“DO YOU WANA come in?” Umiling si Wilder sa tanong na iyon ni Ginger. Nasa harapan na sila ng apartment building nito. “Kanina ka pa tahimik. `Something wrong?” Muling umiling si Wilder kahit na everything was wrong. “Cai is getting married.” Hindi umimik si Wilder. Mas nanikip ang kanyang dibdib na kanina pa talaga naninikip. Nahihirapan na siyang huminga sa totoo lang. Parang gusto niyang sumigaw at pumalahaw nang iyak para maibsan ang nararamdaman. Alam nga lang niya na hindi niya iyon maaaring gawin kapag kasama si Ginger. Sana lang ay bumaba na ito nang mapag-isa na siya. “It’s a good thing, right?” Medyo nag-aalangan ang tinig ni Ginger. “She has moved on. She’s happy. She found a good man naman daw. There’s nothing to feel guilty about now. Siguro naman ay maaayos na natin ta

