Lorraine POV:
Nang sabihin sa akin ni Alex na gusto niya ako ay hindi agad ako nakakibo, inaamin ko na nagustuhan ko na din siya, baka nga mahal ko na siya, pero hindi ako pwede magpatalo sa nais maramdaman ng puso ko ngayon.
" Alex, you don't have to tell me that you like me, magkaibigan tayo and I'm willing to help you", inirapan ko pa siya matapos kong sabihin iyon. Biglang napaawang ang kanyang bibig at mataman akong tinitigan. " Raine, please believe me, I really"..., hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin at muli akong nagsalita. " So kelan mo ako ipapakilala sa parents mo?. Natigilan siya sa sinabi ko ngunit makalipas ang ilang sandali ay hinawakan niya ang kamay ko at nagsalita, " Raine gusto kita, at kung ipapakilala man kita sa mga magulang ko, gusto kong ipakilala kita bilang totoong girlfriend ko". Napamaang ako sa sinabi niya, hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinasabi niya pero sa huli ay pinili kong panatilihin ang katatagan ng isipan ko, kinikilig ako sa mga binibitawang salita ni Alex pero bakit ang hirap paniwalaan lalo na at alam ko ang sitwasyon na meron siya ngayon. Maaring ginagamit lamang niya ito upang mapaniwala ako, hindi ko rin maintindihan ang aking sarili kung bakit gusto kong gawin ito basta ang alam ko lang ay nais ko syang tulungan. Siguro ay kung ako man ang nasa sitwasyon niya ay maiisip ko din iyon. Willing nga ba akong magpagamit sa lalaking ito, tanong ko sa isipan. Matapos ang gabi na iyon ay mas lalo akong naguluhan, gusto ko din si Alex pero may kung anong pumipigil sa akin upang aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Kinabukasan ay maaga akong nagising, paglabas ko sa kwarto ay dumirecho ako sa kusina para sana magtimpla ng kape, ngunit agad kong napansin ang set up ng dining table ko, may nakatakip na pagkain doon. May ham, egg omelette pancake at sliced fruits. Mayroon ding long stem red rose na may note sa tabi.
" Good morning my Señorita, eat your breakfast before doing anything today"
Hindi ko masupil ang ngiti sa aking labi.
Kung kagabi ay eighty percent lang ang kilig, ngayon ay one hundred ten na.
Lumipas ang ilang araw na normal lamang ang naging routine ko sa buhay, gigising sa umaga na may almusal na nakahanda sa aking lamesa, sa lunch naman ay nasa restaurant ako at doon kumakain kasabay ng aking mga magulang, at sa gabi ay uuwi ako sa condo ko at magkakape sa pool area kasama si Alex. Isang araw ay maaga akong umuwi dahil maaga rin natapos ang meeting ko sa isang hotel na malapit lang sa condo. Naisipan kong magluto ng dinner dahil ayoko naman na lagi na lang mag take out ng pagkain. Naisipan kong magluto ng chicken pesto at sinabayan ko na din ng baked salmon. Mahilig ako magluto noong nasa Dubai ako kaya naman natutunan ko na din ang mga ganoon na recipe. Habang isinalang ko ang salmon sa oven ay naisipan kong tawagan si Alex. Naka dalawang ring lang at agad na sinagot,
" How are you my Señorita?, agad niyang bungad sa akin.
" Hi Lex, busy ka ba?
" No, you know I will always find time for you Darling", sanay na ako sa mga patutsada ni Alex, at sanay na din ako na meron syang endearment sa akin kaya't hindi naman na iyon big deal. Tinanong ko kung makakauwi siya ng maaga,
" Bakit miss mo na ba ako?, bakas ang tuwa sa kanyang tinig.
" Assuming ka talaga! well anyway nagluto kasi ako, you can join me if you want", wika ko. Bigla siyang natahimik at di ko alam kung anong iniisip niya.
" Alex are you still there?", tanong ko na siya namang ikinatikhim niya.
" Uuwi na ako ngayon, I can't wait to see you", sagot niya.
" Okay, see you! ingat ka", yun na lang ang tanging nasabi ko.
" See you, I love you", sagot niya
Hindi ko alam kung tama ang narinig ko o baka guni-guni ko lang yung huling narinig ko. Ilang minuto akong hindi nakagalaw sa kinauupuan ko, hindi pa din ma-absorb ng isipan ko kung ano nga ba yung sinabi niya, hanggang sa tumunog ang oven hudyat na tapos na ang oras ng aking niluluto. Pagkaraan ng kalahating oras ay narinig ko ang tunog ng doorbell. Kahit hindi ko silipin sa peephole ay alam ko na agad na si Alex iyon. Pagbukas ng pinto ay agad kong nakita ang kanyang ngiti. Napansin ko agad ang bungkos ng bulaklak na hawak niya.
" For you, my Señorita", agad ko naman iyon tinanggap at pagkatapos ay humalik siya sa aking pisngi. Medyo nanibago ako sa kilos niya, pero hindi ko iyon pinahalata. Normal naman kasi na nakikipag beso ako sa mga kaibigan ko kahit pa sa mga lalaki, pero iba si Alex dahil hindi lang iyon basta beso, lumapat ang kanyang labi sa aking pisngi. Nagpasalamat ako sa bulaklak na bahagya ko pang inamoy. Natuwa naman siya ng makita ang ginawa ko.
Dumirecho siya agad sa dining table at tiningnan kung anong niluto ko, at home na talaga ang lalaking ito sa bahay ko, kulang na nga lang dito sya tumira eh.
" what did you cook?, tanong niya
" hindi ka naman excited sa luto ko no?,
Ngumiti sya at napakagat labi saka sumagot, " excited na akong matikman ka eh", agad na tumaas ang isang kilay ko habang nakatingin sa kanya.
" sabi ko yung luto mo, gusto ko ng tikman", depensa niya habang nakikita ko ang mapaglarong ngiti niya. Tumalikod ako sa kanya at kinuha sa kitchen ang pasta na inayos ko na sa lagayan kanina.
" Baka kapag natikman mo ako ma-adik ka", pabulong ko lang sana iyon pero agad pala siyang nakasunod sa akin at nagulat ako ng biglang magsalita sa may likuran ko.
" Hindi pala ako tumitikim lang, mas gusto ko yung kinakain ko ng buo". Alam ko na double meaning ang sinabi niyang iyon dahil nababakas ang kalokohan sa tono ng boses niya. Bigla naman akong humarap sa kanya at ang laki ng aking pagsisisi dahil tumapat sa akin ang mapungay niyang mga mata na titig na titig sa akin, at ang kanyang labi na parang kay sarap humalik. Hindi ako nagpahalata sa kahalayan na iniisip ko kaya agad din akong tumalikod upang kunin ang pakay ko.
" Talaga ba?, palagay ko marami ka na ngang nakain", pabirong sabi ko na siya namang ikinatawa niya ng malakas. Akmang bubuhatin ko na sana ang pasta bowl pero napigilan niya ako, pumatong bigla ang kamay niya sa mga kamay ko habang nasa likuran ko sya. Naamoy ko ang kanyang panlalakeng pabango na gustong gusto ko. Kahit siguro hindi siya maligo ay mabango pa din siya.
" Ako na ang magdadala nito sa mesa", sabi niya habang nakatitig sa akin. Tumango lang ako bilang tugon, kinuha niya iyon sa akin at agad na dinala sa dining table. Bumalik siya sa kusina at kasalukuyan ko namang kinukuha ang baked salmon sa oven. Napa wow siya ng makita iyon.
" Tingin pa lang masarap na", saad niya pero sa akin naman nakatingin. May pagka manyak din talaga ang mokong na ito eh. " Mas masarap yan pag natikman mo", patay malisya ko namang sagot.
Muli ko na namang narinig ang kanyang halakhak na parang nang-aakit, ewan ko ba pero mas lalo akong na-iinlove kapag naririnig ko ang kanyang tawa, lalaking lalaki kasi iyon sa aking pandinig pero may halong landi kaya lalo akong naaakit. " May kukunin lang ako sa kabila sweetheart, babalik din ako agad, okay ka lang ba dito or you need my help", wika niya. Agad naman akong umiling.
" I'm fine here, take your time, anyway nakalimutan ko pala yung vegetable salad, if you want you can take a shower first habang ginagawa ko ito".
" Are you sure?", tanong niya.
" Yeah, go ahead, wag ka magmadali at baka ma-pressure ako", sinabayan ko iyon ng tawa para mabawasan ang ilang na nararamdaman ko.
" If you say so, you're the boss", matapos niyang sabihin iyon ay agad itong umibis at sa terrace na lamang dumaan, parehas kasi naming iniiwan ng hindi naka lock ang aming sliding door ng terrace.
After fifteen minutes ay nakita ko siyang bumalik at may dalang red wine. Basa din ang buhok nito, tanda na nakaligo na. Nakasuot na lamang siya ng sweatpants na gray at white shirt. Ang bango na naman niya. Sakto naman na tapos ko ng gawin ang salad kaya naman niyaya ko na siyang kumain. Napansin ko na maganang kumain si Alex ngayon kaya't kumbinsido ako na masarap nga ang luto ko. Naubos din namin lahat dahil tinantya ko talaga na sakto iyon sa amin.
" Pag ikinasal tayo sigurado tataba ako, ang sarap mo magluto eh", napatingin ako sa kanya at nakita kong seryoso siya matapos sabihin iyon, tila wala naman sa sarili na sinagot ko siya,
" Problema ba yun, eh di mag work out ka para di ka tumaba", agad kong napansin ang ngiting sumibol sa kanyang labi, kung anong ibig sabihin nun ay hindi ko alam, kung minsan kasi ay mahirap basahin ang nasa saloob niya. Ilang beses niya akong sinubuan ng salmon dahil sabi ko ay busog na ako, napansin niya na konti lang kasi ang kinain ko. Mas nag concentrate kasi ako sa salad dahil na-miss ko iyon.
" Bakit ba ang konti ng kinain mo", tanong niya.
" Ako kasi nagluto eh kaya parang naumay na ko dahil naamoy ko na yan kanina habang ginagawa ko", tugon ko naman sa kanya. Ilang ulit niya pa akong sinubuan at wala naman akong magawa dahil sa pagbabanta niya.
" Kapag di mo kinain to iba ang isusubo ko sa'yo".
" Ano naman ang isusubo mo sa akin?
" Malaking hotdog, sabihin mo lang kung gusto mo", nakangisi pa siya habang sinasabi iyon. Inirapan ko naman siya bago sumagot.
" Sigurado ka bang malaki iyan? baka naman cocktail hotdog yan ah"
" Anong cocktail hotdog?, tanong niya
" Eh di yung hotdog na nilalagay sa stick tapos may marshmallow sa dulo".
" ahahaha! tangna pambata!, narinig ko na naman ang malanding halakhak niya.
Tumigil siya saglit sa pagtawa at saka bahagyang lumapit sa akin, " don't worry honey hindi ka mabibitin sa hotdog ko".
Namilog ang mata ko kaya nahampas ko sya sa may dibdib na siya namang lalong ikinatawa niya, namumula pa ang mukha niya habang tumatawa.
" Malandi ka talagang kumag ka"
" Di bale, mamahalin mo din ang kumag na to", sagot niya.
Matapos kumain ay tumayo ako upang magligpit pero agad syang tumayo at dinala ako sa living room.
" Ako na ang magliligpit ng pinagkainan natin, mag relax ka na dyan", wika niya.
" Talaga?, tanong ko
" Yeah, let me handle it my señorita", kumindat pa siya matapos sabihin iyon.
At dahil doon ay naisip ko na lamang na maglinis ng katawan, nakaligo naman na ako kanina bago ako magluto pero dahil nag-amoy bawang na siguro ako kaya naisip ko na maghilamos muna. Naisip ko na din na magpalit ng damit kaya't nagsuot na lang ako ng silk satin terno na short pajama, kulay dark green iyon kaya't kitang kita ang kaputian ko, ang buhok ko naman ay hinayaan ko na lang na nakalugay. Paglabas ko ng aking silid ay nakita kong nakaupo si Alex sa living room at nagtitipa sa kanyang cellphone.
Pagkakita niya sa akin ay agad na binitiwan iyon at ako ang hinarap. Iniabot niya sa akin ang isang kopita na may laman na red wine. Tinanggap ko naman iyon at umupo sa sofa. Tumabi siya sa akin at idinipa ang isang kamay sa back rest niyon.