Kabanata 5

1385 Words
Nakatalikod si Serez sa hardin at abala sa pamimitas ng bulaklak nang maramdang may nakatayo sa kanyang likuran. Serez: "Bakit ngayon ka lang?" Rogan: "Patawad Kamahalan, kung hindi ako agad nakasunod." Ngayon lamang narinig ni Rogan ng maayos ang malamyos na tinig ni Serez. Hindi sya makatingin sa mga mata nito kahit pa sanay naman syang nakikita ito palagi habang nasa malayo. Serez: "Tatapatin na kita. Batid kong sinabihan ka ni Ama, na bawal akong matuto sa espada. Ngunit nais kong magsanay. Makikiusap sana ako, na kung maari ay tulungan mo ako. Gusto kong turuan mo ako Heneral." Rogan: "Kamahalan. Hindi ko po maaring suwayin ang Hari. Mapaparusahan ako kapag tinuruan ko kayo." Serez: "Gawin natin ito ng lihim. Hindi natin ipapaalam sa iba." Rogan: "Walang naililihim sa iyong Ama. Batid mo iyan. Baka pati ikaw, mapahamak kapag sumuway tayo." Serez: "Hindi nya ako sasaktan. Pakiusap heneral, kahit hindi madalas. Kahit minsan lang. Nais kong matutong lumaban, kagaya nyo." Rogan: "Patawad, ngunit responsibilidad ko ang ingatan ka. At uulitin ko, mapapahamak ka lang kapag sumuway tayo." Nagpumilit si Serez at ginawa ang lahat. Nagpaliwanag at nakiusap kay Rogan. Ngunit nabigo sya. Nakaramdam si Serez ng panibugho sa pag tanggi nito. Naisip nyang napakasama ng heneral na ito at isang duwag. Ngunit hindi rin naman magtatagal ang isiping iyon. Dahil nakarating nga sa Hari ang ginawang paglapit ni Serez sa Heneral. Agad sya nitong pinuntahan sa kanyang silid upang komprontahin. Furton: "Nagpipilit ka parin sa kabila ng utos ko sa iyo!" Serez: "Ama, wala akong masamang intensyon. Gaya ng sabi ko, nais ko lang matuto." Furyon: "Makinig ka Serez! Ang espada ay para lamang sa mga lalaki. Sa mga mandirigma. Ikaw ay isang babae, mahina at dapat nandito lang sa loob ng palasyo!" Serez: "Kaya ko ring gawin ang ginagawa nyo! Makakatulong din ako sa pag protekta sa kahariang ito kahit babae ako. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon at patutunayan ko iyan." Furton: "Huli na ito! Parurusahan kita sa oras na sumuway ka muli sa akin." Serez: "Kahit anong parusa gawin nyo Ama, hindi magbabago ang gusto ko!" Furton: "Masyadong suwail! Hindi kana nakikinig!" Serez: "Bakit ba ayaw mo ako payagan?" Furton: "Dahil hindi maari!" Serez: "Sabihin mo sa akin kung bakit Ama!" Furton: "Tahimik! Sa sandaling malaman ko na lumapit kang muli sa heneral, paparusahan ko sya ng kamatayan!" Hindi makapaniwala si Serez sa sinabi ng Amang Hari. Natahimik sya at hindi na nakasagot pa. Ngayon naintindihan nya na kung bakit tumanggi ang heneral. Hindi rin papayag ang prinsesa na may mapahamak dahil sa kanya kaya hindi na sya nakipag-usap pang muli kay Rogan. Umiwas sya sa lahat at kinalimutan ang tungkol sa espada sa loob ng sampung taon. ....... Tuwing sasapit ang buwan ng Halmero, kada sampung taon ay isang itim na Pista ang idinadaos sa Palasyo. Dito nagsasaya ang lahat. May sayawan at maraming pagkain. Bilang pasasalamat ito sa Diyos ng pulang buwan sa pag gabay at pag tanglaw nito sa buong lupain ng Afgatoryo. Ginamit itong pagkakataon ni Serez na makasilip man lang sa labas. Dahil bukas ang tarangkahan ng Halmero at abala din ang lahat sa palasyo kasama na sina Efres at ang mga bantay nya. Isang itim at mahabang kapa ang kanyang isinuot para ikubli ang tunay na katauhan. Nakakuha din sya ng mga lumang kasuotan na kanyang ginamit. Tanging mga pulang mata lamang nya ang nakikita. Siniguro nyang walang makakahalata at magdududa sa kanya. Isa na syang ganap na dalaga at hindi na basta mapapaniwalang delikado sa labas. Ang kanyang pagnanais ay mas sumidhi rin sa tagal ng panahong nasa loob lamang ng mga pader. Sumabay si Serez sa paglabas-pasok ng mga ordinaryong bampira sa Palasyo. Kinakabahan man at may takot, nangibabaw ang kagustuhang makita ang labas ng Halmero. Pasimple syang naglalakad. Iniwasan nyang mapatingin sa mga bantay ng tarangkahan. Nang may dumaang mabilis na karwahe, muntik na syang matumba ng masagi ng nagmamadaling lalaki. Gulat na napatingin si Serez na mabuti na lamang ay hindi nawalan ng balanse. "Pasensya na. Hindi ko sinasadya." malamig ang boses na turan nito ngunit hindi tumingin sa kanya. Tumango nalang si Serez at inayos ang kapa. Nagtatakang sinundan ng tanaw ang lalaking mabilis ang hakbang na sumusunod sa karwaheng may dalang mga kahon. Tila balisa ito at madaling-madali. Nakatalukbong rin kaya hindi nya nakita ang mukha. Bagaman may pagtataka, hindi na iyon pinansin ni Serez. Sa paglalakad kasabay ng karamihan, nakarating sya sa kanayunan. Namangha sa maliliit at nag gagandahang bahay ng mga ordinaryong pambira. May mga halaman din sa paligid ng mga ito. May nakita syang mga lobo, nasa bakuran lamang. "Ang akala ko mababangis ang mga lobo?" tanong nya sa sarili. Dahil iyon ang iminulat sa kanya ni Efres. Busog na busog ang mga mata nya sa dami ng kakaibang nakikita. Mga bagay na wala sa loob ng Halmero. Natapat sya sa isang bahay na mukhang wala ang may-ari. Nasa pag diriwang marahil ng Pista. Nakatayo sya at halos hindi maihakbang ang mga paa. Hindi sya nagulat sa malaking bahay na puno ng halaman. Kundi dahil sa isang itim na lobo sya nakatingin. Nakatayo ito sa mismong pinto ng bahay at nakatitig sa kanya. Pulang-pula ang mga mata nito. Nahintakutan sya ng makitang kumilos ito palapit sa kanya. Gusto nyang tumakbo palayo ngunit di nya magawa. Ang lahi nila ay walang kakayahang maglaho, maliliksi lamang sila kumilos taliwas sa paniniwala ng mga tao. Lumapit kay Serez ang lobo. Inikutan sya, inamoy-amoy. Tila sinusuri. At bigla itong umalulong ng malakas. Napatakip ng tenga ang prinsesa at napapikit sa takot. Sa pangatlong pag alulong ng lobo ay madidinig sa buong kapatagan ang tila pagsagot ng mga kauri nito sa kabundukan. Nakakapanindig balahibo. Marami sila, malakas ang alulong at tila sumasagot sa itim na lobo. Hindi alam ni Serez kung paano sya nakaalis sa lugar na iyon dahil sa takot. Namalayan nya nalang ang sarili na hingal na hingal. Pagod at nanginginig. Nakaramdam lang ng kapanatagan nang matanaw na ang tarangkahan ng Halmero. Malapit na pala sya sa palasyo, hindi manlang nya alam paano sya umabot roon. Muli ay pasimple syang naglakad papasok sa tarangkahan. Malakas ang tugtugan sa bulwagan kaya siguradong hindi narinig ng mga naroon ang malakas na alulong ng mga lobo. Inalis nya agad ang kapa at sa kanyang silid sya dumiretso. Efres: "Saan ka naman nanggaling? Tila pawis na pawis ka, at ano yang suot mo?" Halos mapatili sya sa gulat ng marinig ang boses ng manggagamot. "A-akoy...ako ay ...nag galing lamang...sa arena." utal-utal nyang sagot. Efres: "Nagsasanay ka mag-isa? Serez! Magagalit ang iyong ama kapag nalaman nya iyan!" Serez: "Pero nais kong matuto sa espada at walang makakapigil sakin. Matanda na ako Efres. Magsasanay ako kahit pa walang magturo sa akin!" Napailing si Efres, hindi na nga talaga bata ang Prinsesa at nagiging matigas na. Efres: "Ayusin mo ang iyong sarili. Maligo ka sapagkat ikaw ay pawisan. Sumunod ka kaagad sa bulwagan, hinahanap ka ng iyong Ama." Napahinga ng malalim si Serez, mukha namang naniwala ang manggamot sa palusot nya. Serez: "Susunod agad ako." Habang naliligo, nasa isip nya ang itim na lobo. Hindi naman sya nito sinaktan. Ngunit nakakatakot ito. May ibig kayang sabihin ang pag-ikot nito sa kanya? At nag pag-amoy at pag alulong nito? Pagdating sa bulwagan, umupo si Serez sa upuang nakapwesto sa kanang bahagi ng trono ng Hari. Binati nya ito ng hindi tumitingin. Baka kasi tanungin sya nito kung saan sya galing at mahalata kapag nagsinungaling sya. Napakasaya sa loob ng Halmero. Ang sayawan at malakas na tugtugan. Ngunit ang diwa ni Serez ay nasa kapatagan parin. Napakasarap siguro tumira sa lugar na iyon. Mag alaga ng mga halaman, hayop at mga lobo. Ilang saglit ay lumapit sa Ama ang kanang kamay nito na si Kawaye. Tila may hinahanap. Kawaye: "Patawad, pero hindi ko sya mahagilap sa buong palasyo." Furton: "Kawaye, maraming bampira, kung anuman ang maganap, narito dapat sya at nagbabantay." Kawaye: "Maaring umalis lamang kasama ng mga kaibigan. Pista ngayon, baka pumunta sila sa kung saan para magsaya. Nandito naman ako Kamahalan." Furton: "Sya ang heneral! Responsibilidad nya ang kaligtasan ng Prinsesa lalo na at maraming taga labas, mahirap na." Nakikinig lamang si Serez sa pag-uusap ng Ama at ni Kawaye. Kaya pala hindi nya nakita ang Heneral, wala pala ito. San naman kaya nagtungo sa oras ng kasiyahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD