Natapos ang masayang pagtitipon nang matapos ang gabi. Siguradong mahimbing na magpapahinga ang Hari.
Tahimik na lumabas ng silid si Serez at sinabihan ang mga bantay na pupunta lang sya sa hardin at hindi nila kailangang sumunod.
Muling nakita nya ang pagkakataong iyon para tumakas. Nagtago sya sa isang bagon malapit sa tarangkahan bago nagsuot ng kapa at talukbong sa ulo. Muling sumabay sa mangilan-ngilang lumalabas ng walang nakakahalata.
Nakarating syang muli sa harap ng malaking bahay na kanyang pinanggalingan. Wala na roon ang lobo at tila wala parin ang nakatira. Nagpasya ang dalaga na lumayo pa dahil hindi naman na laganap ang kadiliman.
Paglampas sa kapatagan, narating nya ang paanan ng luntiang bundok. Hanggang tingin nya lang ito nuon mula sa tore ng Halmero, heto ngayon at nakatapak na sya.
Nagkalat din ang magagandang bulaklak ng Chipoa sa damuhan. Kaya pala kulay lila ang paanan ng bundok, nababalot pala ito ng maraming Chipoa.
Hinubad nya ang suot na panyapak. Napahalakhak si Serez nang sa unang pagkakataon, dumampi sa kanyang mga paa ang malambot na mga d**o. May hardin naman sa Halmero, ngunit wala itong damuhan gaya nito.
Tila sya nakatapak sa ulap sa lambot ng mga ito. Patakbo-takbo sya na parang bata. Namitas din ng mga Chipoa at inihagis sa hangin na tila naglalaro. Kumalat sa paligid ang napakabangong amoy ng Chipoa. Natuksong mahiga sa damuhan ang dalaga at ninamnam ang halimuyak ng kagubatan.
"Parang paraiso. Ang sarap sa pakiramdam. Malambot na mga d**o, mabangong mga bulaklak. Malaya." nakapikit na bulong nya.
Di batid ang mga matang nakatingin at nakakubli sa isang puno. Ligtas naman syang nakabalik sa Halmero ng araw na iyon.
.....
Ilang taon din ang nagdaan, ang paglabas sa palasyo at pagpunta sa bundok ay paulit-ulit na ginawa ni Serez. Walang nakakapansin na matagal na syang tumatakas. Wala ring nagdududa. Marahil ay sa kadahilanang abala ang lahat sa mga bagay-bagay.
Ngunit sya ay nagtataka. Dahil maging si Efres nitong mga nakalipas ay halos hindi na sya binabantayan.
"Sa anong bagay ba abala ang lahat sa palasyong ito." ani sa sarili.
Papasok sana sa silid ng trono si Serez para kamustahin ang Ama ngunit hinarang sya ng mga kawal. Nang mga oras na iyon kausap ni Furton si Efres at Core. Isang masamang balita ang dala ng salamangkero na labis na ikinagalit ni Furton.
Furton:
"Mag tatatlumpu at limang taon na! Lahat ng hilingin mong kagamitan, mga kailangan, ipinagkaloob ko sayo! Bakit wala paring mahika para sa pagbubukas ng lagusan patungo sa mundo ng mga tao!"
Core:
"Hindi madali ang ginagawa ko Furton! Ginugol ko ang lahat ng oras ko para sa nais mo! Hindi madaling lumikha ng mahika na wawasak sa harang na ginawa ng puting salamangkero!"
Furton:
"Puwes gumawa ka ng paraan! Ilang panahon pa, darating na ang panibagong eklipse. Mauubusan na tayo ng oras Core!"
Core:
"At ano ang ginagawa ng mga tauhan mo? Hindi ba dapat ginagalugad nila ang buong Afgatoryo para mahanap ang puting salamangkero?"
Kawaye:
"Ginagawa iyon ng aming hukbo! Hindi kami tumitigil sa pagsuyod sa buong lupain!"
Efres:
"At paano kung pumanaw na pala ang puting salamangkero. Paano pa sya matatagpuan?"
Core:
"Gaya ng sinabi ko, oras na pumanaw ang puting salamangkero, mawawasak din mahika sa lagusang isinara nya. Kaya kailangan natin syang matagpuan at mapaslang. Sa gayon ay kusang mawawasak ang harang na kanyang nilikha patungo sa mundo ng mga tao!"
Efres:
"Kung ganun ay maaring nagtatago lamang sya, para patuloy na protektahan ang lagusan."
Furton:
"Paigtingin nyo pa ang paghahanap. Rogan, gusto ko ikaw ang manguna. Bumuo ka ng hukbo na gagalugad sa buong Afgatoryo, balatan nyo ang buong lupain kung kinakailangan!"
Rogan:
"Masusunod po Kamahalan. Bukas na bukas din ay magsisimula kami."
Kawaye:
"At ako na ang mangunguna sa paghahanap ng magaling na manghuhula."
"Hanggang ngayon, hindi parin natin alam ang kahulugan ng pangitain ng prinsesa sa tinagal ng panahon!" pasigaw na turan ng Hari.
Dalaga na sa Serez, ngunit ag pangitain nito nuong bata pa ay wala paring paliwanag na syang labis paring bumabagabag kay Furton.
Nang lumabas na sina Core at Efres, saka lamang nakapasok sa silid ng trono ang prinsesa. Naabutan nyang tila nagpaplano ng ruta sa kabundukan ang Ama at mga mandirigma.
Serez:
"Ama? Maari ba kitang makausap."
Furton:
"Masyado akong abala para makipag kwentuhan."
"Patawad. Nais ko lang po sabihin na gusto ko sumabay sa pagkain ng hapunan mamaya." nakangiti nyang wika.
Furton:
"Hindi ka pa ba sanay kumain ng mag-isa? Sabihin mo kay Efres samahan ka sa hapag."
Serez:
"Kahit ngayon lamang po, mahalaga kasi ang araw na ito."
Furton:
"Wag mo muna akong abalahin Serez."
Serez:
"Wala ka po bang naalala ngayong araw Ama?"
"Wala! At mahalaga ang ginagawa namin kaya lumabas ka ng silid na ito!" angil ni Furton.
Napaatras sa takot si Serez ng sumigaw ang Ama. Ngayon nya lang ito nakitang ganito kagalit. Naging itim ang pulang mga mata at kitang-kita ang matatalas na pangil.
Furton:
"Hindi ka na ulit papasok sa silid na ito ng hindi ko sinasabi!"
Napatda at hindi makasagot ang dalaga. Hindi nya akaling pagtataasan sya ng boses ng Ama sa harap ng ilang mandirigma. Maging si Rogan ay nahabag ng makita ang reaksyon nya na halatang nasaktan.
"Furton, natatakot ang bata!" mahina ngunit maagap na sabi ni Kawaye. "Rogan! Ihatid mo sa silid nya ang prinsesa."
Rogan:
"Opo Ama."
"Kamahalan, tayo na po."
Sumunod naman ito agad at nagpatiuna sa paglalakad. Inihatid ni Rogan ang prinsesa kasama ang mga bantay, patungo sa silid nito.
Hindi nya mapigilang maawa dahil habang naglalakad ay tumutulo ang luha ng dalaga. Humihikbi at di maitago ang hinanakit. Walang magawa ang heneral kundi ang yumuko. Alam nya kasi na ang araw na iyon ay kaarawan ng Prinsesa.
Naalala ni Rogan nuong bata pa si Serez. Kasama ang dalawang kaibigang sina Mohep at Lukan, naglalagi sila ng oras sa kapatagan para manghuli ng paru-paro. Inilalagay sa babasaging lagayan bilang regalo sa munting prinsesa. Tuwang-tuwa naman ito, kakausapin ang mga paru-paro at isa-isang pakakawalan sa hardin.
Ngayon ay halos hindi nya na ito malapitan. Paano pa ang kakausapin upang pagaanin ang loob nito.
Nagkulong si Serez sa kanyang silid buong magdamag. Walang nakaalala sa kanyang kaarawan kahit pa si Efres. Umiyak na lamang hanggang sa makatulog. Sa kanyang mahimbing na pagpikit, sya ay dinalaw ng kakaibang panaginip.
"Nakatayo ang dalaga sa isang pasilyo. Madilim at ang tanging tanglaw nya ay isang lampara. Bakit nga ba halos wala syang makita? Gayong ang mga bampira ay nakakakita naman ng malinaw sa dilim.
Maya-maya ay nakarinig sya ng tinig. Isang maamong boses ang nagsasalita. Naglakad si Serez upang hanapin iyon at nakita ang isang saradong silid.
Bukod sa pintong kahoy nito, ay may bakal pang nakaharang. Mas naririnig nya na ngayon ang boses ng babae. Umiiyak ito, at may pangalang tinatawag, malabo at hindi nya maintindihan.
Sinusubukan wasakin ng Prinsesa ang kandado sa bakal, ngunit hindi nya kaya. Hanggang sa magising sya bigla....
Di na dinalaw pa ng antok si Serez. Ikatatlumpu't limang kaarawan nya ngayon. Gaya ng ilang taon pang lumipas, walang kasiyahang naganap. Nalulungkot sya sa isiping nakalimutan na talaga ito ng Ama.
Lingid sa kanyang kaalaman, alam ni Furton na ngayon ay kaarawan nya. Pero takot ito na maulit pang muli ang pangitaing naganap nuong sya ay basbasan. Ang pangitain ng puting nilalang na may tabak sa kanyang ulunan.
Lumabas si Serez ng silid upang magpahangin sa tore. Hindi naman sya sinusundan ng mga bantay kapag sinabi nyang nais nyang mapag-isa.
Habang binabagtas ang mahabang pasilyo patungo roon, natanaw nya ang dalawang kawal na may dalang sisidlan ng pagkain at kopa ng dugo ng hayop.
Patungo ang mga ito sa dulong bahagi ng palasyo. Nagtataka man kung para kanino ang pagkain ay di na nagsuri pa ang prinsesa.
Sa toreng iyon madalas syang maglagi. Nauupo at nakatingala sa pulang buwan. Sa ganuong paraan gumagaan ang loob nya. Lalo na tuwing naiisip nya kung bakit wala syang ina. Kapag tinatanong nya si Efres, umiiwas ito. Kapag ang Ama naman, nagagalit.
"Ano nga bang pakiramdam ng may inang nag-aalaga at yayakap sayo." malungkot na tanong ng isip nya.
Sa gitna ng pagmununi-muni, tila nakarinig sya ng tinig. Napalingon at inilibot sa paligid ang paningin ngunit walang ibang naroon.