ANG SIMULA
Ang unibersidad na papasukin ko ay punong-puno ng misteryo at sikreto. Ni hindi ko nga alam kung tama ba ang nakukuha kong impormasyon at naririnig ko tungkol dito eh. Nais ko kasi munang siyasatin at alamin ang mga impormasyon ng school bago ko pasukin. Tulad ng ano,ang mga patakaran nila,ano-ano ba ang mga ugali ang meron ang mga tao doon na maaari kong makasalamuha tapos kung ano ba ang mga kakayahan nila. Yan palagi ang aking unang ginagawa bago pumasok sa school na interesado ako. Pero..ngayon lang ako nabigo sa pag hahanap ng impormasyon tungkol sa mga ganitong bagay. Kahit nga mga guro eh wala akong nadiskubre. Letse!Pero nakakaramdam ako ng matinding excitement sa loob ko dahil ngayon palang ako papasok sa eskuwelahan ng hindi nalalaman ang mga impormasyon tungkol dito. Ngayon palang ako papasok sa isang eskwelahan ng hindi ko alm kung anong sorpresa o bubulaga sa aken kapag pumasok ako.
At alam niyo ba kung bakit pwede akong mamili kung saang school ako gustong pumasok?Dahil ang mga parents ko ang mismong nag sabe saken non. Bilang bawi daw nila saken dahil hindi nila ako nababantayan at naaalagaan simula ng ipinanganak ako, at isa pa ,di naman sa pag mamayabang eh, di ako nawawala sa unahan ng ranking sa school hehe. By the way, ako nga pala si Akhiro Gomez o kilala sa pangalan bilang Hiro. Ang isa sa papasok sa KURUMA UNIVERSITY.
o o o o o
Matapos kong mag sign up at mag enroll sa main website ng K.U, kaagad ay may nag pop na email message sa phone ko.
To:Hiro199X
You are now enrolled to K.U. Congrats!Click the link below to view the map and other info. that you need to know. Thnks.
From:K.U
"Ganoon lng kaigsi?Antipid naman nila mag greet,di bale na nga." I-tatap ko na sana ung link,nang may biglang may nag pop na message ulit.
To:Hiro199X
You can invite your friends if you're scared to be alone.
From:K.U
"Tsk!Wala naman akong kaibigan. At isa pa I AM NOT SCARED TO BE ALONE!" pag didiin ko dun sa message na yon. Lumaki akong walang umaarugang magulang pero hindi nmn nila ako nakakalimutang paalalahanan kahit thru vc lang at chats. Ayus na saken yun basta di nila ako nakakalimutan.
Luna's P.O.V
"How's the enrollment?" sabi na nga ba,yun yung dahilan kaya't pinatawag niya ko dito.
"It's great dad. Marami namang nag enroll."tugon ko
"Estimate it."walang emosyon parin niyang sabi.
"I think its..."mga 30 segundo akong nag isip bago muling mag salita.'Thousands."ngumiti naman siya. Sinadya kong tagalan ang sagot dahil alam kong hindi naman siya magagalit. Ang tatay ko ay hindi mainipin,at marunong mag-intay,pero hindi ko inaabuso yon.
Malaki rin ang tiwalang ipinaparamdam niya sa akin kaysa sa kapatid kong si Nix. Mas matanda ako sa kaniya ng mahigit dalawang taon. Palagi ring ipinaparamdam saken ng tatay ko na ako ang papalit sa pwesto niya,kaya't lahat ng ipinapagawa niya sakin ay sinusunod ko.Di naman sa pag mamayabang ,pero hindi pa ko pumapalpak sa ano mang ipinapatrabaho niya saken. Lahat ay maingat at tahimik kong ginagawa. Pribado rin ang mga yon,tulad ng sa K.U. Kahit ano pang antas at yaman nila sa buhay,kahit orihinal na hitsura ng school ay malabo nilng makita.....
2 months later...
Hiro's P.O.V
Maaga akong nagising dahil sa lakas ng tunog ng alarm clock.Pero sinadya ko talaga yon dahil ngayon ang unang araw na papasok ako sa K.U. Excited na ko.Dali-dali akong bumangon at nag asikaso, gaya ng nakalagay sa link,pwede kaming mag suot ng kahit anong damit papunta doon. Kaya't ang isinuot ko ay plain black shirt at short. Nagdala narin ako ng jacket dahil sa malamig pa,pag katapos kong isakbit ang bag sa aking likuran, biglang nag ring ang phone ko. Si mom natawag.
"Goodmorning mom!'masigla kong bati sa kaniya. Kaagad naman akong nag taka tahil antagal niyang nanahimik bago sumagot.Narinig ko pa siyang bumuntong hininga.
"Talaga bang sa K.U mo gusto mag aral anak?Wala na bang iba?May pera naman tayong pambayad ah ,bakit sa public school ka pa papasok?"nag aalinlangang sabi niya.
"Oo naman po!Mas gusto ko po dun dahil feeling ko ay may thrill, ni katiting na impormasyon about sa university po na yun ay wala akong nalalaman,bukod po sa name ng school."mahaba kong paliwanag.
"Sa UST ba ayaw mo?O kaya sa BS?"pag pupumilit niya pa.
"Mom?Alam niyo naman po diba na ang napili ko na ay napili ko na,hindi na po mag babago yon!"pigil ang inis na sabi ko.tsk!ano bang problema niya?
"Pero anak!Delikado dun!Masama ang kutob ko sa school na yan dahil sayo narin nang galing, kahit katiting na info ay wala kang makapa!"gigil na sabi niya.Ano bang alam niya?
"Remember you promise Mom!Na kahit anong school na gusto ko ay pwede kong pasukin!Sigeh po. I have to go bye!"para d na humaba ang seron niya.Di niya ko mapipigilan!Promise is a promise!
"Mag ingat k-"tsk!
"Bwisit!"binuhay ko ang airplane mode sa phone ko para di na siya makatawag saken, nakaka badmood lang.
Nang makalabas ako ng bahay, naramdaman ko kaagad ang pag tayo ng mga balahibo ko sa aking braso dahil sa malamig
na hanging dumapo sa balat ko.Sinilip ko ang oras at 4:21 palang.
Pinakalma ko ang aking sarili at kalmadong sumakay sa kotse.Swabe ko yon pinaandar dahil maaga pa naman para mag madali.
May kalayuan din pala ang K.U, maya't maya ang tingin ko sa GPS para masigurong hindi ako nagliligaw. Sobrang kaba ang nararamdaman ko dahil ang kalsadang dinadaanan ko ay walang ka ilaw-ilaw at puro mga puno at talahib ang aking nakikita.
Maya-maya pa ay pinasok ko ang isang magubat na daanan, kahit ay kabado at nababakla ako ay tiniis ko iyon at isinantabi muna..
Ilang minuto pa ang nakalipas ay may naaninag na akong isang lumang building. Habang ako'y papalapit ng papalapit ay pabilis rin ng pabilis ang kabog ng dibdib ko. And creepy kase ng lugar. Nag hahalo ang takot at excitement sa utak ko.
Bumungad saken ang mga nasa libong tao na halatang nag aabang na mabuksan ang isang malaking lumang gate. Pinarada ko ang aking sasakyan sa di kalayuan, hindi ko ito isinama sa mga sasakyan ng iba. Pag katapos nun ay nakisiksik na ako sa mga tao. Grabe andami nila, hindi ko namn inaasahan na ganito pala karami ang papasok.
To be continued......