NAGING MAS KAMPANTE si Cai matapos niyang makausap si Dr. Iñaki Salvador, ang pediatrician. Magaan kaagad ang loob niya sa doktor. Malinaw ang naging mga paliwanag nito sa kanya. Malinaw din nitong ipinaliwanag ang ilang bagay na maaari niyang gawin. Maaga na nilang pinagplanuhan ang genetic screening and sequencing na may mas malawak ang sakop para sa magiging baby niya. Hindi lamang VHL ang kailangan nilang ipag-alala. Napagpasyahan ni Cai na sundin ang sinabi ni Wilder. Siguro ay mas dapat niyang pagtuunan ng pansin ang kasalukuyan kaysa sa hinaharap na wala pa namang kasiguruhan. Kailangan niyang mas alagaan ang sarili niya. Kailangan niyang sundin ang lahat ng bilin ng mga doktor. Kakain siya nang tama. Mag-e-ehersisyo. Hindi na dapat siya magpalamon masyado sa lungkot, galit at dala

