. Natigilan naman siya nang madaan kami sa harap ng arcade.
“Gusto mong maglaro?” ang tanong naman niya.
“Ilang taon ka na, Kuya?” ang reaksyon ko naman.
“Bata pa ako,” ang tugon naman niya. “Lola, samahan mo ako.”
Lola?!
“Huwag ka nang killjoy!” ang komento naman niya sabay hila sa akin papasok ng arcade. “Diyan ka muna. I’ll buy us some game tokens.”
Iniwan naman niya ako sa aking kinalalagyan. Napatingin naman ako sa paligid. Hindi ko maalala ‘yung huli akong nagpunta sa isang arcade. Sa tingin ko, mga bata pa lang kami ni Kuya Angelbert ang huling beses akong nagpunta sag anito para maglaro. Hindi naman nagtagal ay bumalik si Magnus bitbit ang game tokens.
“Ang dami naman yata ng mga kinuha mo,” ang komento ko naman. “Ilang tokens ang binili mo?”
“Thirty,” ang tugon niya sabay ngisi. Kahit na hindi ko nakikita ang ngiting yun dahil sa mask na suot niya; mapapansin pa rin ang kinang sa kanyang mga mata.
“Para kang bata,” ang komento ko naman sabay ngiti.
“Still… young at heart,” ang tugon naman niya bago napatingin sa paligid. “Now, what do you want to play?” tanong niya sabay tingin sa akin.
“Wala akong ideya,” ang wika ko. “Ikaw na ang bahala.”
“Hmm,” ang reaksyon naman niya habang napa-isip. Iginala niya ang kanyang tingin sa palaigid. “Let’s play that!” ang turo naman niya sa larong Tekken. “Alam mong maglaro?”
“Alam ko,” ang tugon ko naman. “Palagi naming linalaro niyan sa PlayStation ni Nick nung kami pa.”
“Show me your skills,” ang komento naman niya sabay kuha sa kamay ko. Pinaupo naman niya ako sa upuan. Pinanood ko siyang maghulog ng coins bago rin naupo. Nagsimula na nga kaming maglaro. “Not bad, Chuckie!” ang puri naman niya.
“K.O.,” ang anunsyo naman ng boses nang matalo ang character na pinili ko.
“But it’s not enough,” ang komento naman ni Magnus.
“Isa pa,” ang hamon ko sa kanya. “Sisiguraduhon kong matatalo kita.”
“Look who’s become competitive all of a sudden,” ang komento naman niya. “What’s in for me if you win?”
“Wala!” ang tugon ko naman. “Grabe ka, kailangan talagang manghingi ng premyo?”
“Well, hinamon mo ako, eh” ang argyumento naman niya. “If you lose; you dance again.”
“Na naman?” ang reklamo ko naman. “Ayoko!”
“When I lose, I’ll dance!” ang sunod naman niyang sinabi kaya natigilan ako.
“Seryoso ka?” ang tanong ko. Tumango naman siya.
“Sige,” ang kaagad ko namang pagpayag. Sinimulan nga naming ang round two ng aming pagtutuos. Sobra kong sineryoso ang laban. Sa huli ay natalo ko siya.
“Yahoo!” ang sigaw ko sabay talon sa tuwa. “Ano ka ngayon, Magnus?!”
“Pure luck,” ang komento naman niya.
“Manahimik ka!” ang tugon ko. “Sayaw!”
“No, thank you,” ang tugon naman niya sabay tayo at lakad palayo. Kaagad naman akong sumunod at hinabol siya.
“Hoy! May kasunduan tayo!” ang sigaw ko naman sa kanya. “Magnus!”
Bigla na lang siyang huminto at humarap sa akin kaya naman natigilan din ako. Bigla na lang siyang sumayaw sa saliw ng tugtog sa arcade. Pinapatugtog ngayon ang 34+35 ni Ariana Grande; yung Clean version. Ginawa naman niya ang t****k Challenge ng kantang yun kay naman humagalpak ako sa tawa sa aking nasaksihan.
“Happy?” ang tanong naman niya nang natapos siya.
“Hayop ka talaga, Magnus,” ang tumatawa ko pa ring komento.
“See, you look better nicer when laughing,” ang komento naman niya na nagpatigil sa akin sa pagtawa. Sunod naman naming pinuntahan ang car racing machine. Sa pagkakataong ito, natalo naman ako. Palagi akong nababangga sa gilid o kaya namn sa ibang sasakyan. Nakaka-frustrate laruin kaya naman kaagad akong sumuko.
“Chuckie, there’s a handsome guy there!” ang bulalas naman ni Magnus sabay turo sa malayo. Sinundan ko naman ng tingin ang itinuturo niya. Wala naman akong nakitang kahit isang tao sa direksyon ng tinuturo naman niya kaya napakunot naman ako ng noo. Ibinalik ko naman ang tingin ko sa kanyang kamay na nakaangat pa rin. Natigilan naman ako annag makitang nakatiklop na nag kanyang hintuturo anakaturo na sa kabilang direksyon. Kaagad ko namang naintindihan nag nais niyang iparating.
“Ang yabang!” ang komento ko naman sabay tawa niya. Napailing naman ako. “Ano nang susunod nating gagawin?”
“Tara dun sa basketball game,” ang yaya naman niya. Sinundan ko naman siya.
“Hindi ako magaling,” ang komento ko naman.
“You don’t have to,” ang tugon niya sabay lagay ng coins sa basketball game sa tapat niya at sa tapat ko. “Just enjoy.” Nagsimula namang magsilaglagan ang mga bola. Pumulot naman ako at sumubok ipasok sa ring ang mga bola. Nakaka-shoot naman ako kahit paano pero kaagad ko namang napansin na dere-deretso ang pagshoot ni Magnus sa ring na wala man lang mintis. Ang galing niya.
“Magnus, ang husay mo!” ang komento ko naman.
“Ah, naging captain ako ng Basketball Team ng Ateneo for a short time,” ang tugon naman niya. “But I have to quit kasi ‘yun ang gusto ni Dad. Let me teach you.”
Pumwesto naman siya sa likod ko.
“Grab a ball and try to shoot,” ang bilin naman niya na siya ko namang ginawa. Tumama lang ito sa gilig ng ring at tumalbog papabalik. Napapikit ako dahil patungo ang bola sa aking direksyon.
“Got it,” ang anunsyo naman ni Magnus. Hawak ng isa niyang kamay ang bola. Inabot naman niya sa akin ‘yun. “Let’s try one more time,” ang sabi naman niya. “First, you need balance. I-puwesto mo ang isa mong paa sa harap,” ang bilin niya siya ko namang ginawa. “Straighten your back,” ang sunod niyang bilin sabay hawak sa likod ko. “Elbow in. One hand is your guide. Eyes on the target. Huwag mong sundan ng tingin nag bola. Sa ring lang ang mga mata.” Napatango naman ako. “Now, release the ball. Extend your elbow and flick your wrists and fingers. Ready?” ang tanong niya. Tumango ulit ako. “Shoot.”
Sinunod ko naman ang mga bilin niya. Na-shoot nga ang bola.
“You did it!” ang natutuwa niyang komento samantalang nagtatalon naman ako sa tuwa. Dahil sa katatalon ay hindi ko namalayan ang paa ni Magnus. Natapakan ko yun kaya naman na-out of balance ako. Sinalo naman ako ni Magnus. Napatingin ako sa mhga mata niya.
“Are you okay?” ang tanong naman niya sa akin. Ilang segundo pa akong napatititig sa kanya dahil sa gulat. Nang matauhan ay kaagad ko namang binawi ang aking tingin; gayundin naman siya. Lumayo ako at inayos ang aking sarili. Pinulot ko naman ang paperbag lulan ang kabibili niyang laptop.
‘May natitira pa akong coins,” ang sabi naman niya. “Let’s find something to do.”
Napatango naman ako. Nagsimula kaming maglakad patungo sa iba pang mga machine na naroon. Natigilan naman ako nang makakita ng claw machine. Tinignan ko ang mga premyo sa loob. Mga plush toys. Naagaw ng atensyon ko ang isang cute na unicorn. Kulay puti ito at kulay pastel purple ang buhok at buntot. May rainbow itong pakpak at pusong marka sa bandang pwetan.
“Ang cute ng unicorn,” ang nakangiti kong komento.
“Do you want that?” ang tanong naman ni Magnus. Halos mapatalon ako sa aking kinalalagyan dahil sa kanyang pagsulpot.
“Magnus, bakit ka ba nanggugulat?!” ang reaksyon ko naman sabay tapik sa aking dibdib. “Muntikan na akong atakihin sa puso.”
Natawa lang naman siya. “Move.”
Tumabi naman ako at pinanood siyang maglagay ng token sa claw machine.
“Hmm, what should I get?” ang tanong naman niya sa kanyang sarili. “Oh, that dragon figurine looks nice.”
“Hintayin na lang kita sa labas, Magnus,” ang sabi ko naman. Nabo-bore na rin kasi ako at pagod na ako sa mgha pinaggagawa namin ni Magnus sa lugar na ‘yun. Nagsimula naman akong maglakad palabas ng arcade.