Chapter 2

1344 Words
Dubai International Airport... Abala si Raine sa pag-aayos ng kanyang mga bagahe papasok sa airport. Nakatakda syang umuwi sa Manila ngayong araw kaya naman inihatid sya ng mga bff nyang sina Rolando also known as Helga at ang best friend nya since high school na si Sheena. " Beb, susunod ako doon after two weeks okay", wika ni Roland, ang kanyang gay bff na sobrang gwapo pero kapag gabi ay nagiging maganda. " Sure Beb, I'll be waiting for you, doon na natin planuhin ng beach vacay natin pagdating mo", sagot naman ni Raine habang nakatingin sa best friend nitong si Sheena na tila ba iniinggit ito. " Oh sige inggitin nyo akong dalawa, kayo lang talaga magbabakasyon huh!, sabi nito sa kanila sabay irap. " C'mon Sheng, ayaw mo naman kasi iwanan yang hubby mo, eh di ba pinayagan ka naman niya magbakasyon ng two weeks?, sagot ni Raine. " Hay naku! pinayagan ako ng asawa ko pero yung boss ko papayagan ba ako? " Yun lang, eh basta magpaalam ka pa din sa boss mo malay mo naman pumayag para naman makapag bakasyon tayo ng sabay sabay sa Pilipinas, sige na bessy", nagpapa cute pa si Raine habang sinasabi iyon sa kaibigan. " Alam mo Beb, kung di ko lang alam na ikaw si Lorraine iisipin ko talaga sweet ka eh, kaso hindi mo ako maloloko ng sweet gesture mo" Napahagalpak sila ng tawa ng best friend niyang si Sheena dahil sa sinabi ni Roland. Sa kanilang tatlo kasi si Sheena ang mukhang mataray pero sobrang bait nito at maunawain. Si Roland naman na pusong babae ay sadyang may ka-sweetan sa katawan. Samantalang siya na mukhang sweet and innocent ay hindi mapapagkamalan na kayang kaya niyang magbali ng katawan ng isang bruskong lalaki. She is Lorraine Rodriguez, a twenty five year old virgin. Tatlong taon syang nagtrabaho sa bansang Dubai bilang Bank employee. Sa unang taon niya sa banko ay Teller ang kanyang trabaho subalit dahil sa taglay niyang talino ay na-promote siya agad at naging Service Officer. Mula sa pagiging simpleng Bank employee dito sa Pilipinas ay naisipan ni Raine na pumunta sa ibang bansa, noong una ay gusto lamang niya magliwaliw at dalawin ang kanyang best friend na si Sheena, mula kasi ng makapagtapos sila ay agad na pumunta ng Dubai ang kaibigan upang doon magtrabaho. Makalipas ang isang taon ay dinalaw niya ito kaya't nag apply siya ng tourist visa sa Dubai, subalit nakumbinsi siya ni Sheena na subukang mag-apply ng trabaho sa Arab Bank Dubai Branch dahil nangangailangan umano doon ng Teller. At dahil nga Bank employee din siya sa Pilipinas ng mga panahon na iyon kaya't naging madali sa kanya na matanggap sa trabaho. Nalaman na lamang ng kanyang mga magulang na hindi na siya uuwi ng Pilipinas dahil doon na siya magtatrabaho. Nagpadala na lang din siya ng resignation letter thru e-mail sa kanyang boss sa Pilipinas. Sa loob ng tatlong taon ay hindi siya umuuwi ng Pilipinas, at every six months ay dinadalaw naman siya ng mga magulang sa Dubai, pero ngayon ay susurpresahin niya ang mga ito dahil hindi siya nagsabi na uuwi siya ng Pilipinas. Naisip na din niya na wag na bumalik ng Dubai at sa Manila na lamang magtrabaho, siguro ay tutulong na lamang siya sa negosyo ng mga magulang niya o di kaya ay mag-aaply ulit siya sa bangko, ang sabi kasi ng boss niya ay maaari naman siyang bumalik anytime dahil maayos naman ang record niya sa iniwang kompanya. Makalipas ang ilang oras na byahe ay nasilip na niya ang maitim na ulap sa himapapawid buhat sa bintana ng eroplano, senyales iyon na nasa Manila na siya at malapit ng lumapag ang eroplanong sinasakyan. Tsk, talaga namang nasa Manila na ako, nakikita ko na ang maitim na ulap, iba talaga ang nagagawa ng polusyon, wika ni Raine sa isip. Alas otso ng gabi ay saktong lumapag ang eroplano. Paglabas niya sa arrival area ay agad siyang sinalubong ng pinsan na si Ian, isa ito sa mga pinsan niyang lalaki na talaga namang sobrang malapit sila sa isa't isa. Limang taon ang tanda nito sa kanya kaya naman baby sister na siya nito kung ituring. " Kuya Ian, buti na lang nakita mo ako agad", excited na sinalubong niya ang pinsan sabay yumakap ng mahigpit. " Paano kita hindi makikilala eh ang laki mo", may halong pang-aasar na wika nito. " wow huh! hiyang hiya naman ako sa laki ng bilbil mo kuya" " Hoy, asset ko yan no, dahil dyan maraming babae ang na-iinlove sa akin" " Haha! pesteng mga babae yan, baka akala nila ikaw si Barney". Habang nag-aasaran ang magpinsan ay naglakad na sila patungo sa sasakyan. Pagkapasok nila doon ay nakita ni Lorraine ang isang babaeng maganda na syang nasa driver's seat. Siya naman ay umupo sa likod at ang pinsan ay nasa passenger seat. Nakita niyang nginitian siya ng babae kaya naman hindi siya nakatiis at binati ito. " Hi, ako nga pala si Raine, nakangiting wika niya. " Hello Raine, I'm Lanie, welcome back" " Oh Raine, siya nga pala si Lanie girlfriend ko", saad ni Ian. " Holy s**t Kuya!, paano ka nagkaroon ng magandang girlfriend, teka ha, Lanie sigurado ka bang kaya mo magdrive, baka kasi malabo ang mata mo eh, ano bang nagustuhan mo kay Kuya? Humagalpak naman ng tawa ang dalagang si Lanie, hindi nito alam na sobrang cool ni Raine, akala niya ay katulad ito ng ibang kamag anak ni Ian na pabebe. Si Ian kasi ay first cousin ni Raine sa mother side, ang tatay ni Ian ay galing sa mayamang angkan at tila ba kasalanan sa pamilya nila kapag hindi sila maging prim and proper. Kaya naman mas close sila Ian sa kanila dahil pakiramdam nilang magkakapatid ay lagi silang napupulaan ng kanilang mga kamag- anak ng kanilang ama. " I told you Babe, hindi talaga tayo mukhang magjowa, mas mukha tayong mag-kuya", wika ni Lanie sa kasintahan habang nagmamaneho palabas ng airport. " Magbawas ka na kasi ng timbang kuya, mukha ka na talagang Barney", sikmat naman ni Raine sa pinsan. Kung tutuusin ay hindi naman katabaan si Ian, medyo bumilog nga lang ang tyan nito dahil sa hindi na masyadong nakakapag work out, pero dahil matangkad ito kaya't di naman masyadong masagwa, gusto lang talaga siyang asarin ng dalawang babae. " Hoy Lorraine baka ihagis kita dyan sa labas ng kalsada, saka bakit ba pinagdidiskitahan nyo tong abs ko?" " Anong abs kuya, baka tabs" Habang nasa byahe ay hindi maiwasan na magkulitan ng magpinsan. Halatang miss na miss nila ang isa't isa. " Teka kuya, hindi nga pala ako nakapag pa- book ng hotel" " Sa tingin mo talaga hahayaan kitang mag-hotel Lorraine?" " Eh saan ako tutulog kuya, hindi pa ako pwedeng umuwi sa bahay, remember?" Naisip kasi ni Raine na surpresahin ang ina sa 50th birthday nito na gaganapin sa isang araw. Kaya nagpatulong siya sa kanyang Kuya Ian para maitago ang kanyang pag-uwi ng Pilipinas. "Eh di sa bahay ka matulog, problema ba iyon?", sagot ni Ian. " Kuya, andun si Tita, eh paano kung i-chismis ako kay mama, para namang di mo kilala yung nanay mo walang sikretong maitago doon". Natawa naman si Ian sa sinabi ni Raine, totoo naman kasi na madaldal ang kanyang ina kaya't di niya talaga dadalhin doon si Raine. " Don't worry baby sis, I got your back" Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa isang condominium building, kinuha ni Ian ang mga bagahe ni Raine at sumakay sila sa elevator. Si Lanie naman ay nagsabi na susunod na lamang dahil naghanap pa ito ng parking ng sasakyan. Pagkaraan ng ilang saglit ay tumunog na ang elevator, tanda na nasa tamang floor na sila. Sumunod lamang naman si Raine sa pinsan habang naglalakad. Pagtapat sa isang pinto ay nag doorbell si Ian, pagbukas ng pinto ay niyaya siya agad ng pinsan at laking gulat niya ng pagpasok niya ay biglang... " Welcome back Raine", sabay sabay na sigaw ng mga tao sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD