36

1228 Words

NASA PILIPINAS NA uli si Cai. Kailangan niyang aminin na bahagyang gumaan ang kanyang pakiramdam. Mahal niya ang naging tahanan nila ni Kali sa Manhattan. Mahal niya ang kanyang nanay at alam din niya na mahal na mahal siya nito at labis-labis ang pag-aalala na nararamdaman nito. Pero pakiramdam niya ay hindi siya makahinga roon. Mas nahihirapan siya habang lumilipas ang mga araw. Normal siguro ang ganoon lalo na sa kanyang kalagayan pero pakiramdam niya ay mababaliw na siya. Hindi na niya kakayanin. Kahit na paano ay ipinagpapasalamat niya ang pagpupumilit ng kanyang lola na umuwi muna siya ng Pilipinas. May bahagi rin naman kay Cai ang ayaw umalis, ayaw lumayo kay Kali. Pero talagang hindi na maganda ang nangyayari sa kanya. Hindi na niya minsan makontrol ang kanyang emosyon. Sa kabil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD