Chapter 7

1335 Words
Alexzander POV: Matapos ang pag-uusap namin nina Lorraine at Roland ay napadalas ang pagpunta namin sa restaurant nila dahil ang mga tauhan ko ay nawili sa pustahan sa billiard. Natutuwa naman ako dahil palagi kong nakikita si Raine, hindi ko alam kung gusto ko na ba talaga siya o baka naman nacha-challenge lang ako dahil hindi ko nababakas sa kanya ang karaniwang reaksyon ng mga kababaihan tuwing nakikita ako. Sa tuwing naroon ako ay minsan nag-uusap kami pero saglit lang dahil alam ko naman na abala siya. Naaaliw din akong kausap siya dahil likas talaga ang pagiging astigin nya pero hindi pa din nawawala ang playful side. Minsan nga ay narinig ko pa siya habang nakikipag usap, ang sabi ni Roy ay mga pinsan daw niya ang mga iyon. Nakilala ko din ang mga lalaking pinsan niya dahil minsan na silang nakipag pustahan kay Macoy, ang isa sa mga tauhan ko na magaling sa billiard. Nakakwentuhan ko din ang mga ito dahil napag alaman ko na kasosyo pala ni Lance sa kanyang bagong tayo na IT company ang isa sa mga pinsan nito na si Fritz. Nasa kabilang kubo lang kami ni Mike at Aaron kaya naririnig namin lahat ng pinag-uusapan nila. Buong akala ng magpipinsan ay busy kami sa ginagawa namin dahil may mga papeles na hawak si Mike na pinipirmahan ko. Ito yung mga papeles galing sa kompanya ni Dad, isa kasi ako sa kailangan na pumirma sa mga dokumento kapag wala siya. Sa kasalukuyan kasi ay nasa ibang bansa sila ni Mom dahil sa isang Asian Cruise Tour. Flashback two weeks ago... Raine:  Girlie paki timplahan naman ako ng kape please. Si Girlie ay isa sa mga staff ng restaurant. Girlie:  Anong kape po Ate?, gusto mo ba ng cappucino o machiato? Raine: yung brewed coffee na lang, mas gusto ko yung matapang, yung kaya akong ipaglaban. Paul:  May hugot ka insan? Raine:  Wala, sabi ko mag-aasawa na ako Fritz: Maghanap ka muna ng boypren bago ka mag-asawa Raine: ah, kailangan pa ba ng boyfriend? pwede ba ituro ko na lang kung sino yung gusto kong maging jowa tapos sa susunod na araw mag-aasawa na ako? Paul: Pwede naman, pero siguraduhin mo lang na papasa yan kay Uncle ha, puta! baka makita pa lang niyan kung paano tumingin tatay mo umurong na ang bayag. Pagkasabi nun ni Paul ay nagkatawanan sila. Raine: Kaya nga dapat yung jojowain ko matapang, yung kayang makipag tagisan kay Mang Tony. Ang tinutukoy pala niya na Mang Tony ay ang ama na si Retired Colonel Antonio Rodriguez ng Philippine Army. Kaya pala ng minsan ko itong makita sa restaurant ay matikas pa ito at tipong babalatan ka talaga ng hilaw dahil sa klase ng pagtingin nito sa mga tao, paano pa kaya kung sa manliligaw ng nag-iisang anak niya na babae pa naman. Present Time: " Boss Lex, narinig ko ang tawag ni Mike sa akin na siyang nagpabalik sa aking ulirat. " Ano yun Mike?" " Kailangan mo pala pumunta sa opisina ng Dad mo, may meeting ang Board bukas at ikaw daw ang dapat na naroon sabi ng kuya mo", mahabang turan niya. Nakalimutan ko nga pala na may meeting bukas, ayoko pumunta doon kaya papakiusapan ko si Kuya na siya na lamang ang umattend, tutal siya naman ang namamahala doon lalo ba ngayon na nasa ibang bansa sila Dad. Nag-dial ako ng number at matapos ang tatlong ring ay may sumagot, " Hello bro, napatawag ka?, si Kuya Albert " Kuya, hindi ako makakapunta sa meeting bukas", bungad ko sa kanya. " Sorry but that is not possible my brother", may katigasang sagot niya. " Kuya, may sarili akong kompanya at kailangan ako dito". " Look Bro, sa ayaw at sa gusto mo ikaw lang ang susunod na mamahala ng kompanya natin, kaya dapat ngayon pa lang tanggapin mo na ang kung anong responsibilidad na ipinapatong sa'yo ni Dad". Napabuntong hininga ako sa sinabi ni kuya, alam ko naman na wala akong pagpipilian kaya oras na siguro na tanggapin ko na ang kapalaran ko. Kinabukasan ay maaga akong nagpunta sa opisina ni Dad, nasalubong ko ang mga empleyado ng kompanya at hindi maitago ang paghanga sa akin ng mga kababaihan. Hindi nila ako kilala bilang anak ni Dad dahil bihira ako magpunta dito at si kuya Albert lang ang kilala nilang anak ni Dad, ang mga agam-agam ng mga tao tungkol sa bunsong anak na si Zander Garchitorena ay hanggang ngayo'y wala pa ding mukha sa kanilang isipan bukod tangi lamang kay Aaron na siyang executive secretary ni Dad. Pagpasok ko sa Board Room ay narinig ko ang pagsinghap ng mga taong naroroon. Hindi lingid sa kaalaman ng mga member ng Board kung sino ako dahil alam nila na isa ako sa pumipirma sa mga importanteng papeles ng kompanya. The meeting went well and I saw the genuine happiness on the face of all the members of the Board. Sino ba naman ang hindi matutuwa kung halos umabot ng almost one hundred fifty percent ang total gain ng kompanya sa loob ng isang taon. Palabas na sana ako ng Board room ng biglang lumapit sa akin si Mr. Santos. Isa siya sa malaking investor ng kompanya. " Mr. Garchitorena, congratulations to you, you seem to be very good in business, at naniniwala ako na nasa mabuting kamay ang kompanya kung sakali man na maisipan na ng iyong ama na magretiro", turan niya. " Don't mention it Mr.Santos, we all have our part in the company's success" " Yes hijo, definitely, by the way let's cut the formality, after all you're Dad and I are very good friends, just call me Tito Jaime" " Sure Tito", sagot ko naman sa kanya. Naglalakad na kami sa hallway at sabay na lumabas ng board room. May biglang sumalubong kay Tito Jaime na isang magandang babae, matangkad, maputi at sexy kung manamit. Humalik siya sa pisngi ng matanda at sabay ngumiti sa akin ng nakakaakit. " Cindy anak, what are you doing here?" Anak pala ito ni Mr. Santos, sabagay may hawig sila, mestisong Kastila kasi ang mga Santos na kaibigan ni Dad sa pagkakaalam ko lang naman. " I was about to leave Dad kasi akala ko matatagalan ka pa sa meeting, gusto ko sana mag-lunch tayo together". Nakangiti itong nakatingin sa akin habang sumasagot sa ama. Samantala bumaling muli sa akin si Mr. Santos at ipinakilala ang kanyang anak. " By the way Hijo, I'd like you to meet my daughter Cindy, Cindy this is Alexzander Garchitorena, He's the incoming Boss of this company. Agad naman lumapit ang babae sa akin at naglahad ng kamay. " It's so nice meeting you Mr. Garchitorena", nakangiting sabi niya. " Please to meet you Cindy, I'm Alex by the way". Parang napako ang paningin ni Cindy sa akin " Would you like to join us for lunch Alex?", si Cindy " Actually I have another meeting to attend Tito, maybe some other time". " Sure, sure, no problem" " See you around Alex", sabi naman ni Cindy. " See you around Cindy". Nagdahilan lang ako dahil ayokong magtagal doon, isa pa ay kailangan ko din puntahan ang aking kompanya. Sa totoo lang ay magagaling ang mga tauhan ko at hindi ko na kailangan pa na laging naroon sa opisina. Mayroon naman kasi akong taga pirma sa mga transakyon. Bukod kasi sa akin ay may tauhan din akong license broker na siyang pumipirma sa ibang transaksyon. Kinabukasan ay tumawag sa akin si Dad mula sa Barcelona. Dumalaw pala sila sa mga kamag-anak namin sa Spain matapos ang kanilang Asian tour. Mukhang unti-unti na talaga akong sinasanay ni Dad sa kompanya dahil sa sunod-sunod ang kanilang bakasyon ni Mom. Matulin na lumipas ang isang buwan at naging mas abala ako sa dalawang kompanya na hawak ko. Si Kuya naman ay dalawang linggo na kailangan sa New York dahil sa bagong project na nakuha ng kompanya niya doon. Kaya naman halos wala na akong sapat na pahinga dahil sa aking mga obligasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD