Strange feelings
"Selfie muna tayo guys!" sigaw ng isang babae sa mga barkada niya.
"Grabe bro! Ang astig naman dito HAHA!"
"Antagal naman nilang mag papasok, kinakati na 'ko e!" reklamo namn nung isa.
Natigil ang pagmamasid ko sa mga nakapaligid saken nang biglang may tumapik sa braso ko.
"Zup!" masayang bati niya saken, tinanguan ko lang naman ito bilang tugon.
"Baguhan ka lang din?" isn't it obvious?
"Yes. " I answered shortly.
"Alam mo na ba ang mga bali-balita about sa school na 'to?" he asked nonsensely.
"I'm not interested." walang ganang sagot ko.
"Tapos an-"
"Can you introduce yourself first? Before chit-chatting? Para di naman kita matawag na Marites.
" HAHAHHA! " kakapikon.
" What's funny? " I asked him with serious tone.
" Sorry, sorry! Ang tapang mo kasi pre! Dinaig mo pa ugali ng babaeng may dalaw eh HAHAH" what the?
"What did you just say?" may halong inis ang tanong ko sa kaniya.
"My name is Kiyo, Kiyo Santiago. Mahirap Lang pero cute na pog-" as if I'm interested about your life.
"I'm Hiro." wala sa sariling sagot ko.
"Pano namn yung kamay ko? Hahayaan mo nalang bang mangalay?" ngayon ko lang napansin na gusto niya palang makipag kamay sa aken. Nakuha kase ang atensiyon ko ng isang babaeng nasa tower na mukhang nag mamasid.
"Pre?"
"A-ahh yes" I shake his hand.
"Sabi nila marami raw kababalaghan ang nagaganap sa school na 'to. " pagsisimula niyang muli.
"And where did you get that fake or let's say unsure info?" sinagot ko siya ng tanong.
"A-ahmm, sa kanila, basta! Hehe." see? Tsk!
"Di naman sa interesado ako sa buhay mo pero, paano ka nakapag enroll sa school na ' to kung mahirap ka lang?" mabilis namang nag bago ang reaksiyon niya.
"S-sponsor hehe." he look sus but I didn't mind that. Coz I'M NOT INTERESTED.
"I see.." pagkatapos nun ay nanahimik nalang siya at di na muling nag tanong. Buti naman.
Nilingon ko muli ang tower kung saan nahagip ng mata ko ang isang misteryosong babae kanina, pero wala na siya dun.
Lumipas ang ilang minuto, bumukas narin ang main gate ng school. Mala siyudad ang tanawin sa loob dahil sa mga ilang magagandang buildings. Hindi halatang maganda ang tanawin sa loob dahil sa lumang itsura ng labas.
Sa limang taong lumabas ay dalawa sa kanila ay maliit na batang babae. Ang cute lang dahil mukha silang kambal, tapos parehas pa sila ng style ng buhok, kulay dilaw tapos, kulay pula namn ang dulo nito. Parehas ding maikli.
I can't tell if they are really twin because their face are hiding inside the mask that they're wearing.
Ang cute ng mask nila dahil style pusa iyon. Parehas rin sila ng suot, uniform yata yun.
Samantalang ang tatlong lalaki naman na nasa likod ng dalawang bata ay walang suot na mask. Lahat sila ay may suot na shades at naka formal attire. Lalo silang kumisig, dahil sa ganda ng katawan at tayuan nila.
*Author's note.
Basta ganto yung pwesto nung lima
I I I ⬅️the three man
I I ⬅️the two kids
"They're so cute!" the girl said with giggling face.
"Ohayo mina-san!" sabay na bati ng dalawang bata.
"Chinese language ba yan te?" the ask her friend.
"Di ko alam, Korean lang alam ko eh." weak, sa pangalan palang ng school masasabi ko ng Japanese yun. Ohayo ang good morning sa kanila samantalang ang mina ay everyone. At ang san na nakadugsong sa mina ay bilang pag bibigay galang, tulad sa atin, may po at opo.
My parents brought me to Japan for Christmas when I was 12? We stayed there for a months and a few weeks. My parents teach me how to speak Japanese that's why I know it, but not much. I'm not an expert.
"Welcome to Kuruma University!" masiglang bati ng dalawang bata.
Matapos nilang bumati ay pinapasok na nila kaming lahat. Kusa namang sumara ang malaking gate nang makapasok na kami.
Kakaiba ang nararamdaman ko, di ko alam Kung excitement ba o takot. Ayus to.
Kasalukuyan na kaming nasa meeting hall, nakikinig sa mga announcements at pag bati ng announcer sa unahan,nang biglang kumawala ang ngiti sa labi ko dahil sa labis na excitement na nararamdaman ko.
"Why are you smiling?" nang aasar na tanong ni Kiyo.
"Why do you care!?" napapahiyang tanong ko.