Lorraine POV:
Mula ng gabing malaman namin na magkatabing unit lamang kami ni Alex ay walang araw na hindi kami nagkikita. Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng gabing iyon at talaga namang masasabi ko na may taglay syang tamis sa katawan. Hindi ko tuloy maiwasan na isiping may gusto sya sa akin. Hindi ko na din isinasara ang sliding door ng terrace ko dahil doon siya pumapasok lagi. At ganoon din naman ako sa unit niya. Sa loob ng ilang araw ay lagi niyang ipinaparamdam sa akin na importante ako sa kanya. Tuwing umaga ay may nakahanda nang almusal sa lamesa ko at sabay kaming kumakain. Siya ang laging nagluluto dahil mas nauuna siyang gumising kesa sa akin. Ako naman ay kape ang laging ambag sa agahan namin. Sa gabi naman ay bihira kaming magkita dahil mas nauuna naman akong umuwi at siguro ay tulog na ako tuwing dumarating siya.
Ngayong gabi ay late na ako nakauwi dahil sa imbitasyon ng isa sa mga kaibigan ko na dumalo sa kanyang kaarawan. Alas diyes ng gabi na ako nakauwi, kagaya ng nakagawian ko ay nag quick shower muna ako at nagsuot na lamang ng silk night gown na may robe. Balak ko kasing magpahangin muna sa terrace dahil nabusog ako kaya't kailangan ko munang magpababa ng kinain bago matulog. Nagtimpla ako ng kape at kinuha ang isang libro na nasimulan ko ng basahin. Lumabas ako sa terrace at umupo sa isang rattan na upuan at ipinatong ko ang kape sa coffee table. Makalipas ang ilang sandali ay may tumikhim sa aking likuran kaya't napalingon ako.
" ehem! mukhang masyado mo naman yatang dinidibdib ang binabasa mo"
" Hindi naman, actually nagpapa baba lang ako ng kinain, ikaw ba't gising ka pa?
" Hindi ako makatulog eh"
" Bakit naman, kape gusto mo?
Tumingin siya sa akin at saka kinuha ang tasang hawak ko at walang pasabi na basta na lang uminom doon. Bigla naman bumilis ng bahagya ang t***k ng puso ko, what the f**k happened? he just drink in my coffee mug, didn't he know that it's an indirect kiss?, of course he does, nakikipagtalo ako sa aking isipan ng muli syang magsalita.
" Can I join you for a while? gusto ko sana ng makakausap kung hindi naman kalabisan sayo magandang binibini kong kapitbahay"
Bigla naman akong natauhan sa sinabi niya, sa tingin ko ay may problema siya kaya't mukha siyang pagod pero nakuha pa talaga nyang magbiro. Umayos ako ng upo at umusog ng kaunti paharap sa kanya. " What's the matter?, mukhang alak naman pala ang kailangan mo at hindi yang kape ko". Natawa siya sa sinabi ko, hawak pa din niya ang mug ng kape at tiningnan akong muli bago nagsalita.
" Raine, will you be my girlfriend?"
Hindi agad ako nakahuma sa sinabi niya, para akong nanigas sa kinauupuan ko, ngunit matapos ang ilang sandali ay nagpakawala ako ng isang malakas na tawa, hindi pa ako natapos tumawa ng magsalita naman ako, " hoy Alex, kung pinaprank mo ko tumigil ka ha, baka ibalibag ko tong upuan sa'yo, siraulo".
Biglang lumamlam ang kanyang mga mata, " sorry, I hate to tell you this, but I really need you now Raine". Naguluhan ako sa kanya kaya't lalong nangunot ang noo ko. " Gago ka Alex, wag mo kong pinaprank ha, sinasabi ko sayo baka ilaglag kita dyan sa pool". Ibinaba niya ang tasa na may kape at pinagsalikop niya ang mga kamay ko. Nakatingin siya sa akin ng seryoso at saka muling nagsalita. " Raine, I'm sorry kung binigla kita, wala lang talaga kong mapag sabihan ng problema ko, I'm sorry kung pati ikaw naiistorbo ko". Tumayo siya at akmang aalis na pero agad kong hinawakan ang mga isang kamay niya.
" Wait Lex, sit down please, pag-usapan natin ang problema mo, I'm willing to listen, say it". Muli syang tumingin sa akin at umupo sa harap ko, halos magkadikit na ang aming mga mukha dahil sa lapit habang patuloy niyang nilalaro ang mga daliri ng kamay ko. May kung ano naman ang tila kumikiliti sa akin dahil sa pagkakalapit namin. Sino kaya ang hindi mahuhumaling sa lalaking ito na sobrang gwapo, tapos ngayon aalukin ako na maging nobya niya. Malamang may hidden camera to tapos mamaya lang sasabihin niya "it's a prank", peste!
Pero dahil hindi ako pwedeng magpa apekto kaya bago niya pa ako ma-prank sasabayan ko din ang trip niya. Akala ba niya maiisahan niya ako, kahit type ko siya hindi ako pwede magmukhang talunan sa aming dalawa. Bata pa lang ako ay mataas na ang self-esteem ko kaya never akong magpapatalo sa kanya. Iminulat ako ng mga magulang ko na dapat ay pahalagahan ko ang aking p********e. Ang sabi nga ni Papsi, kung talagang totoo at tapat ang isang tao sa kanyang pagmamahal, gagawa at gagawa siya ng paraan upang mapatunayan niya iyon kahit pa harangan siya ng sampung sibat.
Muli kong tinanong si Alex kung anong problema niya, humugot siya ng malalim na paghinga at saka nag umpisang magsalita. " Raine, I'm getting married soon". Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya, sira-ulo talaga ang lalaking to, sinasabi ko na nga ba at pinaprank lang ako eh.
" Eh di congrats!,"
" It will never happen", sagot niya
"Ha?, ano?, alam mo ang gulo mong kausap"
" It's an arrange marriage and it will never happen because I am not going to allow it", wika niya.
"Arrange marriage at this day and age?, are you kidding me Alex?, it's barbaric".
Nagkagat labi siya at tinitigan ako sa mga mata. " That's why I'm begging you to help me, please". His eyes looks like pleading. " Ano naman ang magagawa kong tulong?", tanong ko.
" I'm thinking of telling my parents that we are together, that we're couple para hindi nila ako ipakasal sa babaeng yun, be my girlfriend Raine, please".
Nanlaki ang butas ng ilong ko sa sinabi niya, para akong nakipag habulan sa sampung kabayo dahil sa bilis ng t***k ng puso ko. " Alam mo hindi ko alam kung anong trip mo sa buhay eh, bakit sa dami ng babae ako pa talaga yung naisip mong isali sa kalokohan mo?, ah! alam ko na, kaya siguro bait-baitan ka sa akin lately because of this, may vested interest ka pala huh", inirapan ko siya habang sinasabi ko iyon.
" No Raine, hindi ganoon, I did everything for you because I want to, at hindi dahil may vested interest ako kagaya ng sinasabi mo, ngayon ko lang nalaman ang plano ng mga parents ko that's why I am so disappointed right now, Damn it!"
Na-guilty naman ako sa tinuran niya, mukhang na-offend ko siya dahil doon. Gayunman, hindi ko gustong maging pretend girlfriend ni Alex, hindi naman sa ayoko kaya lang baka tuluyang mahulog ang loob ko sa kanya.
" Please Raine, help me, ikaw lang ang pag-asa ko para malusutan ito, kailangan kitang ipakilala sa parents ko para hindi nila ipagpilitan ang babaeng gusto nilang ipakasal sa akin".
" May goodness Alex, bakit ba kasi hindi ka na lang pumayag, siguro naman maganda yung babeng iyon".
" Hindi ako magpapakasal sa babaeng hindi ko mahal Lorraine". Napatingin ako sa kanya ng sabihin nya iyon, bakit ba ang hilig ng lalaking ito na sabihin ang buong pangalan ko.
" May hindi ka pa sinasabi sa akin Alexzander", tinaasan ko siya ng isang kilay at nakita kong natawa siya, marahil ay dahil ng tawagin ko siya sa buong pangalan niya. Umupo siya sa tabi ko at saka umakbay sa balikat ko habang nakasandal sa kinauupuan. Nitong mga nakaraang ilang araw ay pinipilit ko na hindi mailang sa pagiging malapit namin sa isa't isa, sa totoo lang ay sobrang sweet niya, kung tutuusin ay boyfriend material si Alex, kaya nga hindi na ako magtataka kung maging habulin siya ng mga babae.
" I like you Lorraine, gustong gusto kita". Ikinalaki ng mata ko ang sinabing iyon ni Alex. Sandali akong natahimik at nakipag laban ng titigan sa kanyang mapungay na mga mata. Bakas ang kaseryosohan dito at hindi ko rin maaninag ang mapaglarong mga ngiti niya kung minsan.