Chapter 9

1951 Words
Lorraine POV: Matapos ang unang kanta ay sinundan pa namin iyon ng ibang upbeat na OPM songs. Hindi ko inaasahan na may mga customers na mag-rerequest sa amin. Medyo madami na rin ang tao dahil Byernes ng gabi. Habang nagkukulitan kami ng mga pinsan ko ay isang papel na nakatupi ang iniabot sa akin ni Roy at sinabing basahin ko ang nakasulat doon. Agad ko naman iyon binuksan at tumambad ang magandang sulat kamay, " There is this woman whom I truly admired and it's been a month since I last saw her, please dedicate a song " Officially missing you" Pagkabasa ko ng sulat ay agad na tumipa ng key si Fritz, madalas namin itong tinutugtog noon kaya't gamay na namin ang kantang iyon. " So guys alam nyo na, this song is dedicated to the woman whom he misses a lot, Mr. whoever you are, sana magustuhan mo din"., mahabang anas ko habang nag-uumpisa ng tumugtog. Pagkatapos ng kantang iyon ay agad na sinundan ito ng " can't take my eyes off you". Nasa 80's and 90's ang vibe ngayon dahil nakikita namin na Gen X ang karamihan sa aming mga naroon na customers. Tuwang-tuwa naman sila lalo na ng sunod-sunod ang 90's love songs na aming tinugtog. Matapos ang walong kanta ay pinasya muna namin na magpahinga at ipinasa na namin ang trono sa totoong banda na syang nakatoka na tutugtog ngayong gabi. Dumirecho kami sa kubo kung saan naroon ang mga kaibigan namin. Inokupa nila ang pinaka malaking kubo na malapit sa inookupa nila Alex. Nang makalapit ako ay bumeso muna sa akin ang mga kaibigan ko, pagbaling ko ng tingin sa bandang kanan ay nakita na nakatingin sa akin si Alex habang kausap naman si Roland. Kumaway lang ako sa kanya at ngumiti dahil na-corner ako ng mga kaibigan ko, sya naman ay tumango at ngumiti din. Nang makaupo na ang mga kaibigan namin ay nakita kong palapit sa akin si Roland at Alex na nagtatawanan. Tumayo ako at sinalubong sila, " Beb, masyadong busy?, bungad ni Roland sa akin. " Yes Beb, punong- abala ako di mo ba nakikita?" " Well kanina pa kasi kita binibenta kay Fafa Alex", sabay tingin nito kay Alex na nakangiti na sa akin. " Hi Raine, how are you? ", si Alex " Nice to see you again Alex", wika ko. " Wag ka nga pala naniniwala dyan kay Helga, scammer yan eh", nangunot naman ang noo niya sa sinabi ko. " Who is Helga?, tanong niya " eh di sino pa yan oh", tinuro ko si Roland. " Yan si Rolando Gayena the third, kaso naputol na ang legacy ng pamilya niya sa kanya dahil tuwing gabi sya ay si Helga". Bahagyang natawa naman si Alex sa sinabi ko. " Don't worry wala naman siyang sinabing masama, actually bentang benta nga eh", sabi ni Alex Iginiya ko sila sa isang bakanteng kubo para doon kaming tatlo makapag usap. "Kelan nga pala ang opening ng shop nyo", tanong ni Alex "Next week, Wednesday, wag kang mawawala ha", sabi ko. " Sure, basta ikaw", kumindat siya habang nakangiti sabay kagat sa pang ibabang labi. Talagang malandi ang hinayupak! Pero wala talaga akong makitang pangit sa lalaking ito, lahat ng anggulo maganda, parang gusto ko magpa manyak sa kanya. Shet! ano ba tong naiisip ko, wake up Lorraine! " Baka gusto nyo akong isali sa usapan niyo", sikmat ni Roland. Inikutan ko siya ng mata at saka nagsalita, " selos ka naman agad". Natawa siya at saka lumapit sa akin, " sayo na si fafa Alex Beb, mukhang type ka eh!". Lalo ko naman siyang inirapan at nagulat ako ng magsalita si Alex sa tabi ko, actually lumapit siya sa may tenga ko dahil medyo malakas ang sound kaya umusog pa siya ng mas malapit, medyo nakiliti ako sa ginawa niya dahil naramdaman ko ang init ng kanyang hininga. " I love your beautiful voice Raine". Ouch! voice ko lang, sana buong ako na lang ang love mo, char! " Thanks, I'll take that as a compliment Alex, nakangiting wika ko. Nagkatitigan pa kami ng ilang segundo at ang mga mukha namin ay halos ilang pulgada lamang ang layo kaya't naamoy ko ang mabangong hininga niya, halo ang amoy ng alak at mint, at maging ang kanyang musculine scent ay naamoy ko. Parang ang sarap niyang humalik, ay shuta talaga! nababaliw na yata ako, pero hindi ko yun pinahalata kaya agad din akong nagbawi ng tingin at tumalikod sa kanya. Para mapalitan ang awkwardness kanina ay muli akong bumaling sa kanya, " Sya nga pala thank you for your help, napadali yung kargamento sa customs" " No worries, basta legal, malinis at maayos ang transaction wala tayong dapat ikabahala dyan, I'll always have your back". Napatango naman ako sa sinabi niya. Ilang saglit pa ay nagpaalam na ako at bumalik na din si Alex sa mga kasama niya. Ako naman at si Roland ay umupo kasama ng mga kaibigan namin sa kabilang kubo. Nang matapos sa pagtugtog ang banda ay pinalitan iyon ng acoustic sounds dahil lumalalim na rin ang gabi. Ang mga kaibigan namin ang syang tanging maingay sa kubo, ilang saglit ko muna silang iniwan dahil may ibinilin ako kay Joy, uuwi kasi ako sa condo ko ngayong gabi. Nakita ko na magka usap sina Alex at Paul, hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila pero sa hinuha ko ay tungkol iyon sa negosyo. Maya-maya ay nakita ko na lumapit na din si Fritz at binigyan pa ng beer in can si Alex. Napansin ko na yung mga kasama niya ay nasa bilyaran na pala at siya na lamang at ang isang lalaki na sa pagkakatanda ko ay si Mike ang syang nakaupo sa kubo. Nang matapos kong maibilin kay Joy ang lahat ay bumalik ako sa mga kaibigan ko. Sa di inaasahan ay ako ang napag balingan nila ng biruan. " Raine, wala ka pa ding kupas, magaling ka pa din kumanta, iba ka!", si Jena yun na medyo may tama na. Ang mga kaibigan naming magpipinsan ay halos magkakakilala din dahil sa madalas kaming magkakasama dati. "Raine may sinasabi pala tungkol sayo si Edmond kanina", sumbong ni Annie " Ano na naman yun Edmond?", tanong ko. Tila nabilaukan naman ito ng tanungin ko. " Raine wala, wag kang maniwala kay Anne", samantala sumingit naman sa usapan si Mikoy. "Wag kang sinungaling tol, sabihin mo na yung tinatanong mo kanina".Nagtatawanan na sila kaya mas lalo akong napaisip kung ano kaya ang sinasabi nila. " Ano nga?, sasabihin nyo ba o ihahagis ko kayo palabas", sabi ko. Si Troy naman ay inakbayan ako saka pinaupo sa upuan na nasa pagitan ng dalawang kubo, umupo din siya doon sa tabi ko at binigyan ako ng beer in can pero agad akong tumanggi dahil magda-drive ako pauwi sa condo. " Wag kang high blood insan, bumubwelo pa si Edmond bago itanong sayo". Sina Paul at Fritz naman na nasa kabilang kubo ay nakuha na din ang atensyon namin, " Ano nga ba yung tanong, parang gusto ko din malaman", si Paul yun. " Oh paano ba yan, dumadami na tuloy yung na-curious sa tanong mo tol", " Mga sira ulo kayo, joke lang nga yun sineryoso nyo naman masyado" " sige na itanong mo na para malaman natin kung anong isasagot sayo ng pinsan ko", si Mariz " Ako na nga magsasabi", si Travis na isa ding makulit pag lasing. " Raine! " Oh! ano? " Sabi kasi ni Edmond...bakit daw ganun? " Anong ganun? " Kasi daw...maganda ka, matalino, talented, pero walang jowa". " Gago! , tanging nasambit ko bilang sagot na siya namang ikinatawa nilang lahat. Sa totoo lang ay hindi naman ako na-oofend kapag binibiro ako ng ganoon, tinatawanan ko na nga lang sila at sinasabayan sa mga kalokohan nila. " Oh ayan ha! narinig nyo na ang sagot ni Lorraine, isang malutong na Gago! Muli silang nagtawanan sa sinabi ni Michelle. " Bakit ba kasi ayaw mo pang mag boyfriend insan?, tanong sa akin ni Fritz na nasa kubo nakaupo malapit kay Alex. " Alangan ako manligaw?, ano sinuswerte sila, over my dead, sexy body! " wala kang suitor? that's imposible! " Wala nga! " Hoy Beb! wag kang sinungaling, tatlong dako ang binasted mo sa Dubai, alam ko yun kaya wag ako huh! , wag ako ang kwentuhanan mo!", si Roland na nakatikwas pa ang mga daliri habang umiinom ng tequila. Napaikot naman ang mata ko dahil sa kadaldalan niya. " Ano? Dako? gosh!, sabay sabay napa angat ang ulo ng mga babae. " Oo, dako as in yung isa Jordanian, yung isa Turkish at yung isa gwapong Pilipino" " What the"... hindi natuloy ang sasabihin ni Michelle ng muling nagsalita si Roland. " And you know what guys, lahat sila mga Fafa, as in gusto ko nga arborin kahit sino sa kanila kaso hindi naman ako type,mas type nila yang malditang yan oh?, sabay turo sa akin. Napairap naman ako sa sinabi niya, " alam mo baks, lasing ka na, uuwi ka ba o sa condo ko ikaw matutulog?, tanong ko sa kanya. Bigla siyang napatawa at bumaling kay Alex, " ayoko sumama sa'yo Beb, mas gusto ko sa condo ni Fafa Alex". " Ah, kaya ka pala nag-inom ha, kapag talaga may alak siguradong may balak", sabi ko. Napatingin tuloy lahat sila sa banda ni Alex at napasinghap ang mga kaibigan kong babae ng makita ito. Nagtawanan naman ang mga lalaki at narinig ko si Alex na umusal ng pagkadismaya. " Patay tayo dyan", wika niya habang naiiling pero natatawa. " Naku Pre, yari ka", si Paul na nakatawa pa habang nakatingin kay Alex. " Akala ko ba ako ang love mo Helga, bakit nakita mo lang si Alex nakalimutan mo na ako, nakakatampo ka naman", ang sira ulong si Fritz naman yun na kunwari ay nakahawak pa sa puso. At dahil may tama na nga ng alak si Roland kaya mas lalo pa itong naging madaldal. " Hoy Fritz noong hindi ko pa nakikilala si Alex akala ko ikaw na ang pinaka gwapo sa aking paningin pero sorry dahil napanis ka ng makita ko si Alex". Mas lalong lumakas ang tawanan at kantyawan nila ng sabihin iyon ni Roland. Pati si Fritz ay walang nagawa dahil sa kalokohan ni Roland. Hanggang sa akala namin ay tapos na siya sa kanyang kadaldalan pero nagulat ako ng muli na naman itong nagsalita. " Actually guys, bet ko talaga si Alex eh, kaya lang hindi ako ang bet niya" " Ow! how sad", si Annie " talaga? bakit sino ba ang type ni Alex?, " Sino ba sa tingin niyo?, syempre yung Reyna na mga manhid, si Ice Queen", sabay inginuso ako, bigla naman nanlaki ang mga mata ko ng sabihin niya iyon. " Wow! totoo ba?, si Michelle nagtanong. "Baks uwi na tayo, tulungan niyo nga ako alalayan si Helga", wika ko sa kanila habang nanahimik na syang muli. " Mamaya na insan, nag-eenjoy pa yung tao pauuwiin mo na", wika ni Troy. " Baka magsisi kayo pag sobrang nalasing to, mamaya maghuhubad na to, willing ba kayo makakita ng tortang talong?" Nagtawanan sila ng sabihin ko iyon, pero si Paul ay bumanat pa ulit, " Sus! may iniiwasan ka lang yata insan! " Oo nga, oo nga! baka guilty" " Hoy mga shunga! uuwi na ko, kaya idadaan ko na to sa bahay nila". Pagkasabi ko nun ay binalingan ko naman si Rolanf. " Hoy baks umayos ka ha, subukan mong sumuka sa kotse ko, ihuhulog talaga kita". " Ouch! you're so harsh naman Beb" " Wag mo kong artehan, malantod ka, iinom-inom ka pa kala mo naman makakalandi ka", sabay halakhak ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD