Chapter 15

1307 Words
one week later... Naging maayos ang mga sumunod na araw sa pagitan nina Alex at Raine, mas lalo din naging sweet ang dalawa sa isa't-isa. Hindi man aminin pero parehas ang kanilang nararamdaman. Dahil madalas na ang pagkikita ng mga kaibigan nila kaya't naging malapit na din ang mga ito. Engagement ng pinsan ni Raine na gaganapin sa isang private resort na pag aari ng fiance nito. Surpresa ang gagawin kaya't hindi iyon alam ng iba, tanging si Raine at ang ibang pinsan lamang nila ang nasabihan ng fiance nito, nagkataon naman na kaibigan pala iyon ni Alex. "Lex, sabay na lang ako sa'yo papuntang Batangas, tinatamad ako mag drive eh", malambing na pakiusap ni Raine. Nasa terasa silang dalawa ngayon at nagkakape. " Do you think hahayaan kitang magpunta doon mag-isa, kung sakali man na hindi ako imbitado ay ihahatid pa rin kita at susunduin", sagot ni Alex. Napangiti na lamang si Raine sa sagot nito, " I know hindi mo ako matitiis", sabi nito sa binata na siya namang ikinangiti ni Alex. " you're really such a spoiled brat Honey". Umirap na lamang ang dalaga sa tinuran ni Alex "By the way, wag kang iinom doon", may pagbabanta sa boses ni Alex. " Huh? hindi naman ako umiinom" " I'm just reminding you Honey" Mula ng malasing si Lorraine ng gabing iyon ay nasanay na siya sa endearment sa kanya ni Alex. Kung wawariin nga ay magnobyo na talaga sila, mutual ang nararamdaman nila sa isa't-isa. Kinabukasan ay maaga silang umalis upang hindi abutan ng trapik sa SLEX. Nag drive thru na lamang sila para hindi na matagalan. " Good morning sir, may I have your order", pagbati ng crew na halatang nagpapa cute kay Alex, si Raine naman ay naparolyo na lang ng mata. " Hon, ikaw na mag order, whatever you like iyon na din sa akin?, wika nito sa dalaga. Ang crew naman ay natigilan ng makita siya, sa isip ng dalaga ay nangingiti siya. " Give me two sets of sausage muffin with large fries, orange juice and mango pie". Ibinigay ni Alex ang bayad sa crew at nakita ni Raine na sinadya ng babae na hawakan ang kamay nito pero hindi naman iyon pinansin ng binata. Muling napairap si Raine at pumikit na lamang ng mata habang hinihintay ang order. Habang nag-dadrive ay sinabihan ni Alex ang dalaga na kumain na dahil batid niya na gutom na ito. Maya-maya ay napansin niya ang fries na nakaumang na sa bibig niya. Isinubo niya iyon at saka tumingin kay Raine na medyo nangingiti. " Thanks", maikling usal niya. " Syempre di naman kita matitiis na magutom habang ako kumakain", sagot ng dalaga. Binuksan ni Raine ang sausage muffin at pinakagat iyon kay Alex habang siya naman ay kumakain ng fries. Panay ang subo niya sa binata hanggang sa maubos nito ang sandwich at ng mapansin nito na fries lamang ang kinakain niya. " Kumain ka na Hon, wag mo na ako subuan". " Don't worry, kumakain naman ako, ayokong magutom ang driver ko baka dalhin ako sa mundo ng kawalan", pabirong wika ni Raine. Malakas na tumawa si Alex na siya namang ikinakunot ng noo ni Raine, halos namumula pa ang mukha ni Alex dahil sa pagtawa nito. " Mawawala ka sa sarili mo kapag sa langit kita dinala", wika ni Alex sabay kindat sa dalaga. Hindi agad nakasagot si Raine pero ng makahuma ay nagsalita ito, " landi mo talagang lalaki ka", mahina iyon pero sapat upang marinig ng binata. Saglit itong tumingin sa kanya na nakakagat labi pa kaya't lalong naghuramentado ang puso niya. " Sa'yo lang...sayo lang ako ganito Hon". Makaraan ang tatlong oras na byahe ay nakarating sila sa private resort ng kaibigan ni Alex. Paghinto ng sasakyan ay hinaplos ni Alex ang pisngi ni Raine na nakatulog na sa haba ng byahe. " Wake up sleepy head, dito na tayo" Ang dalaga naman ay tila nananaginip pa dahil parang pilit pa din ang pagdilat nito hanggang sa muling ipinikit ang mga mata. Napangiti si Alex sa nakita niya kaya naman may naisip itong gawin. Lumapit siya kay Raine at saka nagsalita, " Hon, pag hindi ka dumilat bubuhatin kita papunta sa hotel or..." Hindi na naituloy ni Alex ang sasabihin ng biglang nanlaki ang mata ni Raine ng dumilat ito. " Wait!, nandito na ba tayo?, agad siyang nagpalinga linga hanggang sa mapansin ang mukha ng binata na halos isang dangkal na lang ang pagitan nila. Nagkatitigan sila ng matagal hanggang sa bumaba sa labi ng dalaga ang tingin ni Alex. Umusog ng paunti unti ang kanilang mga mukha hanggang sa magdikit na ang tungki ng kanilang mga ilong. Akmang hahalikan na ito ng binata subalit may biglang kumatok sa pinto ng sasakyan. Napapikit na lamang ng mata si Alex at napamura sa isip, si Raine naman ay halos natulos sa kinauupuan dahil sa hiya, mabuti na lamang at tinted ang bintana. " Sir pasensya na po hindi kasi pwede mag park dito, ako na lang po mag-aayos ng parking ninyo", saad ng valet parking attendant Bumaba ng sasakyan si Alex at binuksan ang pinto ni Raine. Dumiretso sila sa front desk upang mag check in subalit laking gulat ng dalawa ng marinig ang tinuran ng hotel staff. " Good day Mr. and Mrs. Garchitorena, your suite is ready, ipapahatid na lang po yung mga gamit ninyo sa room, this is your keycard, enjoy your stay po". Nakangiting wika ng staff. " Wait, what do you mean, magkasama kami sa isang room?, si Raine " Yes ma'am, yun po ang nakalagay dito sa record namin" " May available room pa ba kayo? " Sorry sir pero fully booked po ang hotel ngayon kasi long weekend" Napabuntong hininga na lamang si Raine sa tinuran ng staff. " di bale Miss, it's okay", si Alex. Pagdating sa elevator ay agad na nagsalita si Alex, " don't worry I can manage, pwede naman ako sa couch". Pagbukas ng suite ay namangha si Raine sa nakita, ang ganda ng kwarto at ang ayos ay parang sa honeymooners. May scented candle sa center table at may rose petals na nakahugis puso sa queen size bed, naka ready na din ang wine na nakasilid sa ice bucket at dalawang kopita. Biglang natigilan si Raine ng makita iyon, namula ang mukha ng dalaga at pumunta sa telepono upang tumawag sa front desk sa pag-aakala na nagkamali sila ng kwartong pinasok. Samantala si Alex naman ay nag-init ang pakiramdam. May kung anong nabuhay sa ibabang bahagi ng kanyang pantalon. Pumunta siya sa banyo at agad na naghilamos ng mukha. Hinagod niya ang kanyang sandata na naghuhumindig sa tigas." f**k! don't do this to me buddy, wrong timing ka", mahinang bulong niya sa sarili habang nakatingin sa kanyang alaga. Samantala si Raine naman ay agad na tinipon ang rose petals at isinilid sa basurahan, iniligpit din niya ang wine at inilagay sa ref. Matapos kalmahin ang sarili ay lumabas na ng banyo si Alex. Iniwasan niyang tingnan sa mata si Raine upang hindi siya tuluyang matukso rito. " Raine, lalabas lang ako, I'll meet Theo in the lobby". " Okay, see you later",maiksing sagot ni Raine na nagkukunwaring abala sa pagtutupi ng mga damit. " Let's have lunch together? Napatingin si Raine sa binata at saka ito sumagot, " Sure, I'll be at the lobby within fifteen minutes". Tumango lang si Alex at pinihit ang pintuan pabukas. Nasa elevator na siya pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari kanina, mabuti na lamang at nakapag pigil siya na hindi sunggaban ang dalaga at ihiga ito sa kama na puno ng rose petals. Napailing siya habang nagbuga ng hangin sa bibig. Ginawa lamang niyang dahilan si Theo upang makaalis sa suite, batid niya kasi na nag island hopping ito kasama ang nobya na si Mariz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD