Chapter 13

1281 Words
Lorraine POV: Hindi ko na natandaan ang mga nangyari matapos kong inumin ang wine na inabot ni Alex sa akin. Ewan ko ba pero sa sobrang antok ay nakatulog na pala ako sa sofa. Nagising ako sa sinag ng pang umagang araw na tumatagos sa kurtina ng sliding door ng terrace. Nasisilaw ako kaya bahagya lamang ang bukas ng aking mga mata, inaantok pa nga ako eh, pero bumaling ako sa kaliwang parte ng sofa at niyakap ko ang throw pillows. Kahit nakapikit ako ay amoy na amoy ko ang bango nito,nalalasing ang aking diwa sa bango ng unan, kinapa ko ang throw pillows at niyakap ko iyon ng mahigpit, medyo matigas ang unan ko, kaya hinimas himas ko ito at sumiksik ako lalo. Ugali ko din na pumatong sa unan dahil gusto kong maramdaman ang lambot niyon, pero sa pagpatong ko ay parang may matigas na kahoy na nasa pagitan ng aking mga hita. Isiniksik ko pa ang aking mukha sa unan pero may mainit na hangin ang humaplos sa aking tenga. Naramdaman ko din ang pagdampi ng labi sa may sintido ko. Sa inaantok kong diwa ay pinilit kong imulat ang aking mga mata, at nanlaki iyon ng makita ko kung ano ang napapatungan ko, hindi pala ano kundi sino. "s**t", bulalas ko. Muntik pa akong mahulog sa sofa dahil sa pagkagulat, buti na lang at mabilis si Alex at agad niya akong nahigit palapit sa kanya kaya't muli akong napadapa sa kanyang malapad at matigas na dibdib. " good morning honey", he greeted me in his hoarse bedroom voice na tila ba nang aakit. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa pagkabigla. " G,good mmmorning", nautal ako s**t! Gumalaw ako para makatayo pero inalalayan niya ako kaya't halos sabay kaming napaupo sa sofa. " Be careful when you move, baka mahulog ka Hon", wika niya. Tila may naghabulan sa aking loob dahil sa sinabi niya, dati naman ay okay lang kapag tinatawag niya ako sa kahit anong endearment pero ngayon parang may iba. Hindi muna ako tumayo at pinanatili niya akong umupo dahil parang nahihilo ako, siguro ay dahil sa hang over, hindi pa din talaga ako sanay sa alak kahit wine lang. " how do you feel?", tanong niya sa akin " medyo nahihilo ako", sagot ko habang nakasandal sa sofa. Kinabig niya ako ng marahan at saka kinintalan ng halik sa noo. " Stay here, let me take care of you". Ako naman ay hindi na lang nagreklamo dahil medyo nahihilo talaga ako. Tumitig ako sa kanya at napansin kong ganun din siya, bakit ba kasi sobrang gwapo ng hinayupak na to. Ang awkward lang ng ayos namin dahil kung titingnan ay para kaming sweet couple, naguguluhan na talaga ako sa inaakto niya ngayon. Ano kayang nangyari kagabi na hindi ko man lang maalala. Pumasok siya sa kusina at agad din lumabas, lumapit siya sa akin at ikinulong ako sa kanyang dalawang matipunong braso " breakfast will be served in half an hour my señorita", pagkasabi niya niyon ay hinalikan niya ang aking noo. Halos malaglag naman ang puso ko sa ginawa niyang iyon. Extra sweet talaga ang lalaking ito. Binuksan niya ang sliding door papunta sa terasa at dumiretso siya sa kanyang unit. Makalipas ang limang minuto ay naisipan ko ng tumayo dahil medyo okay naman na ako. Pumasok ako sa kwarto at dumiretso sa banyo, naisip kong maligo para mahimasmasan na ako. Tumagal ako ng halos kalahating oras dahil nagpatuyo pa ako ng buhok sa blower. Nagsuot lang ako ng ternong cotton shorts at spaghetti strap na blouse. Wala akong balak umalis ng bahay ngayon dahil Sabado naman. Paglabas ko ng kwarto ay sinalubong agad ako ni Alex na ngayon ay naka white shirt at cargo shorts na. Amoy ko pa ang kanyang shower gel na ginamit. Hinapit niya ako sa bewang at inilapit sa dining table. Pagkaupo ay siya pa mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Grabe talaga ang lalaking ito, sino ba naman ang hindi mai-inlove dito. Muli na namang bumilis ang t***k ng puso ko, ganito talaga ang epekto ni Alex sa akin. Siguro kung tatanungin niya ako ngayon kung gusto ko syang maging boyfriend ay hindi na ako magdadalawang isip at sasabihin kong gusto ko siya, o baka mas tamang sabihin na mahal ko na sya. Pagkatapos naming kumain ay ako na sana ang magliligpit pero hindi niya ako pinayagan at pinaupo niya lang ako habang pinapanood ko syang kumikilos. Nakikita ko kung paano mag flex ang kanyang muscles habang nakatalikod siya at naghuhugas ng mga plato. Tumikhim siya at biglang nagsalita na may halong pang-aasar, " hindi kaya ako matunaw sa init ng titig mo my Señorita?" Napairap naman ako, may mata ba siya sa likod at alam niya na nakatingin ako. "Hindi naman ako araw, remember I'm Raine, ulan ako kaya baka matangay ka lang ng tubig", sagot ko naman. "Oo nga pala, matagal mo na akong natangay", sagot niya, hindi ko naman namalayan na nasa harapan ko na pala siya. Umupo siya sa sofa habang ako naman ay napabuntong hininga, tinapik niya ang upuan na para bang sinasabi na umupo ako roon. Sinunod ko naman siya at nagulat ako ng bigla na lamang ay inilahad ang kanyang mga braso sa likod ko at ipinatong iyon sa aking balikat. " What's your plan today Hon?", he asked habang matamang nakatitig sa akin. Ayan na naman siya sa endearment na yan, noon ay wala lang iyon sa akin pero ngayon ay parang big deal na, sana nga totoo ang pinapakita niyang ka-sweetan. " Nothing, I just wanna stay here", I replied while staring at the ceiling while my back is rested on the sofa. " much better, I don't want to go out either, let's stay here", he said while grinning. Ako naman ay napataas ang isang kilay sa sinabi niya. " You don't have to stay with me Lex, do what you want to do". Tiningnan niya ako ng makahulugan at saka bahagya lang na ngumiti. " You really didn't remember anything about last night", it's a statement and not a question. Bigla naman akong kinabahan, bakit parang may nangyari o baka may ginawa ba kong kakaiba?, I didn't remember at all. " What?, may nangyari ba?", tanong ko Muli syang napangiti bago nagsalita, " Maganda... magandang pangyayari", " huh?, ano yun? care to share", sabi ko. Umiling lang siya at hindi na nagsalita pa. I was left dumbfounded, ano kaya yun? Silence was all over the room for about a minute. Hindi ako nakatiis at ako na ang bumasag sa katahimikan. "manood na lang tayo sa Netflix", I suggested, tumango naman sya. " Anong gusto mong movie? " It's up to you, kung anong gusto mo okay na sa akin", he replied. Naghanap ako ng action movie na maganda, pwede din comedy, basta ayoko ng romance dahil baka may love scene, awkward na naman. " Gusto mong chips?, tanong niya " Popcorn na lang, meron ako dyan kaya lang nakakatamad gumawa eh", sagot ko sa kanya. Ngumiti naman siya at saka nagsalita, " pwede mo naman sabihin sa akin na ako na ang gumawa ayaw mo lang", pang-aasar niya. " Baka sabihin mo inaalila kita" " It's my pleasure to spoil you my Señorita" Kinilig naman ako sa sinabi niya, feeling ko nga mag-jowa na talaga kami. " So ano ka, aliping namamahay?, ako man ay natatawa sa sinabi ko. Tumayo siya sa sofa at bigla na lamang pinagtapat ang aming mukha bago nagsalita, " Kahit maging timawa pa ako basta para sa'yo malugod kong tatanggapin basta mapasaya lang kita ", pagkasabi niya ay bigla na lamang akong hinalikan sa pisngi na siya namang ikinagulat ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD