SIMULA SA ARAW na iyon ay sa emergency room na si Cai. Excited siya. Gusto niya ang energy sa emergency room. Excited siya sa mga matututunan niya roon. Kaagad naman niyang nakasundo ang mga bagong makakasama. Mababait ang mga ito sa kanya. Maging ang mga doktor ay palakaibigan at kinakausap din siya. Isang pasyente ang isinugod doon dahil tinangka nitong magpakamatay. Naglaslas ng pulso. Isang guwapong lalaki na ang sabi ng mga kasamahan ay bading daw. Sayang nga kasi talagang guwapo ang lalaki. Matangkad at tisoy. Hindi sigurado ni Cai kung ang hitsura lang nito ang pumukaw sa kanyang atensiyon, ang kaso na rin siguro nito. Hindi siguro kasi niya maintindihan kung bakit nagagawang kitlin ng ibang tao ang sariling buhay. Bakit ginagawa ng mga ito ang bagay na iyon? Hindi ba natatakot ang

