LABIS NA IKINAGULAT ni Cai nang madatnan niya sa kanilang bahay si Ginger pag-uwi niya galing sa ospital nang hapon na iyon. Sa loob ng ilang sandali ay hindi niya alam ang gagawin, nakatingin lang siya sa dating kaklase at kaibigan. Mas tumingkad ang ganda nito ngayon. Mukhang naging maganda ang kapalaran nito sa ibang bansa base sa nakikita niyang hitsura nito. Para makalma niya kahit na paano ang sarili ay nagpaalam muna siya na magpapalit ng uniporme. Ang lola muna niya ang kumausap kay Ginger. Makailang beses munang humugot ng malalim na hininga si Cai bago niya nagawang lumabas ng silid. Hindi niya makalma ang sarili kahit na ano ang kanyang gawin. Hindi niya gusto ang epekto ni Ginger sa kanya. Hindi niya malaman kung bakit natatakot siya at kinakabahan samantalang kung tutuusin a

