Chapter 8

1658 Words
Lorraine POV: Matapos ang isang buwan at kalahati ay muling nagpakita sina Mamsi at Papsi sa akin, yung akala ko kasi na two weeks na bakasyon nila ay umabot ng isa at kalahating buwan. Okay lang naman sa akin iyon dahil gusto ko talaga na mag-enjoy sila. Yun nga lang ay malapit na magbukas ang aming winery shop ni Roland kaya naman kailangan ko na din maging hands on sa shop. Isang araw ay nasa kubo kami ni Roland kasama ang magugulong pinsan ko. " Beb, kelan ang balik nina Tito at Tita? " Nakabalik na sila Beb, pero doon muna sila dumirecho sa Sta. Ana kasi daw eh nami-miss na ni Mamsi yung bahay doon". " Grabe Raine, ngayon lang yata nakapag bakasyon sina Uncle na ganun katagal ah", si Mariz " Oo nga eh, malay mo makahabol pa si Papsi magkaroon pa ko ng kapatid", sabay halakhak ko na sinabayan din nila. " Tangna insan, parang anak mo na yun pag nagkataon", wika naman ni Paul. " Tanga, asa kayo di na mabubuntis si Auntie, fifty years old na yun no", si Michelle. " Anong hindi, basta nireregla pa pwede pa magbuntis, malay nyo naman di pa menopause si Auntie", sulsol naman ni Joan. Napa-isip naman ako, ang alam ko kasi ay nagme-mens pa nga si Mamsi. " s**t!, malakas kong naibulalas " oh bakit? tanong ni Roland, tila nag-aalalang tingin naman nila sa akin. " Nagmemens pa si Mamsi! ay naku! por Diyos por Santo equals walo", naibulalas ko. Sabay sabay naman silang nagtawanan. " Yari ka pinsan, may ipaghehele ka na ng duyan nine months from now", si Fritz yun habang nakahawak sa tyan na tawang tawa. " Ano ba namang buhay to oh! sana ako na lang nabuntis, ihanap nyo nga ako ng bubuntis sa akin", malakas kong sabi na pati yung mga tao sa kabilang kubo ay nakatingin na sa akin. " Raine sigurado ka ba?, may kakilala ako sigurado maganda ang lahi nun", si Paul " Sige Paul sabihan mo na agad, basta Raine pag nabuo sa akin yung may batik batik huh", si Fritz " Ako pwede na yung makapal ang balahibo", si Michelle " Mga hayup kayo ano yun cross-breed? Sabay-sabay silang nagtawanan. " Hindi nga insan, gusto mo na ba magkaanak? " Eh kung di naman ako magkakajowa eh di magpapaanak na lang ako, at least may anak na ko". " Seryoso ka?", si Mariz " Mukha ba akong nagbibiro?, hoy Beb!", tawag ko kay Roland. " Tawagan mo nga yung friend mong Half Spanish, sabihan mo kailangan ko yung sperm cell niya, gusto ko ng tisoy na anak". " So gusto mo pala ng Spanish Breed huh!, sabi ni Joan. " Oh, ayan Spanish bread", si Paul na inabot yung isang balot ng tinapay. " Anong gagawin ko dito, mabubuntis ba ako pag kinain ko to? " Pag praktisan mo daw muna yan kainin sabi ni Paul, pag nakain mo daw yan ng maayos baka sakaling mabuntis ka", sabi ni Roland. " Anong konek ng pagkain ko neto Bakla? " Basta, malalaman mo din yun pag nakatikim ka na". Tinitigan ko ng matagal ang Spanish bread at saka ako tumingin sa kanila na ang mga mukha ay parang mga natatawa. Sa isang buwan na nakalipas ay hindi ko masyadong nakikita dito si Alex sa resto, maging ang kanyang mga alipores ay wala din. Nakakapagtaka lang na medyo nami-miss ko siya, medyo lang naman. Nagtuloy tuloy ang kulitan namin ng mga pinsan ko hanggang sa maisipan ni Fritz na subukan ulit naming tumugtog. Naka set up na kasi ang mga kagamitan ng banda sa mini stage ng resto para sa first ever acoustic night. Ngayong gabi kasi mag-uumpisa ang live band na konsepto namin dito sa resto/bar at night. May inimbitahan din kaming mga kaibigan para mas madaming tao sa unang gabi ng pagtugtog ng banda. Alas sais pa lamang ng gabi at medyo naiinip na kami dahil wala na kaming mapag usapan pa ng mga pinsan ko. Hanggang sa nag suggest nga si Fritz na kami muna ang tumugtog. Noong high school kasi ay nag-aral kaming magpipinsan ng mga instrumento, at ng mag umpisa na kami sa college ay naging libangan namin iyon, minsan nga ay tumutugtog kami sa bar ng kaibigan ni Kuya Ian. " Tara na guys!, practice lang to wag natin seryosohin", sabi ni Fritz. At dahil wala na nga magawa kaya napilitan kami. Si Fritz sa drums, si Paul at Joan sa guitar, at sakto pumasok si Troy kaya hinila siya ni Mariz sa keyboard. " Ano to?, maang maangan na tanong ni Troy dahil bigla siyang pinaupo ni Mariz doon. " Tanga, pindutin mo para tumunog", si Mariz " Aaah! pinipindot pala to", si Troy " Gago mukha kang tanga bagay sayo", si Mich habang tawa ng tawa na nakatingin sa hitsura ni Troy na sa pakiwari ay tila mongoloid na ngayon lang nakakita ng keyboard. Tumingin naman sila lahat sa akin na nakaupo pa din sa kubo habang pinagmamasdan ko silang kinakapa at tumitipa na sa mga instrumento. " Oh ano Raine, tulaley ka?", si Fritz " Eh ang tagal nyo kaya, pipindot lang at kakapa kung anu-ano pang arte niyo" " Syempre matagal na kaya akong di nakakapindot", si Troy habang iniisa isa ang keyboard. " Gago, iba kasi ang pinipindot mo, akala mo di ko alam ha, best friend ko kaya si Madz", si Joan na binato pa ng bote ng mineral water na walang laman si Troy. Natawa naman kami sa reaction niya, " Huli pero di kulong", sagot niya. Nakita ko naman si Paul na kinakapa pa ang gitara at paisa-isang tumitipa. " Ano Paul, kaya ngayon?", hindi yan hita ng ex mo ha!", si Fritz naman habang malaki ang ngisi. " Tado, naka move on nako, dami na nga ulit nakapila sa akin eh, sayang naman ng kagwapuhan ko", sagot naman niya. Nang makaupo na ako sa harap ng mikropono ay sakto naman na bumukas ang pinto ng resto at nakita ko na pumasok ang isang grupo, siguro ay nasa anim sila lahat, nagpatuloy lang ako sa pag scroll ng tablet na kodigo namin kaya't di ko sila tiningnan. Nang mag-umpisa na si Fritz ay di ko alam kung anong kakantahin ko, hanggang sa nagtawanan na kami dahil kung anu-ano na lang naiisip namin, nagmukha tuloy mash up yung tutugtugin nila. " Ano Raine?, kakanta ka ba o kakanta ka?, tanong ni Troy. " Eto na nga oh, nagmamdali ka ba, may pupuntahan ka?, narinig ko naman ang tawanan sa may bandang kubo pero di ko na sila tiningnan dahil alam ko naman na sina Roland, Michelle, Mariz at ang kaibigan ni Mariz na si Abby. Nalaman ko mula kay Mariz na crush ni Abby si Paul kaya naisip ko na tuksuhin ang dalawa. " First song para kay Abby, ano sa palagay mo Paul?, pang-aasar ko sa pinsan ko. " Hindi ako mapalagay", sagot naman niya, habang si Abby naman ay kitang kita ko na namumula ang pisngi. " Bakit ikaw ang nagsabi, dapat ako di ba?,tumingin siya sa direksyon ni Abby at saka nagsalita, " Abby, para sayo to, sana magustuhan mo". Tila naman kinikilig si Abby ng makita ko pero mas lalong namula ang pisngi dahil sa hiya. " Maka-dedicate ka kala mo naman ikaw kakanta", sabi ko. " Ako ang tutugtog kaya wag ka na magreklamo". Unang kanta na isinalang namin ay ang kanta na " Hinahanap hanap kita" Tumingin ako kay Abby habang kinakanta ang unang stanza... Adik sa'yo, awit sa akin Bilang sawa na saking mga kwentong marathon Tungkol sayo at sa ligayang iyong hatid Sa aking buhay tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw... Sa di sinasadya ay napatingin ako sa kabilang kubo at nagulat ako ng makita ko ang isang pares ng mapupungay na mata na nakatitig sa akin. Nilabanan ko ang mga titig niya hanggang sa kusang napapikit ako para damhin ang liriko ng kanta. Sa umaga't, sa gabi, sa bawat minutong lumilipas Hinahanap hanap kita Hinahanap hanap kita Sa isip at paniginip, bawat pagpihit ng tadhana Hinahanap hanap kita Hinahanap hanap kita Sa unang pagkakataon ay naramdaman ko ang labis na kabog ng aking dibdib, isang tao lang ang nakatitig sa akin pero bakit ako kinakabahan, hindi ko naman ito nararamdaman dati, at kanina bago ako magsimulang kumanta ay ayos naman ako pero bakit ng makita ko siya ay parang lalabas ang puso ko sa ribcage dahil sa sobrang bilis ng t***k nito. Sabik sayo kahit maghapon na tayong magkasama Parang telesine Ang ating ending, hatid sa bahay nyo Sabay goodnight, sabay may kiss, sabay bye-bye... Mabuti na lamang at muling nabaling kay Paul at Abby ang kantyawan ng mga pinsan ko kaya naman si Fritz na todo mang-asar ang siyang nagbasa ng narration. Natatawa kami sa mga pinagsasabi ni Fritz kahit naman alam na namin na parte iyon ng kanta, halata naman kasi na tinutukso niya sina Paul at Abby. (Pilit ko man ika'y limutin Lagi kong natatagpuan, Ang iyong tinig at awitin Tuwing sasapit ang ulan Pati lupang pinagsamahan Mukha yatang nilimot na Ang puso biglang lumisan At may kapiling ng iba) Nabawasan ang kaba ko dahil sa ginawang iyon ni Fritz kaya naman mas lalo akong ginanahan at muli ay kusang lumabas ang confidence ko sa pagkanta at tinodo ko na ang performance ko na tila ba concert ko talaga iyon. Sa school, sa flag ceremony Hanggang uwian araw-araw Hinahanap hanap kita Hahanap hanapin ka At kahit pa magkaanak kayo't magkatuluyan balang araw Hahanap hanapin ka Hahanap hanapin ka Nang matapos ang kanta ay narinig ko ang palakpakan ng mga tao, hindi ko na namalayan na medyo dumami na pala ang mga customers namin. Pagbaling ko sa direksyon ng kubo ay muling nagtama ang aming mga mata, hindi ko alam kung ano ba ang ibig sabihin ng kanyang mga tingin, pero sigurado ako sa isang bagay na nakikita ko dito ay ang paghanga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD