37

2352 Words

MASYADO NANG MARAMING nararamdaman si Cai. Hindi na niya kailangan ang karagdagang kaguluhan sa puntong ito ng kanyang buhay. Hindi niya kailangan na maapektuhan pa rin ni Wilder. Hindi niya gusto ang epekto nito sa kanya. Mas ginugulo nito ang sistema niyang napakagulo na. Ipinako niya ang mga mata sa labas ng bintana habang papunta sila sa ospital kung saan naroon ang kanyang lola. Hindi niya gustong makita ang lalaking minsan ay labis-labis niyang minahal. Kahit na hindi nakikita, ramdam na ramdam pa rin niya ang presensiya nito. Medyo nahihirapan siyang makahinga dahil alam niyang malapit lang sa kanya si Wilder. Naaabot. Hindi na milya-milya ang layo nila sa isa’t isa. Kailangan niyang aminin na madalas pa rin niyang maalala si Wilder sa mga nakalipas na taon. Naitatanong pa rin n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD