Lorraine POV:
Agad kong sinundan ng tingin ang direksyon ng kabilang kubo kung saan sinabi ni Roland na may masarap na putahe, ang pagkakaintindi ko naman ay gusto lamang niya ng pagkain ng nasa kabila kaya tinawag ko ang isang waiter.
" Yes my lovely boss, ano po ang maipaglilingkod ko", pabirong sabi ni Roy, isa siya sa waiter dito na madali kong nakagaanan ng loob dahil sadyang palabiro siya at masayahin ang personality. Siya din ang pinaka inaasahan dito sa restaurant dahil magaling din siyang makisama sa mga customers. Kaya naman kilala ko siya ay dahil kaibigan siya ng pinsan kong si Paul. Sa totoo lang ay lahat ng waiters at waitress dito ay kilala ko dahil mga kaibigan at malayong kamag anak ang iba sa kanila, kaya naman ang tawag sa akin ng mga mas bata ay ate, at kina Mamsi at Papsi naman ay Uncle at Auntie. " Roy, bigyan mo nga ng pagkain tong napakabait kong kaibigan at nagugutom na yata, pati ba naman yung pagkain sa kabilang kubo ay pinagdidiskitahan", natatawa ako habang sinasabi ko yun.
" Ay shunga! , wika ni Roland habang nakatingin sa akin
" What?, di ba gusto mo ng nasa kabilang table", tanong ko sa kanya
Tumingin ako kay Roy, " ano ba yung order nila yun na lang bigay mo dito", tumango naman agad si Roy pero pinigilan siyang paalisin ni Roland.
" Saglit lang, shunga tong boss mo eh, hindi naman yun ang ibig kong sabihin".
Napatingin ako sa kanya habang nakakunot noo, bumulong naman siya kay Roy at narinig ko na lang ang mahinang usapan nila, sapat lang na kaming tatlo ang makarinig.
" Ah yun ba, haha! kala ko naman kung ano na, si Sir Alex yan, bossing ng mga taga brokerage. Madalas sila dito lalo na kapag Friday night", iyon ang narinig ko kay Roy. Ang baklang kaibigan ko naman ay nangingiti matapos marinig iyon. May pinagbubulungan pa sila pero hindi ko na pinansin, wala ako sa mood ngayon dahil masakit ang paa ko at medyo inaantok din ako. Wala akong balak umuwi sa condo ko ngayon kaya dito ako matutulog sa bahay na pinagawa ni Papsi sa likod. May kwarto din kasi ako doon, actually malaki ang old house namin sa Sta. Ana, ito ang bahay talaga namin na minana pa ni Papsi sa kanyang mga magulang, pero nang nabili ni Papsi ang property na ito ay nagpagawa din siya ng isa pang bahay dito, tapos ay binilhan niya ako ng condo, kaya naisip ko kapag naghiwalay siguro silang dalawa ni Mamsi eh tig isa sila ng bahay. At ako naman sa condo ko. Nakakatawa, as if naman maghihiwalay sila.
" Beb, may sasabihin ako", si Roland
" ano yun?
" wag na nga, saka mo na lang malalaman"
" Ang arte mo talaga, bahala ka nga sa buhay mo, dyan ka na at inaantok ako"
Isinuot ko muli ang heels ko at tumayo, naglakad ako papunta sa gate kung saan may bakod na naghahati sa boundary ng restaurant at ng staff house. Hindi ko maiiwasan na mapadaan sa kubo kung saan naroon ang apat na lalaking customers. Kanina ay nakita ko na sila pero hindi ko maaninag ang mga hitsura nila dahil hindi naman ako interesado sa mga tao sa paligid ko. Napansin ko na lamang na may isang pares ng mata na nakasunod sa akin, pagtapat ko sa kubo nila ay hindi ko naiwasan na mapatingin sa lalaking palagay ko ay kanina pa ako sinusundan ng mata. Napasinghap ako palihim dahil nagtama ang aming mga mata. Hindi ko mawari kung anong emosyon ang meron doon dahil tila ba may pagka misteryoso ang anyo niya. Sa saglit na tingin ko sa kanya ay masasabi ko na gwapo siya, hindi lang basta gwapo, sobrang gwapo, yung tipong lalaking lalaki yung features ng mukha. Pwede nga syang pumasa bilang model o kaya artista.
Habang nagpapakasaya sila Mamsi at Papsi sa kanilang bakasyon ay ginampanan ko ang aking pangako sa kanila na ako ang bahala sa restaurant, anyway sa akin din naman ito mapupunta dahil ako lang naman ang anak nila. Kaya naman one week na ang nakakalipas at hindi na din ako nakakauwi sa condo ko. Si Roland naman ay nakakausap ko na lamang sa cellphone dahil busy kuno ito. Sa dalawang linggo kong pamamalagi sa resto ay halos madalas ko din nakikita ang gwapong lalaki na iyon. Tama nga si Roy na regular customers namin sila. Kung minsan nga ay iba ang mga kasama niya, pero ang mga waiters at waitresses namin ay todo alaga sa kanila, kung minsan nga ay binibiro ko sila na may favoritism sila dahil halos lahat sila ay nagseserve sa kubo kung saan madalas naka occupy ang grupo nila. Napag alaman ko naman na malaki pala magbigay ng tip ang gwapong lalaki na iyon.
Another week passed at nagparamdam na ulit ang kaibigan kong si Roland. Nakaupo ako sa isang kubo at kumakain ng dessert dahil kakatapos ko lang mananghalian. Nakita ko si Roland na naglalakad patungo sa gawi ko at may kasunod ito. Tuwang tuwa si bakla na tila ba nanalo sa lotto dahil sa lapad ng pagkakangiti nito. Sinipat ko ang lalaking kausap niya habang naglalakad papunta sa pwesto ko, nagulat ako ng makilala iyon, what the f**k! ang bilis talaga ng baklang to, nilandi agad ang customer namin. Hindi ako nagpahalata at tinuloy ko na lamang ang pag-scrol sa phone ko. " Hi Beb", masiglang bati niya, nginitian ko siya na may kasamang pang-aasar habang nakataas ang isang kilay ko. " Beb, I want you to meet someone, I know familiar ka na sa kanya", sabi ni Roland.
" Oh! I know right! new boylet mo Beb?, natatawang tanong ko.
" How I wish", bulong niya sa akin habang nakarinig ako ng pagtikhim.
" Alex I want you to meet my friend Lorraine, Beb this is Alex"
Nakipag shake hands ako kay Alex para naman hindi niya isipin na atribida ako at para mas professional ang aming pagkakakilala. Ako na ang unang nag-abot ng kamay dahil iyon naman talaga ang proper, ladies should be the first one to offer a handshake.
" Please to meet you Alex"
" My pleasure, Lorraine"
" You can call me Raine", I said
" Then call me your sunshine", pagbibiro niya, sabay marahang pinisil ang kamay ko. Napataas naman ang isang kilay ko,
" Nice try Mr. Sunshine", I said while grinning.
___________________
Alex POV:
Nakatanggap ako ng phone call mula sa isang kliyente namin, sinabi nito na may kakilala siya na nangangailangan ng importer, at dahil maganda naman ang serbisyo namin kaya't naisipan niyang irekomenda ang aming kompanya. Nagkita kami ng kliyente ko kasama ang kanyang kakilala sa restaurant sa City of Dreams. Madalas kasi itong nasa casino at kasama ang kanyang mga kliyente. Pagpasok ko pa lamang sa restaurant ay nakita ko na siya agad kasama ang isang pamilyar na lalaki. Tila naman nanibugho ang damdamin ko ng makita ko itong muli. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa lalaking iyon ng makita ko siyang bumeso sa magandang babaeng nakita ko sa restaurant. Masasabi ko kasi na nabihag talaga ako sa ganda ng babaeng iyon. At napag alaman ko na anak pala iyon ng may-ari ng Tambayan.
Lumakad ako palapit sa kanila at agad naman na sinalubong ako ni Mr. Suarez.
" Good to see you Alex", bati niya sa akin. Nasa early fifties na si Mr.Suarez at ng magsimula ako sa negosyong ito ay isa siya sa mga unang naging kliyente ko na nirefer ng tatay ni Lance.
" Kumusta po Mr. Suarez?"
" Oh, cut the formality hijo, just call me Tito David, para namang di mo kaibigan si Lance, inaanak ko iyon".
" No worries Tito David, ano palang atin?"
" I'd like you to meet Roland, he needs your company's service, Roland this is Alex, our broker for the longest time.
Nakipagkamay naman siya sa akin pero napansin ko na medyo lumambot ang expression nito ng makipag kamay sa akin. " Please to meet you Alex"
Hindi ako umimik pero tinitigan ko siya ng matiim. Umupo kami at nakipag kwentuhan muna tungkol sa produkto na balak nilang e-import. Nalaman ko na balak nilang magtayo ng winery shop at maging distributor ng mga alak. Matapos ang kalahating oras ay nagpasya na akong magpaalam sa kanila dahil may kikitain akong chix ngayong gabi. Matagal tagal na din akong walang exercise sa kama kaya't tinawagan ko si Hailey para makipagkita sa kanya. Sinabi ko kay Hailey na doon na lang din kami magkita sa COD para hindi na ako lalayo pa. Pagtayo ko ay nagpaalam na din si Roland kay Tito David kaya't halos sabay na kaming lumabas sa restaurant. Hindi pa ako nakakalayo ay nakita ko na may lalaking lumapit kay Roland, mukha itong estudyante sa ayos pa lang, nakita ko na agad na umakbay si Roland sa lalaki at maya-maya pa ay sabay silang pumasok sa elevator. Doon ko napagtanto na tama ang hinala ko kanina, may kalambutan itong taglay.