Chapter 10

1459 Words
Lorraine POV: Isang buwan na ang nakaraan ng magbukas ang aming winery shop ni Roland. Nakakatuwa dahil bukod sa madami ang mga walk in clients namin ay madami dami na din ang aming orders. May mga partner hotels din kasi kaming nakuha at kami na din ang distributor ng ilang maliliit na wine shop . Mula ng mabuksan namin ang shop ay bihira na ulit ako napadpad sa restaurant dahil nakatutok kami ni Roland sa aming bagong negosyo. Nasa adjustment period pa ang aming negosyo kaya naman hindi namin ito maiwanan. Naging abala ako masyado sa loob ng isang buwan. Ngayon ay kumpleto na ang aming mga tauhan sa shop at meron na din kaming napagkakatiwalaan ni Roland dahil nariyan na ang kanyang pamangkin na kaka-graduate lamang. Kaming dalawa mismo ni Roland ang nagtuturo sa kanya ng mga dapat gawin, at dahil sadyang mahusay kaya't madali niyang natutunan ang pasikot-sikot ng aming mga transakyon. Umuwi ako ng maaga sa condo ko dahil pakiramdam ko ay masyado akong na-drain nitong mga nakaraang araw. Byernes ngayon ng gabi at alam ko na ang baklang si Helga ay kung nasaan na namang kawalan upang magliwaliw. Pagpasok ko sa unit ay dumirecho ako sa aking dining upang kumain, nagutom kasi ako dahil huling kain ko ay alas dose pa ng tanghali, nag-take out na lang ako ng salad and pasta galing sa restaurant dahil tinatamad na akong magluto. Pagkaraan ng ilang minuto ay pumasok ako sa kwarto upang maglinis ng katawan. Nag quick shower lang ako at pagkatapos ay nagsuot ng manipis na short at spaghetti strap na blouse. Inilugay ko ang aking mahabang buhok at hinayaan ko na lamang na matuyo ito ng kusa. Nagpunta ako muli sa kusina at nagbrew ng kape. Ito talaga ang pampa- kalma ko kapag pakiramdam ko ay sobrang pagod ako. Matapos kong magbrew ng kape ay naisip kong tumambay sa pool area kaya lumabas ako sa terrace at umupo sa sun lounger. Habang nagkakape ay naisip kong magbukas ng aking mga social media accounts. Una kong binuksan ang IG at nakita ko na may bagong nag-follow sa akin. ZGar started following you... Nakita ko din na madaming kaibigan ko ang napacomment sa post ko isang linggo na ang nakaraan. Ito yung picture ko noon sa Dubai kung saan nakasuot ako ng white dress at may wreath na nakalagay sa ulo ko. Ito yung picture ko nang ikasal si Sheena na ginanap sa isang beach at ako ang kanyang maid of honor. Helga_Dyosa: Ako ang Dyosa pero nasayo ang korona, pak! Madami pa akong nabasa na mga comment galing sa aking mga kaibigan pero ang kumuha ng atensyon ko ang new follower... ZGar: you'll always be beautiful in my eyes. Sino kaya itong ZGar na ito, ini-stalk ko ang kanyang account pero tanging mga picture lamang na nakatalikod ang naroon, meron ding nakaside view pero di gaanong halata ang mukha, yung isang picture naman ay nakaharap pero mas naka focus sa sunset kaya di rin masyadong kita ang mukha. Pero kahit ganoon ay kitang kita ang ganda ng katawan niya, may picture din siya na nakasumbero at walang damit tapos kitang kita yung namumutok na abs. Kahit anong anggulo ay hindi talaga maaninag ang mukha niya pero mukha siyang gwapo. Dahil wala naman akong napala sa IG ay nag message na lang ako sa GC naming tatlo Me: saan lupalop ka na naman dinala ng mga paa mo? Helga: Sa lugar kung saan maraming blessed na tao. Maya-maya pa ay nagsend siya ng picture sa isang gay bar. Ito yung bar ng kanyang gay friend kung saan siya nagpupunta kapag hindi niya ako kasama. Mapili din sa lalaki si Roland at alam ko na stick to one lang sya kaya't kahit nagpupunta siya doon ay yung jowa lang niya ang kanyang katabi. At mautak din si bakla dahil hindi siya basta nagbibigay ng pera. Me: hoy bruha! baka kung sinu-sino ang nilalandi mo dyan ha! Helga: Don't worry Beb, ako nga ang nilalandi nila eh! Sheena: Hoy mga sisters! I miss you! Me: Miss you too Beb! I was pre-occupied by the exchanging of our chat messages when I heard a voice of someone nearby. Parang familiar ang boses niya, hindi muna ako nag reply at pinakinggan ang nagsasalita. Nakatayo ito sa kabilang dulo ng pool at nakasandal sa may salamin habang nakatanaw sa mga ilaw, ang kanyang isang kamay ay humagod sa kanyang buhok patungo sa batok na tila ba pagod na pagod. Masama man ang makinig sa usapan ng iba pero hindi ko maiwasan na ma-curious. " You heard me Dad.... I know, I know,  give me a month Dad...No, hindi ko siya gusto, please tell mom not to intervene between us, I can handle it... Matapos kong marinig iyon ay bigla naman tumunog ang aking cellphone kaya't nataranta ako at bigla ko iyon naihagis, buti na lang at hindi ko iyon naitapon sa swimming pool. " s**t! , bulalas ko lalo na ng makita ko na papalapit sa akin ang bulto ng lalaki, hanggang sa makalapit na nga ito at nagkagulatan pa kami. " Raine" " Alex" Magkasabay pa kaming napatawag sa isa't isa. Hindi agad ako nakakilos kaya't siya na ang dumampot sa cellphone kong nasa bingit ng pagkahulog sa swimming pool. " You're phone!, iniabot niya iyon sa akin, "what a surprise", wika niya. " Yeah, I didn't know na kapitbahay pala kita?, sagot ko naman. " Me too, kung alam ko lang na maganda pala ang kapitbahay ko sana gabi-gabi akong umuuwi dito." Then he chuckled after saying that, ako naman ay natawa, " oh c'mmon, wag mo na gamitin sa akin ang linyahan ng mga babaero, para naman di tayo magkakilala nyan eh", Natawa siya sa sinabi ko. " You want coffee?, alok ko. " Sure, I really missed your coffee", nakangiting tugon niya. Inanyayahan ko siyang pumasok sa unit ko para maipagtimpla ko na din siya ng kape. Agad naman siyang sumunod sa akin. " You have a cozy place Raine, I think mas mapapadalas ang pagkakape ko dito", wika niya habang iniikot ang paningin sa kabuuan ng unit ko. " No worries Lex, basta ba supplyan mo ako ng kape kahit umaga, tanghali at gabi ipagtitimpla kita". Natawa naman kami pareho, pagkatimpla ko ay iniabot ko agad sa kanya ang tasa at agad niya iyon inamoy amoy, pagkahigop niya ay tumingin ulit sa akin, " iba ka talaga, kuhang kuha mo ang gusto kong timpla" " Talaga?, don't worry kahit di mo ko purihin ipagtitimpla pa din kita ng kape", sagot ko sa kanya. Madami kaming napag kwentuhan ni Alex mula sa negosyo hanggang sa personal na bagay. Inabot na din kami ng alas dose ng hating gabi dahil sa dami ng aming napag kwentuhan. Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising. Sabado naman kaya't hinayaan ko muna na makapag pahinga ako, alas onse na pala kaya't nagugutom na ako. Naisip ko na magpa deliver na lang ulit dahil tinatamad na naman akong magluto. Naghilamos na lang muna ako at nagpalit ng malaking t-shirt at maiksing maong shorts. Paglabas ko galing sa kwarto ay nagulat pa ako ng makita ko si Alex na nasa may couch at nagbabasa ng libro. Agad siyang tumayo ng makita ako, " Good morning", nakangiting bati niya. " Good morning too", sagot ko. " Sya nga pala naiwanan mong bukas yung pinto mo sa terrace kaya pumasok na ako, I hope you don't mind". Nalito ako sa sinabi niya, ang alam ko kasi naisara ko iyon, o baka naman sa sobrang pagod ay nalimutan ko na. " It's fine, tayo lang naman ang nandito sa floor na to eh, hindi mo naman siguro ako gagahasain noh?, natatawang sabi ko. Bigla siyang humalakhak ng marinig niya ang sinabi ko, bakit parang ang sarap sa pandinig ng tawa niya, lalaking lalaki at tila nang aakit. Halos namumula pa ang mukha niya dahil sa pagtawa. Lumapit siya sa akin at tinitigan ako sa mata, he held my chin at saka nagwika, " Don't worry, hindi ako nanggagahasa ng walang pahintulot, so if you let me I'll gladly do it", nakangiti siyang sinabi yun habang ako naman ay napanguso. " wag kang umasa para hindi ka masaktan", sagot ko. Lalo naman syang natawa, pagkatapos ay umiling na lang sa sinabi ko at saka ako hinawakan sa kamay tapos hinila palapit s dining table. " Wow!, nagluto ka?,tanong ko sa kanya. " hindi, dinekwat ko yan sa restaurant sa baba ng condo", sagot niya " Ah kaya pala, mukhang masarap eh! " Mas masarap ako dyan" "Ano?, maang-maangan kong tanong " wala, sabi ko mas masarap ako... mas masarap magluto". Napanguso ako sa sinabi niya, feeling ko nilalandi ako ng lalaking to eh, pero sige go with the flow.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD