“UUY! TALAGA? AMIN na ang lahat ng ito?” Natawa si Wilder sa namimilog na mga mata nina Johanna at Ate Vilma, ang kanilang head nurse sa OR. Kaagad na binuksan ng dalawang babae ang food canisters na ipina-deliver niya sa isa nilang staff sa restaurant. “Bakit ang generous mo yata ngayon, Wilder?” ang tanong ni Ate Vilma. “Kung makapagsalita naman si Ate parang ngayon lang ako nagdadala ng food,” ang tugon niya. “Maglalambing ka ng day-off, ano?” ang sabi ni Johanna. “Suhol `to.” “Sa lahat ng nurses ko, si Wilder ang hindi nanghihingi ng extra off. Saka hindi siya mapili sa shift,” ani Ate Vilma. “Actually, Ate…” Pinanlakihan siya ng mga mata ni Ate Vilma. “Utang-na-loob, Wilder. Huwag sa linggong ito. O sa susunod na linggo. Alam mo naman na understaff tayo.” Nadismaya si Wilder

