KAAGAD SIYANG NAIKUHA ni Wilder ng appointment sa obstetrician sa DRMMH. Sinamahan siya ng kanyang lola sa appointment niya kahit na sinabi na niyang kaya niya. Kailangan daw ng alalay ng mga buntis na kagaya niya. Kailangan din daw nitong marinig mula sa bibig mismo ng doktor na maayos ang magiging apo nito sa tuhod. Bahagyang nalungkot si Cai sa realisasyon na hindi na mararanasan ni Kali ang lahat ng iyon. Hindi na siya nito masasamahan sa mga doctor’s visit. Hindi na nito maririnig ang heartbeat ng anak. Hindi na nito makikilala ang anak nila. Hindi masusubaybayan sa paglaki. Hindi mahahagkan at mayayakap. Naluluha si Cai. Hindi niya iyon gustong gawin sa magarang waiting room ng klinika ng bago niyang doktor pero hindi niya mapigilan ang sarili. Gusto niyang humagulhol. Bumukas an

