Chapter 3

980 Words
Lorraine POV " Welcome Back Raine"... Tila nalaglag ang puso ko sa sobrang gulat, hindi ko inaasahan na narito ang mga pinsan ko. Nang makahuma ay agad ko silang pinagdadambahan, sobrang namiss ko din ang mga kolokoy kong pinsan. Sila yung mga pinsan ko na halos di magkakalayo ang agwat ng aming edad. Isa hanggang dalawang taon lang ang agwat ng mga edad namin kaya't di kami nagtatawagan ng kuya at ate, si kuya Ian lang ang tinatawag naming kuya dahil siya talaga ang pinaka matanda sa aming lahat. " Oh, anong pakinabang nyo?, nagluto ba kayo?, tanong ni kuya Ian sa kanila. " Bakit naman kami magluluto kung pwede naman bumili, tsk! ", si Paul iyon, ang pinsan kong chickboy pero iniwan ng jowa kaya ngayon sawi. " Hoy Paul, gago kanina ka pa umiinom mamaya nyan iiyak ka na naman habang tinatawag mo pangalan ng ex mo", sita ni Darren sa kanya. Hindi siya pinansin ni Paul at tuloy lang sa pagtungga ng beer. Ako naman humilata sa sofa at kumuha ng pagkain habang si Mitch naman tumabi sa akin. " Ano na Raine, may jowa ka na?,tanong niya sa akin. " hindi ko kailangan yun, magpapayaman muna ko", sagot ko naman. " Mag-asawa ka na lang ng mayaman insan", natatawang sabi ni Joan, ang pinsan kong kakapasa lang sa Board of Dentistry. Tila may lumitaw naman na bombilya sa ulo ko at humarap ako kay Mariz, siya yung pinsan ko na mayaman ang boyfriend at dahil sa network ng jowa niya kaya madami syang client na mayayaman, mostly ay business owners, isa kasi siyang Financial Planner. " Hanapan mo kaya ako para magkajowa ako ng mayaman, di ba madami kang client na mayaman? Umirap naman siya sa akin bago nagsalita, " akala nyo lang madali ang magkaroon ng mayaman na jowa, hindi sa lahat ng oras okay kayo, kung minsan maiisip mo na malayo talaga ang agwat niyo, kahit hindi yun pinaparamdam ng jowa ko kahit pano nagkakaroon pa din ako ng insecurities dahil doon, lalo na kung kasama namin yung mga kaibigan niyang mga mukhang maligno", mahabang turan niya. " Ay teka nga, mukhang may hugot ka ah, anong meron?", tanong ni Kuya Ian Para naman kaming mga chismisong palaka na nakaabang sa sasabihin ni Mariz, dahil sa sinabi niya ay parang na-sense ng lahat na may pinagdadaanan siya. " Tangna insan anong meron, sabihin mo lang kung kailangan mo ng resbak ha", si Troy naman na halatang lasing na. Hinintay namin na magsalita si Mariz pero sinabi na lang niya na wala namang problema sila ng jowa niya. Hindi na namin siya kinulit at itinuloy na lamang ang kwentuhan. " Teka, kanino nga palang unit to, ang ganda ah", tanong ko sa kanila. " Nagustuhan mo ba Raine?, tanong ni Lanie " Oo naman, ang ganda, actually ganito yung gusto kong condo eh" " Buti naman nagustuhan mo, I told you Babe ganito talaga ang mga type ni Raine eh", narinig kong wika ni Kuya Ian. " Well congrats Raine, eto nga pala ang susi, kung may gusto ka pang ipabago sabihan mo lang ako", si Lanie na inabot sa akin ang keycard. " Ano!, sa akin to?", napalakas ang boses ko ng itanong ko iyon, samantala lahat naman sila ay naiiling at si kuya Ian ang nagkumpirma. " This is your unit Raine, si Uncle ang kumuha nito, fully paid na to, at si Lanie ang Real Estate broker nito kaya madali lang naayos ang mga papeles". Wala akong ibang nasabi kundi sobrang nagustuhan ko ang condo ko, malaki iyon at maaliwalas, may dalawang kwarto, may terrace na malaki at may sariling pool. Lumabas ako sa terrace at nakita ko ang city lights. Napansin ko na may isang unit akong katabi at ang pool ay isa lamang. Syempre, alangan naman solohin ko yung pool,tsk! Lumabas din si Lanie at inilibot niya ako sa kabuuan ng unit ko. " Lanie may nakatira na ba sa katabi kong unit? " Ah, oo pero hindi ko kilala ang nakatira dyan, sabi ng admin binata daw na gwapo, malay mo maging kayo", may pilyang ngiti na sabi niya. " Naku, baka naman may jowa na yun, pero sige kung gwapo nga pwede naman siguro syang tikman, charot!" Pumasok kami sa loob at nakita kong mga lasing na sila, malamang dahil bago kami dumating ay nag-iinom na ang mga walang hiya. " Hoy, bukas kayo maglinis dito ha, bininyagan nyo yung condo ko mga tukmol kayo". ________________________ Samantala pagkapasok naman nila Lanie at Raine sa loob ng unit sakto naman lumabas sa terrace ang kapitbahay nito. May dala itong beer in can at umupo sa sun lounger malapit sa pool. Naulinigan niya na may mga tao sa kabilang unit kaya't naisip niya na may nag-occupy na ng unit na iyon, matagal na kasi iyong bakante, medyo may kamahalan kasi ang unit dahil sa floor na iyon ay dalawang unit lamang ang meron isa nga ay sa kanya. Habang umiinom ay nakita niya na umilaw ang cellphone, ang kanyang ama ang tumatawag. " Hello Dad" " Yes Dad, sure, I'll be there of course" Matapos ang pag- uusap ay napapaisip na naman siya. Ano na naman kaya ang binabalak ng ama niya. Nang huling makausap niya ito ay gusto nitong ipagkasundo na lamang siya sa anak ng kaibigan nitong negosyante. Ilang beses na syang tumanggi sa alok ng ama na makipag dinner sila sa pamilya ng babae pero hindi siya sumisipot. Ayaw niyang mapahiya ang mga magulang niya sa kausap pero ayaw din naman niyang bigyan ng maling pag-asa ang kung sinumang babae na mapalapit sa kanya. Hindi din naman niya alam kung ano ba talaga ang katangian ng isang babae ang kanyang hinahanap. Bahala na, basta bukas ay pagbibigyan na lamang niya ang kanyang mga magulang para naman hindi masabi ng mga ito na wala syang pakialam sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD