Angelo’s Point of View
Sa kalagitnaan ng pelikula ay bigla namang tumayo si Magnus.
“Saan ka pupunta?” ang tanong ko naman.
“I’ll just get my MacBook,” ang tugon naman niya. Nagtungo naman siya sa kanyang kuwarto at sa kanyang paglabas nga ay bitbit niya ang kanyang laptop. Inilapag naman niya ‘yun sa coffee table. “Just watch; I’ll just prepare some notes you’ll gonna need as my personal assistant.”
“Wala ka bang notes na ibinigay sa dati mong personal na assistant?” ang tanong ko naman. Natigilan naman siya at napatikhim sa bay bukas ng laptop niya.
“You’re my first personal assistant,” ang pagtatapat naman niya.
“Talaga?” ang gulat ko namang tanong. Tumango naman siya.
“Eh, bakit kailangan mo ng Personal Assistant ngayon?” ang sunod ko namang tanong.
“Kailangan ko lang,” ang tugon naman niya. “Just let me work, will you?”
“Sorry na, Sir Magnus,” ang tugon ko naman bago muling itinuon ang tingin ko sa mukha ni Mario Maurer sa screen. Isa ang pelikulang Crazy Little Thing Called Love ang hindi talaga tumatanda para sa akin. Sa tuwing pinapanood ko ito ay tila ba pinapanood ko ito nang unang beses pa lang. Pagakalipas pa ng ilang minuto ay muling tumayo si Magnus ang kanyang laptop at nagtungo sa kanyang kuwarto. Hindi naman nagtagal ay lumabas siya bitbit ang ilang papel. Muli siyang naupo sa tabi ko.
“Kailangan na ba nating mag-usap?” ang tanong ko naman.
“Not really,” ang tugon naman niya. “You can finish this movie first.”
Tumango naman ako at tahimik na pinagpatuloy ang panonood. Nang matapos ay napatingin ako kay Magnus na abala sa kanyang smart phone.
“Okay na. Tapos na ang movie,” ang anunsyo ko naman. Napatingin naman siya sa akin. Kinuha naman niya ang mga papel na hawak niya kanina at inabot sa akin.
“Check these out,” ang bilin naman niya. Hindi pa rin niya inaalis ang kanyang atensyon sa kanyang smart phone. Napakibit-balikat naman ako at kinuha mula sa kanyang kamay ang mga papel. Limang pahina din ‘yun. Sinimulan ko naman ang nilalaman.
“Roles and Responsibilities,” ang pagbasa ko naman sa aking isipan. Number one: Personal Hair and Makeup Artist. Kaagad ko namang naintindihan ang parteng ‘yun kaya naman dumeretso ako sa susunod. Number two: Social Media Handler. Binasa ko naman ang kailangan kong gampanan sa parteng ‘yun. Kailangan kong tumanggap at tumawag sa kung sino-sino, magpadala ng emails, magsulat ng mga liha, at magpost ng updates sa social media.
“Magnus,” ang pagtawag ko naman. “Hindi pa private ang social media account mo? Bakit ako ang kailangang mag-update noon?”
“It’s okay,” ang tugon naman niya. “I trust you. Huwag kang mag-alala my personal account is separate from my model account.”
Napatango naman ako at muling ibinalik ang aking tingin sa papel na hawak ko. Number Three: Appointment Manager. Sa parteng ito ay kailangan kong makipag-coordinate kay Sir Nathaniel para ayusin ang schedule ni Magnus. Yun lang naman ang kailangan kong gawin since hawak naman na ni Sir Nathaniel ang trabahong ito bilang talent ni manager ni Magnus. Number Four: Event Planner and Coordinator. “Ang dami naman,” ang reklamo ko sa aking isipan. Sa responsibilidad na ‘yun ay kailangan ko namang planuhin ng mabuti ang iba’t-ibang sitwasyon tulad ng travel, press appearances, runway rehearsals, fittings, parties, family vacation, at iba pa. Number Five: Client Representative. Kailangan kong makipag-usap sa iba’t-ibang tao tulad ng news reporters, content directors, lawyers at ipa pa. Number Six: Lifestyle Manager. Sa wakas ay nakarating din kami sa pinakahuling responisbilidad ko bilang Personal Assistant niya. Dito naman ako napakunot ng noo. Kailangan kong magluto, magbayad ng bills, mamili sa supermarket. In short, isa ng akong achay. Sa ibang papel naman nakalagay ang diet niya at grocery list na kailangan kong bilhin. Inilapag ko naman sa mesa ang mga papel.
“Nabasa mo na lahat?” ang tanong naman niya.
“Oo,” ang tugon ko naman.
“Do you have any questions?”
“Wala naman, Sir Magnus,” ang tugon ko.
“What’s with the sudden formalities?”
“Eh, hindi ba ikaw ang boss at ako ang personal assistant mo?” ang paliwanag ko naman.
“Well, yeah,” ang pagkumpirma naman niya.
“Hindi ba nararapat lang na tawagin kitang Sir?” ang sunod ko namang tanong.
“Just call me Magnus when we’re here,” ang bilin naman niya. Napatango naman ako.
“Pakiramdam ko, duduguin ako sa kae-English mo,” ang komento ko naman.
“Masanay ka na,” ang tugon naman niya.
“As if naman may choice ako,” ang pabulong kong sinabi.
“May sinasabi ka?” ang tanong naman niya.
“Wala po, Sir Magnus,” ang tugon ko naman. Kapwa naman kami natigilan nang may nag-doorbell.
“That’s strange,” ang komento naman ni Magnus. “I’m not expecting anyone. Chuckie, could you answer the door for me?”
Tumango naman ako sa pintuan at binuksan ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa akin si Samantha. Gayun din naman ang naging reaksyon niya.
“A-anong ginagawa mo rito?” ang tanong naman niya.
“Chuckie!” ang pagtawag naman ni Magnus sabay lapit. “Who’s—” natigilan naman niya nang makita si Samantha. “Samantha,” ang gulat naman niyang pagsambit sa pangapan ng taong nag-doorbell. “What the hell are you doing here?” ang galit na tanong ni Magnus.
“I came here to see you,” ang paliwanag naman ni Samantha.
“Leave,” ang tanging tugon naman ni Magnus. “We’re done. Huwag ka nang umasa na pagkatapos ng lahat ay babalikan pa kita.”
“Magnus, please,” ang paki-usap naman ni Samantha.
“Leave!” ang sigaw naman ni Magnus. Halos tumalon nag puso ko sa pagsigaw niya. Napatango naman si Samantha. Inilapag naman niya ang hawak niyang paperbag sa tabi ng pinto bago naglakad palayo. Napabuntong-hininga naman si Magnus. Kinuha ko naman ang paper bag na iniwan ni Samantha at sinara ang pinto. Kaagad naman akong bumalik sa sala. Inilapag ko naman ang paper bag sa mesa.
‘What the hell is that?” ang tanong naman ni Magnus, rinig ko ang inis sa kanyang boses.
“Uhm, iniwan ni Samantha,” ang tugon ko naman.
“Then, throw it,” ang tugon naman niya.
“Ha?!” ang gulat ko namang reaksyon.
“Sayang naman kung itatapon ko lang,” ang tugon ko ko naman.
“I don’t give a damn,” ang wika naman niya sabay tupi ng kanyang mga kamay. Hindi ko naman siya pinansin; bagkus ay sinilip ko ang laman ng paper bag.
“Mga pagkain,” ang natutuwa ko namang sinabi. “Sa akin na lang kung ayaw mo.”
“Ikaw ang bahala,” ang pagsuko naman niya. Isa-isa ko namng linabas ang mga pagkaing dala ni Samantha. “Hindi rin sila galit sa plastic containers,” ang sabi ko sa aking isipan nang makita ang mga pagkain sa bawat plastic container. Binasa ko naman ang nakalagay. Mukhang pang-diet na pagkain. Hindi ko kaagad nagustuhan nang makita ang maraming gulay at prutas. Napabuntong-hininga naman ako. Sinilip ko naman ang iba pa. May pasta pero panigurado akong hidni lang ito basta pasta. Kinuha ko naman ang plastic fork at tinikman ito.
“Hindi na masama,” ang komento ko naman at sinimulang kainin ang pagkain.
“Is it good?” ang tanong naman ni Magnus. Napatingin naman ako sa kanya at tumango. “That’s my favorite,” ang sabi naman niya sabay puppy dog pout habang nakamasid sa pasta.
“Ayaw mo talaga?” ang tukso ko naman.
“I guess a bite won’t hurt,” ang saad niya. “Chuckie, feed me,” ang utos niya.
“May isa pang plastic fork,” ang komento ko naman. “Yun ang gamitin mo.”
Umiling naman siya. “Feed me. Just once.”
“Saang parte ng responsibilidad ko ang subuan ka?” ang tanong ko naman sabay ikot ng aking mata.
“Dali na,” ang utos naman niya. Hindi talaga ako makapaniwala sa taong ito. Linagyan ko naman ang hawak kong plastic fork ng pasta at sinubuan siya.
“One more.”
“Baldado ka, Kuya?” ang reaksyon ko naman. Sabay talikod sa kanya. Kumuha naman ako ng pasta gamit ang plastic fork. Isusubo ko n asana ito nang hawakan naman ni Magnus ang mga balikat ko at hinarap sa kanya. Kaagad naman niyang sinubo ang pasta sa plastic fork. Nanlaki ang mga mata ko dahil shuta! Ang lapit ng mukha niya. Napatitig ako sa kulay hazel brown niyang mga mat ana nakatitig din sa akin. Hayop talaga ‘tong lalakeng ‘to! Dahan-dahan naman siyang lumayo. Napangisi naman siya at nginuya ang pagkain. Pakiramdam kong uminit ang mukha ko sa ginawa niya.
Napakunot naman ang kanyang noo.
“Chuckie, your face is all red,” ang komento naman niya. “Are you okay?”
“Mainit,” ang tugon ko naman. “Sayo na ‘to,” ang saad ko naman sabay abot sa kanya ng pasta. Kaagad ko namang kinuha ang inumin at sinipsip ang straw. Nang makainom ay kaagad ko rin naman itong nabuga at napaubo.
“Chuckie!” ang gulat namang reaksyon ni Magnus sabay tapik sa aking likod. “Are you okay?”
“Ano yan?!” ang tanong ko habang nakatitig sa inumin. Ang pangit ng lasa.
Napakamot naman siya ng ulo.
“That’s tomato, apple and carrot shake,” ang tugon naman niya.
“Ha?!” ang bayolente ko namang reaksyon. “Kamatis, apple at carrots?”
Tumango naman siya.
“I usually drink that,” ang tugon naman niya.
“Kadiri ang lasa,” ang komento ko naman.
“Sa una lang naman,” ang tugon naman niya. “Eventually, it would taste better over time. Isa pa, it’s good for your stomach. It aids your digestion and a natural energy booster.”
“Salamat na lang,” ang pagtanggi ko. Kaagad ko namang napansin ang mga talsik ng juice sa mesa na siya ko namang linisan gamit ang paper towels.
“Ganito ba ka-strict ang diet mo?” ang tanong ko naman.
“Not really,” ang tugon niya. “I give myself a cheat day every now and then.”
“Mabuti na lang hindi ako biniyayaan ng guwapong mukha at hindi ako tinadhana na maging modelo katulad mo,” ang komento ko naman. “Food is life.”
Natawa naman siya sa sinabi ko.
“You know what?” ang retorikal naman niyang tanong. “You’re an odd one… but interesting as the same time.”
“Interesting na parang makeup products?”
“Interesting na… parang bagong diskubreng insekto,” ang paglilinaw naman niya.
“Ang sama mo talaga,” ang reaksyon ko naman sa sinabi niya. “Alam ko namang pangit ako. Hindi mo kailangang ikumpara ako sa insekto.”
“I didn’t say your ugly,” ang pagtatama naman niya. “And who ever told you that your ugly?”
“Si Nick,” ang tugon ko naman.
“Oh, that jerk. Hindi na ako nagulat. But do you believe him?”
“Uhm, siguro,” ang tugon ko naman. “Yun naman ang naging dahilan niya kaya niya ako iniwan.”
“Malala ka na talaga,” ang komento naman niya na nagpakunot ng noo ko.
“Anong ibig mong sabihin, Magnus?”
“You are what you think,” ang paliwanag naman niya. “If you consider yourself ugly; then, the world would look at you the same way.”
“Hindi naman na mahalaga sa akin kung anong tingin ng ibang tao sa akin,” ang komento ko naman. “Buong buhay ko… pakiramdam ko kailangan kong gawin ang lahat ng makakaya ko para sa ibang tao. Napagod na rin ako, Magnus.”
“Then, start loving yourself for yourself,” ang payo naman niya. “You’re not ugly. You have an average fashion sense but not ugly.”
“Sinasabi mo bang baduy ako?” ang tanong ko naman. Tumango naman siya. Napasimangot naman ako.
“Well, don’t worry. I’m here to teach you,” ang komento naman niya. Napatango naman ako. Ipinagpatuloy ko naman ang pagkain. Nang matapos ay sinimulan ko na ang pagiging achay ni Magnus. Una kong ginawa ang pagbasa sa mga e-mail niya at inayos ang schedule niya. Wala namang ibang laman ang email niya kundi ang mga e-mail galing kay Sir Nathaniel.
“Tapos na ako,” ang anunsyo ko naman nang maayos ang schedule niya gamit ang isang ballpen at papel.
“Don’t you have a laptop computer?” ang tanong naman niya. Umiling naman ako.
“Kailangan ko ba?” ang tanong ko naman sa kanya.
“Well, obviously,” ang tugon naman niya. “Paano mo aayusin ang schedule ko? And also, the emails?”
“Uhm, hindi ko naisipan bumili dati kasi hindi ko naman kailangan,” ang paliwanag ko naman. Napailing naman siya.
“Chuckie, let’s go out,” ang yaya naman niya.
“Ngayon na?” ang gulat ko namang tanong.
“Yes,” nag pagkumpirma naman niya.
“Saan naman tayo pupunta?” ang tanong ko.
“Sa mall.”
“Sandali. Magbibihis lang ako.”
“You look fine,” nag komento naman niya. “So, no need.”
“Uhm, okay,” ang tugon ko naman. Kumuha naman siya ng baseball cap at sinuot ‘yun. Nagsuot din siya ng isang face mask. Sinundan ko naman siya palabas ng condo unit. “Okay lang na magpunta ka sa mall?”
“Yeah,” ang tugon naman niya.
“Bakit kailangan mo pang magsuot ng face mask at baseball cap?” ang nagtataka ko namang tanong.
“I just don’t want to be bothered by people who wants to take a picture,” ang paliwanag naman niya. Kaagad ko namang naintindihan ang kanyang dahilan. Dumeretso kami sa elevator. Napatingin naman ako sa view sa labas.
“Magnus, bakit nga pala sa thirtieth floor mo naisipang tumira?” ang tanong ko.
“Nakikita mo na ang rason,” ang tugon naman niya. “Gusto ko ag view mula sa thirtieth floor. And doon makikita ang mga malalawak na condo unit.”
“Pinagsisihan mo ba ang maging isang sikat na modelo?” ang tanong ko naman, na-curious lang ako kaya ko siya tinanong.
“Well, maramig beses,” ang tugon naman niya. “Life of a model is hard. Hindi ko rin naman inasahan na I’ll get wherever I am today. Pero… mas okay na ito kaysa sa posisyong gustong ibigay sa akin ng aking ama.”
“Hindi pa rin kayo nagkakaayos?” ang sunod ko namang tanong.
“I think mahirap mangyari ‘yan,” ang tugon naman niya. “My Dad… he’s a stubborn old man. The thing is… gusto niya akong ipakasal sa isang babae na hindi ko kilala para lang sa aming estado bilang Astudillo.”
“Bakit naman ayaw mo?”
“Tinatanong pa ba ‘yan, Chuckie?” ang reaksyon naman niya. “Ikaw ba? Gusto mong makasal sa taong hindi mo kilala?”
“Hindi pa naman ako ganun ka-desperado pero pwede kong pag-isipan,” ang paliwanag ko naman. Tama. “Nag-aalala kasi akong tumanda nang mag-isa. Malas din ako sa pag-ibig kaya naman bakit hindi? Hindi ko man mahal ang taong ‘yun; may kasama pa rin akong tatanda.”
“Why do you sound like you have already given up on love?” ang tanong naman niya.
“Magnus, tanggap ko naman na,” ang tugon ko. “Ang mga pwedeng mangyari sa kinabukasan. Hindi ko alam pero… pakiramdam ko, wala na akong pag-asa. Tatanda na lang akong mag-isa. Yung klase ng tao na puro pusa na lang ang kasama sa bahay, nag-cro-cross stitch. Yung tipong palaging kinukuhang ninong sa kasal o sa binyag ng mga kaibigan dahil wala naman akong sinusuportahang anak.”
Natawa naman siya sa aking mga sinabi.
“Chuckie, believe me; you’ll find the right one,” ang sabi naman niya. “Someday you’ll feel butterflies in your stomach. Mahahanap mor in ‘yung taong tama para sa’yo… that person who would make your heart flutter again.”
“Sana nga, Magnus,” ang hiling ko naman. Sakta namang nagbukas ang elevator, magkasunod kaming lumabas. Nagtungo naman kami ng parking lot. Ang gagara ng mga sasakyang naka-park doon Karamihan ay mga itim na sasakyan. Sinundan ko naman siya. Namangha ako sa kanyang kotse.
“Anong kotse yan Magnus?” ang tanong ko naman.
“BMW 7 Series 740Li,” ang tugon naman niya. “Do you like its style?”
Tumango naman ako.