Alexzander POV:
Isang buwan na ang nakaraan mula ng madiskubre namin ang Tambayan. Every weekend ay doon na ang punta namin ng aking mga tauhan sa brokerage. Bukod kasi sa maganda ang ambiance at nakakarelax ay naging kaibigan na din namin ang mga waiter at waitress doon. Sa katunayan ay naka reserba na sa amin ang paborito naming pwesto doon na kubo. Minsan din ay nagpupustahan ang aking mga tauhan dahil may billiards din sa nasabing tambayan. Tumawag ang isa sa malaking kliyente ng brokerage at naisip ni Mike na sa labas na lamang namin sila kitain para sa meeting na gusto nila. Nagpa reserba ang staff ko sa Tambayan para doon na kami magkita ng kliyente. Sakto naman dahil ala una ng hapon ang gustong oras ng mga kausap namin kaya late lunch meeting ang gagawin namin. Pagdating sa Tambayan ay alam na namin agad ang pwesto dahil ito talaga ang gusto ko sa lahat ng Kubo, bukod kasi sa malaki ito ay kita din ang papasok at palabas na mga tao ng restaurant. Ilang saglit pa ay dumating na din ang aming mga kausap at bago pa kami magsimula ay nailatag na ang mga order na pagkain kaya't minabuti muna namin na kumain. Pagkaraan ng dalawang oras ay nagpaalam na ang aming mga kausap at na-closed namin ang panibagong transaksyon. Ako, si Mike at ang dalawang tauhan ko na lamang ang natira. Alas tres na ng hapon at naisip ko na wag ng bumalik sa opisina, pero ang dalawang tauhan ko ay bumalik maliban lamang kay Mike. Nakita ko na umilaw ang phone ko kaya sinagot ko ito na hindi ko sigurado kung sino ang tumatawag.
" Hello Lover boy", bungad sa akin ng nasa kabilang linya. Bwiset! si Archie pala, ang tropa kong kakahiwalay lang sa girlfriend niyang salawahan.
" Oh pre, ikaw pala, tatagay ka ba?, tanong ko sa kanya.
" Ako pa ba tinatanong mo, saan ka ngayon pre?"
" Punta ka dito malapit lang sa opisina ko, hanapin mo yung restaurant na may karatulang TAMBAYAN"
Pagkalipas ng bente minutos ay dumating ang kumag kasama pa ang dalawang tropa namin na sina Lance at Mickey. Sa totoo lang ay mga anak mayaman din ang mga ito pero mas pinili namin ang simpleng buhay kaya't nagtayo kami ng mga negosyo na malayo sa kinagisnan naming negosyo ng mga magulang. Sa aming apat ay ako lamang ang walang karelasyon, habang si Archie naman ay kakahiwalay lang dahil nahuli nito na ang kasintahan niya ay meron palang ibang lalaki. Ilang beses na namin iyon sinabi sa kanya na iwanan na ang babae dahil napapansin namin na pera lamang ang habol sa kanya, pero hindi siya nakinig at hinayaan na lamang namin na siya na mismo ang makadiskubre. Umorder kami ng beer bucket at pulutan. Isa sa nagustuhan ko sa lugar na ito ay ang availability ng mga inumin at pagkain. Pwede kang kumain at the same time pwede ka ring mag relax at uminom habang nakikinig sa music. Iba-iba ang pinapatugtog nila depende sa vibe ng customers. Minsan ay upbeat songs lalo na kung tanghali, kapag medyo hapon na ay jazz or light rock, at kapag gabi na ay tamang chill lang sa mga acoustic at mellow sounds. Maganda din ang lightings ng lugar, hindi masyadong maliwanag pero hindi din madilim.
Habang nagkukwentuhan kaming magkakaibigan ay may nasipat akong babaeng pumasok. Kahit medyo may distansya ang aking kinauupuan sa entrance ng restaurant ay napansin ko kaagad siya, syempre kapag maganda matanglawin ako. Napaka amo ng mukha nito, mahaba ang itim na buhok, at ang tangkad niya ay sumakto sa kanyang sexy na katawan. Hubog na hubog ang kaseksihan niya sa kanyang suot na dress. At dahil nakasuot ito ng heels kaya't napapatingin ako sa natural na pag indayog ng kanyang balakang habang naglalakad. Nang magawi siya sa may counter ay bigla siyang pumasok sa loob at nagtaka ako dahil ang tagal niyang lumabas, ewan ko ba kung bakit ko siya sinusundan ng tingin. Tila napansin naman ako ng mga kausap ko na pasulyap sulyap kaya't hindi sila nakatiis at nagtanong.
" Pre, kanina ka pa may sinisilip ah, sino ba, maganda ba?, si Mickey.
Tumungga muna ako ng beer bago umiling, pero laking gulat ko ng biglang magsalita si Archie.
" Kaya pala nawiwili ka dito Alexzander Garchitorena dahil may Dyosa ka palang inaabangan dito".
Lahat kami ay parang mga nahipnotismo ng sabay sabay na tumingin sa itinuro ng nguso ni Archie. Malakas na kumabog ang dibdib ko ng unti-unti itong lumalapit sa kinaroroonan namin. Pero guni-guni ko lang pala dahil imbes na lumapit sa amin ay umupo ito sa isang kubo na malapit sa aming kinalulugaran. Tila natahimik naman kaming apat at parang walang gustong magsalita habang nakatingin lamang sa magandang babae na akala mo ay isang anghel. Napakaganda niya, ngayon lang ako nakakita ng kakaibang kagandahan na kahit wala syang gawin ay para akong natatangay. Hindi ko namalayan na titig na titig na pala ako, hanggang sa narinig ko ang pagtikhim ni Mike sa tabi ko.
" Ehem! Boss, baka matunaw"
Napailing na lang ako at saka muling uminom ng beer. Parang ayoko ng ibaling sa iba ang paningin ko dahil nasisiyahan na ako sa nakikita ko.
Bahagya akong siniko ni Lance,
" Pre, mukhang type mo, iuuwi mo na".
" Maghintay ka lang pre, hindi ko lang yan iuuwi, ibabahay ko pa"
Sagot ko kay Lance habang patuloy na nakatingin sa babae. Mukhang di naman niya kami naririnig dahil abala siya sa cellphone.
_______________________
Lorraine POV:
Two weeks ago ay nag-celebrate si Mamsi ng kanyang 50th birthday, at dahil nandito ako kaya mas lalo syang natuwa at talagang masasabi ko na tagumpay ang pagsurpresa ko sa kanya. At ang mas lalo nilang ikinatuwa ay ang ibinalita ko sa kanila na hindi na muna ako babalik ng Dubai. Nagresign na kasi ako sa trabaho ko doon pero anytime naman ay pwede ako bumalik. Sinabi ko na din sa kanila na tutulong na muna ako sa restaurant habang wala pa akong balak sa buhay ko ngayon. Sa totoo lang ay gusto ko muna magbakasyon at magpahinga ng matagal tagal. Sa tatlong taon ko sa Dubai ay malaki laki na din ang naipon ko, at sabi nga ni Papsi ay yung condo na binili niya ay galing daw sa pera na pinapadala ko sa kanila. Sa totoo lang ay di ko naman kailangan bigyan ng pera ang mga magulang ko dahil bukod sa may pension si Papsi noong nagretiro siya ay meron din silang ipon ni Mamsi, at bukod pa doon ay mayroon din kaming farm sa probinsya, at ang huling itinayo na negosyo ng aking mga magulang ay
ang restaurant na ito. Speaking of bakasyon, wala ang mga magulang ko ngayon dito sa Manila dahil ang regalo ko kay Mamsi noong bday niya ay two- week Asian Cruise tour para sa kanila ni Papsi. Gusto ko kasi na magrelax naman silang dalawa, kaya nangako ako sa kanila na ako na muna ang bahala dito sa restaurant, pero hindi naman ako mahihirapan dito dahil katulong ko sa pagma-manage dito ang pinsan kong kakatapos lang ng HRM, twenty years old lamang si Joy at hindi pa siya pinapayagan ng Tito namin na umalis ng bansa kaya habang nandito siya ay sa kanya ipinagkatiwala ni Papsi ang restaurant. Pagtapak ko sa loob ng resto ay pinuntahan ko muna si Joy sa counter, siya din kasi ang namamahala ng mga inventory. Matapos ko syang chikahin ay dumirecho ako sa isang kubo para makaupo. Medyo sumakit kasi ang paa ko dahil sa suot kong heels. Nakipagkita kasi ako sa isang negosyanteng kausap ni Roland dahil ang magaling kong kaibigan ay nasa Tagaytay pa pala at may pinuntahan. Ayoko naman na masira siya sa kanyang kausap kaya ako na lamang ang nagrepresenta para sa kanya. Balak kasi namin magtayo ng negosyo ni Roland at ang lalaking kausap ko kanina ay handang mag-invest. Balak namin ni Roland na magtayo ng winery shop. Habang nakaupo ako sa kubo ay tinanggal ko ang aking heels at hinilot hilot ko ang aking paa. Dito ko na lang hihintayin si bakla para mapag-usapan namin ang tungkol sa negosyo.Inabala ko muna ang sarili ko sa pag-browse ng aking social media account. Habang nakaupo ako ay nauulinigan ko ang mga tao sa kabilang Kubo,
" Pre, mukhang type mo, iuwi mo na"
" maghintay ka lang pre, di ko lang iuuwi yan ibabahay ko pa".
Titingin na sana ako sa gawi nila ng bigla namang dumating si Roland na sobrang gwapo, kung aakalain mo talaga ay lalaking -lalaki ang hinayupak, kung di ko lang alam na gwapo din ang tipo niya ay pwede ko nang ibigay sa kanya ang virginity ko. Habang papalapit siya ay nagtanggal siya ng kanyang shades at agad na nagbeso sa akin saka tumabi sa upuan. Pinalaki niya ang boses at kung di ko lang talaga amoy ang sangsang ng dugo niya ay tiyak mahuhulog ang panty ko sa lalim at ganda ng tinig niya.
" Beb, kumusta ang lakad mo?" bungad nyang tanong sa akin.
" Okay naman Beb, nga pala nakausap ko na si Efraim siya na daw bahala sa business permit and everything pero kailangan pala natin ng broker para sa importation natin", sabi ko sa kanya habang nakatuon pa din ang mata ko sa cellphone ko dahil kachat ko ngayon si Sheena.
" Sige, ako na bahala, may kakilala daw na broker yung friend ko pwede niya tayo irefer".
" Ah okay, that's good".
Saglit siyang natahimik sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya, nakita ko ang sinusupil niyang ngiti sa labi.
" Anong ngini-ngiti mo dyan bakla?", nakakunot noo kong tanong sa kanya.
Siniko niya ako at sumenyas sa kanyang tinitingnan sa pamamagitan ng pag-nguso, " Gaga ka talaga, kanina ka pa dito pero di mo man lang sinabi na may masarap na putahe pala na nakahain sa kabilang kubo", wika niya sa akin na tila ba uod na naasinan dahil sa pinipigil na kilig.