Chapter 14

1144 Words
Alexzander POV: Excited akong umuwi ng malaman ko na nagluto si Lorraine at niyaya niya ako mag dinner. First time namin mag dinner dahil tuwing gabi ay kape at kwento lang ang aming pinagkakaabalahan habang nagpapa antok. Tuwing umaga naman ay magkasalo kaming kumain pero kadalasan ay nauuna akong umalis kaya't nilalagay ko na lamang sa kanyang lamesa ang agahan na niluluto ko para sa kanya. Sa nakalipas na ilang buwan ay hindi siya maalis sa isipan ko kahit pa halos isang buwan kaming hindi nagkita. Nang malaman ko noon na sya ang nakatira sa katabing unit ko ay sobrang tuwa ang naramdaman ko. Sa unang pagkakataon ay may isang babae ang kumuha ng aking atensyon matapos ang ilang taon na naging mapaglaro ako sa pag-ibig. Nitong mga huling araw ay kinukulit na naman ako ng mga magulang ko tungkol sa pagpapakasal sa isang babae na nais ni lolo para sa akin. Bago kasi ito namayapa ay nag-iwan ito ng testamento na mapupunta lamang sa amin ang rancho na pag-aari ni Lolo kung ikakasal ako sa apo ng kaibigan nito, subalit hanggang ngayon ay hindi naman mahanap ng mga magulang ko kung nasaan ang babaeng sinasabing apo ng kaibigan ni Lolo, ang tanging alam lang namin ay namatay na din ang matanda, subalit magkaganoon man ay kailangan pa din masunod ang nasa last will nito. Nabanggit ko kay Lorraine ang tungkol dito ngunit hindi ko iyon idinetalye dahil wala naman akong balak gawin iyon. Kung mawawala man ang rancho ay hindi namin iyon ikakahirap. Out of frustration ay nasabi ko tuloy kay Raine na gusto ko siya, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nasabi ko iyon pero ang gusto ko lang ay maging nobya ko siya para matigil na si Mom na ipagpilitan pa ang gusto nito na makasal ako sa babaeng kahit anino ay di ko pa nakikita. Totoong gusto ko si Raine sa unang kita ko pa lamang sa kanya pero mali na naging padalos-dalos ako sa pagsabi ng aking saloobin, nagmukha tuloy akong di kapani-paniwala. f**k this life! Nitong mga huling araw ay mas lalong tumitindi ang nararamdaman ko, hindi na nga ito simpleng pagkagusto lang dahil nararamdaman ko na mahal ko na siya, oo tama, mahal ko na ang babaeng mala-anghel ang ganda pero matalas ang dila kung magsalita. Sa sobrang excitement ko ng gabi na iyon ay imbes na sa unit ko ako tumuloy ay sa kanya ako dumiretso upang iabot ang aking dalang bulaklak. Hindi ko napigilan ang sarili ko na halikan siya sa pisngi ng makita ko ang magandang mukha niya. Napansin ko na natigilan siya pero nagpatay malisya na lang ako. Matapos namin kumain ay kinuha ko ang wine at naglagay sa wine glass, hindi naman niya sinabi sa akin na hindi pala siya umiinom ng alak. Nang maubos niya ang nasa wine glass ay nilagyan ko ulit iyon at ininom din naman niya, hanggang sa napansin ko na nagiging madaldal na siya at panay na ang pangungulit sa akin. Flashback... " Alex, anong totoong pangalan mo?, she asked while making a puppy eye. " Alexzander Garchitorena", I replied without hesitation. " Wow! ang pogi pala ng totoong name mo, parang ikaw", namumungay na ang kanyang mga mata at nakikita ko na may tama na siya dahil sa ininom. Ngumiti naman ako at lumapit sa kanya, hinapit ko siya sa may bewang dahil gusto ko sana siya pasandalin sa balikat ko, ngunit imbes na ganoon ang nangyari ay napunta ang kanyang kamay sa aking mukha at mataman akong tinitigan. " Alam mo parang nagkita na tayo, hindi ko lang alam kung saan at paano", sinabi niya iyon habang hinahaplos ang aking mukha na mayroon ng papatubong balbas. Sa sobrang lapit ng aming mukha ay gustong gusto ko na syang halikan pero kinokontrol ko ang aking sarili na gawin iyon dahil alam kong nasa impluwensya sya ng alak. " You know you're so handsome and I couldn't resist myself from kissing you", pagkasabi niya niyon ay bigla na lamang niya akong hinalikan, sa paglapat ng aming mga labi ay tuluyan ng naputol ang natitirang hibla ng aking pagpipigil at walang habas ko syang siniil ng halik. Sa una ay smack lang ang ginawa niya subalit sinakop ko ng tuluyan ang kanyang mapupulang labi at mas lalo akong ginanahan ng maramdaman kong tila natigilan siya. " I don't know how to kiss", tila nadismaya siya ng sabihin iyon. Bahagya akong natawa kaya't sinagot ko siya, " let me be the one to teach you how to do it Baby". She frowned then suddenly, " don't call me baby, yuck", napairap pa sya ng sabihin iyon. " then what do you want me to call you? " Honey, you're my honey because your sweet", napakagat labi pa ito at tila lalo akong inaakit. Napangiti ako sa sinabi niya at mas ginalingan ko pa ang paghalik sa kanya. Ilang saglit lang ay nakuha na niya ang tamang ritmo at naging agresibo na siya sa paghalik. Bumaba ang halik ko sa kanyang leeg at unti-unti na akong nag-iinit pero ayoko ng lumagpas pa sa halik dahil hindi ko magagawang samantalahin ang kanyang kalagayan. Alam kong birhen pa ito kaya't gagawin ko lamang ang bagay na iyon kung may pahintulot siya at kapag nasa matino syang pag-iisip. Ako na mismo ang pumutol sa aming intense na paghahalikan dahil gusto na talagang kumawala ng aking alaga. Sumandal sya sa aking dibdib at ikinulong ko sya sa aking mga bisig. She looks so damn hot and innocent at the same time. " Alex, why are you so sweet?, she asked but I couldn't find the right words to say. " Please don't leave me...I love you Alex" Nagulat ako sa sinabi niya, hindi ko inaasahan na maririnig ko iyon agad sa kanya, noong una ay nagduda ako sa aking pamamaraan dahil sa totoo lang ay hindi ako marunong manligaw, pero ng aminin ko sa kanya na gusto ko siya ay nag-effort ako para magustuhan niya rin ako. " I bet if you will still remember this by tomorrow", sabi ko " You think so?, tanong niyang nakatingin sa akin habang nakahilig sa aking dibdib. Tumango lamang ako at ngumiti, kinabig niya ang aking batok at nilapatan ako ng halik sa labi. " Kiss me more", mariing utos niya kaya wala akong magawa kundi muling sakupin ang kanyang mga labi. Dahil sa antok ay nakatulog ito sa aking dibdib matapos ko syang paulanan ng halik sa kanyang mukha. Napapangiti ako dahil sa nalaman ko, mahal niya ako, mahal ako ng babaeng pinapangarap ko. Nakatulog siya sa mga bisig ko at hinayaan ko na lang din na doon na kami sa sofa matulog dahil ayoko na syang maistorbo pa, ayoko din siya dalhin sa kwarto niya dahil gusto ko siyang katabi matulog. Gusto kong paggising niya ay ako agad ang makita niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD