Chapter 6

1577 Words
Alexzander POV: Two days after namin mag-usap ni Roland ay tinawagan niya ako upang sabihin na gusto niya akong ipakilala sa kanyang business partner. Sinabihan niya din ako na magkita na lamang kami sa Tambayan dahil batid niya na regular customer na kami doon. Pumayag naman ako dahil pagkakataon ko na ulit iyon para makita ang dalagang anak ng may-ari ng Tambayan. Pagkalabas ko ng sasakyan ay saktong nakita ko din si Roland doon na pababa na din sa kanyang sasakyan na katabi lang din ng sasakyan ko. " Alex, ikaw pala yan", nakangiting wika niya. " Hey pare, kumusta?, sagot ko naman. Medyo umirap siya sa akin at pinalambot ang ekspresyon ng mukha, " hey, don't call me pare okay, nakikita mo naman na naka pink akong rubber shoes tapos tatawagin mo kong pare". Medyo natawa ako sa sinabi niya, oo nga pala di ko agad napansin ang ayos niya pero kumpirmado ko naman na. Alam ko naman na hindi lang mga babae ang naglalaway sa akin, pati mga Adan na naligaw ng landas ay talaga naman na napapahanga ko pero sorry na lang sila dahil purong barako ako at bulaklak lang ang dinadapuan ko. " Halika na sabay na tayo pumasok at baka hinihintay na tayo ni Virgin Mother" " Sure, you go first", pinauna ko na siyang pumasok. Sa pagpasok namin ay agad kaming sinalubong ng mga staff ng resto at bumati sa amin. Kilala na ako ng mga staff dito dahil weekly kami naririto ng mga empleyado ko. Medyo napahinto ako ng makita ko ang babaeng kanina lamang ay iniisip ko at hinahangad na sana'y makita kong muli. Siya pala ang kasosyo na sinsabi ni Roland. Napaka ganda talaga niya, pero sa kabila ng kanyang sweet and innocent looks ay nakatago ang tila palaban na personalidad. Lalo na ng magsalita siya, she may look like an angel but, Damn this woman, her voice signifies a strong and powerful personality. At sa unang pagkakataon ay tila mas lalong lumakas ang kuryosidad ko sa babaeng ito. At ang pinaka nakakuha ng atensyon ko ay ang kanyang ekspresyon ng pisilin ko ang kanyang kamay habang nakikipag shake hands sa akin. Para bang wala siyang interes sa kagwapuhan ko, sa unang pagkakataon ay may babaeng hindi nagpakita ng pagkagusto sa akin. " Nice try Mr.Sunshine", nakangisi pa ito na para bang nang-iinsulto ng bahagya kong pisilin ang kamay niya. Napaisip tuloy ako, baka naman nagpapakipot lang ito. I know this kind of women, kung gusto niyang makipaglaro sasabayan ko siya, let's see kung hanggang kailan ka tatagal, wala pang babae ang humindi sa akin. Inanyayahan niya kaming maupo, si Roland ay sa tapat niya pumuwesto pero ako ay sadyang tumabi sa kanya. I prefer to maintain a distance kahit na gusto ko na syang halikan, baka mabigla kaya dahan-dahan lang. She offered something to drink before we start our conversation. Tinawag niya ang waiter at kinuha ang order namin. " Brewed coffee for me", sabi ko " Ako cappucino kung meron", si Roland " okay, make it two brewed coffee and cappucino please, wika ni Raine sa waiter. Habang naghihintay sa kape ay may mga napag usapan na kami tungkol sa negosyo na gusto nilang itayo. I was amazed by the way she talks, she exudes confidence and professionalism but at the same time I can see her playful side, Ibang-iba talaga ang babaeng ito. Makalipas ang ilang sandali ay dumating na ang kape namin, ako na sana ang maglalagay ng asukal pero naunahan ako ni Raine. " Let me do this, then tell me if nagustuhan mo ang timpla ko", wika niya habang nakahawak na sa asukal at creamer. " Do you prefer black or with creame?", tanong niya habang nakatingin sa akin. Nginitian ko naman siya bago ako sumagot, " whatever, basta ikaw ang magtimpla iinumin ko". " Talaga?, kahit lason? " Makakaya mo bang lasunin ang katulad ko?, tanong ko sa kanya habang pinalitaw ko ang aking nakakaakit na ngiti. Tumingin siya sa akin at saka napakagat labi na ngumiti, shet! ako ang nang-aakit pero bakit ako pa yata ang naaakit ngayon, wrong move!. " Hindi naman ako ganoon kasama para lasunin ka dito, hindi ko isasakripisyo ang pangalan ng Tambayan", ngumiti siya ulit bago nagpatuloy magsalita, " sa ibang lugar ko na lang siguro gagawin, yung walang nakakaalam". Pagkasabi niyon ay sinabayan pa ng malakas na tawa, pero nabighani pa akong lalo sa kanya. Tangina! Alexzander Garchitorena ano na?, wika ko sa sarili. " Here, take a sip then tell me if you like it", she move the coffee towards me after adding sugar and creamer. I tasted it and it really captivates my palate. Kuhang kuha niya ang gusto kong timpla. Tumingin ako sa kanya at saka ngumiti, " this is the best coffee i've ever tasted" " So, are you saying that we have the same taste?, tanong niya. " I really think so Raine". _____________________ Lorraine POV: Napansin ko agad ang kalandiang taglay ng lalaking si Alex Garchitorena, pero hindi ko rin naman maitatanggi na sobrang gwapo nito. I really admire his physical appearance, lalo na ng ipakilala siya ni Roland sa akin kung saan nakita ko siya ng malapitan. Ang haba pala ng pilik mata nito, at ang brown eyes na natural na mapungay, hindi siya maputi at hindi rin naman maitim, ang ganda rin nga pala ng labi niya, parang ang sarap kagatin, at ang kilay niya na makapal na lalong nagdagdag ng appeal sa kanya. At naalala ko pala yung sinabi ni Sheena na kapag daw makapal ang kilay ay malibog, ay naku naman! ano ba tong pinagsasabi ko, nagiging manyak na yata ako. Sa pag-uusap namin kasama si Roland ay napansin ko na mukhang magaling itong negosyante, pero sadyang may pagka malandi talaga. Siguro dahil alam niya sa sarili na gwapo siya, at mukhang sa tingin ko ay hindi nababakante ng babae ang katulad nya. Hay naku! basta ako gusto kong maging boyfriend ay gwapo pero mabait. Kaya yung si Alex na iyon never kong magustuhan, itsura pa lang mukha ng palikero. Matapos namin mag-usap ay madalas na siyang nasa resto, minsan ay nag-iinuman sila sa kubo pero mas madalas na nagpupustahan sila sa bilyaran pagkatapos ng opisina. Meron kasing dalawang billiard table sa kabilang part kung saan naroon ang bar counter. Mas madalas ay grupo nila ang nag-ookupa niyon. Ewan ko ba pero puno talaga ng pagka misteryoso ang lalaking si Alex, hindi kasi siya palasalita at mahinahon lamang kung makipag-usap. Kung titingnan nga ay mukha siyang gentleman talaga. Napapansin ko din na madalas ay nakatingin siya sa direksyon ko kapag di kami magkausap. Madalang lang naman kami mag-usap dahil nakikita niya na abala ako sa restaurant palagi, lalo na at madami akong gustong idagdag dito para lalo pang dumami ang customers. A week ago nga pala ay nagpunta ang mga pinsan ko at sinabi nila na pwede kami maglagay ng live band every Friday and Saturday para mas maging lively ang paligid. Naisip ko na maganda ngang suggestion iyon kaya sinabi kong maghanap kami ng banda. Flashback.... " Raine, lagyan natin ng live band dito para naman magkaroon ng buhay tong resto niyo", si Paul " Bakit  Kuya Paul,  patay ba?, sa pagkakaalam ko kasi puso mo lang ang patay ngayon", si Joy yun habang patay malisya sa sinabi niya. " Hoy ikaw Joy huh, pag usapan ng matatanda wag kang sasabat", si Paul " kuya, bente anyos na ko, di nako bata". " ah ganun ba?, yung height mo kasi pang elementary kaya akala ko bata yung nagsalita". " ang yabang mo kuya Paul tatangkad pa ako, hanggang twenty  five years old" " wag ka ng umasa Joy, bakit kasi di ka kumain ng star margarine nung bata ka" " kumain ako nun wag kang ano, nasobrahan lang ako sa bahaw kaya ako nabansot, pero ayos lang maganda naman ako". Umirap pa muna siya kay Paul bago tumalikod at dumirecho sa counter. Pagkapasok naman niya ay saktong dumating sila Fritz, Darren at Troy. " Hey, kumusta ang negosyo insan?" " Doing good, anong ginagawa nyo dito? " syempre ililibre mo kami", si Troy " sige mag-waiter kayo para may balik naman yung panglilibre ko sa inyo" " no problem insan, yun lang pala eh, basta sky's the limit  ha", si Darren " yun lang pala eh, sky's the limit up to one hundred pesos", sagot ko. " tae, kahit kelan kuripot ka talaga Raine" " hoy, kung kuripot ako anong tawag niyo kay Michelle? "  Sino yun?, kamag anak ba natin yun?, natatawang tanong ni Darren. " Gago pag narinig ka nun yari ka, hindi ka nun ilalakad sa kaibigan niya", si Paul. Pagkasabi ni Paul niyon ay sakto naman na dumating ang pinsan naming  magkapatid na sina Michelle at Mariz. "Hey, ano to family reunion?bakit nagtawag pa kayo?, sabi ko " Raine, sabi kasi ni Darren ililibre mo daw kami", wika ni Mariz " Ililibre daw kayo ni Darren kapalit ng pagtulay ni Mich sa kaibigan niya para kay Darren", sagot ko " oy insan wala akong sinabi ah!", mariin na tanggi ni Darren " Ah oo nga pala sabi mo kanina mas kuripot si Mich kesa sa akin". Sabay-sabay naman na nagtawanan ang mga hinayupak habang inaasar sina Darren at Michelle. "Walang laglagan, tangina naman oh" " Gago, ikaw pa talaga nagsabi niyan Darren, sige dahil dyan sasabihin ko kay Daphne wag makipag usap sayo", si Mich habang tinatawanan si Darren.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD