Matapos ang labinlimang minuto ay bumaba na sa lobby si Raine. Hindi niya doon nakita si Alex kaya kinuha niya ang cellphone ngunit akmang magda-dial na siya ng numero ng tumunog iyon, si Alex ang tumatawag.
" Hon, nasa lobby ka na ba?", tanong nito.
" Yeah, saan ka ba?, may pagkairita sa boses ng dalaga.
" Susunduin na kita my Señorita"
" No, ako na lang ang pupunta sa'yo saan ka ba?"
" At seacrest restaurant one block away from the hotel"
" Okay, hintayin mo na lang ako, umorder ka na gutom na ako", utos ni Raine. Naglakad ang dalaga papunta sa restaurant at pagkaraan ng dalawang minuto ay narating niya ang pakay. Nang makita siya ng binata ay kaagad itong lumapit at inalalayan siyang maupo.
" Do you like it here o sa loob na lang tayo?, tanong ni Alex
" Okay na dito, mas gusto ko yung tanaw ang dagat", sagot ni Raine. Tumango naman si Alex, " well just what I thought, I know you'll like it here", at tinawag na nito ang waiter upang ipahanda ang pagkain. Lumapit ang waiter at nag abiso na dalawang minuto pa para sa inorder nila, tumango naman si Alex pero si Raine ay di na kumibo at medyo wala sa mood. Napansin iyon ni Alex kaya't hinawakan niya ang kamay ng dalaga.
" Gutom ka na no!, sigurado si Alex sa kanyang hinuha dahil alam na niya ang mood swings ng dalaga. Hindi ito madaling maasar pwera na lamang kapag gutom ito.Tumaas lang ng kilay si Raine bilang tugon kaya't di mapigilan ni Alex ang mapangiti ng lihim.
Nang dumating ang pagkain ay namilog ang mga mata ni Raine, puro paborito niya ang inorder ni Alex. Ipinagsandok siya nito ng bulalo at inilapag ang mangkok sa tabi niya habang siya naman ay kumuha na ng kanin. Nakita ni Raine na naghihimay ng hipon at alimango si Alex at inipon iyon sa plato, ng makita niya na madami dami na ay inilipat iyon sa kanyang tabi at ang huling hinimay nito ay isinubo sa kanya. Hindi naman nagreklamo si Raine at kinain niya ang isinubo ni Alex, kung tutuusin ay sanay na siya sa ka-sweetan nito ngunit hindi sa ganitong pampubliko na lugar. Matapos ang kanilang masarap na tanghalian ay ipinasya ni Raine na maglakad lakad muna dahil sa sobrang kabusugan. Habang naglalakad ay napapansin ni Raine ang mga babae na panay ang tingin kay Alex, sa tangkad ba naman kasi nito at sa taglay na kagwapuhan ay kahit sino talagang mapapatingin. Sa isip naman ng dalaga ay gusto na niyang dukutin ang mga mata ng mga kababaihan na nagpapakita ng interes sa binata.
Bumalik sa hotel ang dalawa at ipinasya ni Raine na matulog muna dahil gaganapin ang engagement alas otso ng gabi. Si Alex ay nagbukas ng TV at nanonood habang nakaupo sa sofa.
Humiga naman ang dalaga sa isang gilid ng bed at nagbukas ng kanyang social media account. Agad na nabuhay ang messages ng kanyang mga pinsan sa group chat.
Mariz: Guys where na you?
Foreversingle: Dito na me ...
Michelle: Dito na you with whom?@ foreversingle
Foreversingle: wtf! sino nagpalit ng name ko dito huh?
Paul d' great: kilala kung sino nagpalit nyan @ foreversingle...
Foreversingle: sino?
HelenofTroy : Ako @ foreversingle, bakit may reklamo ka?
Foreversingle: Gago! @ helenoftroy, isa ka pa @paul d great, pag ako nagka jowa ngayon dito sa resort, who you kayo lahat sa akin.
Joanasexy: hoy! bawal mag-away dito
Mariz: Akala ko jowa mo na si Alex@ foreversingle?
Michelle: hindi pa ba?
Foreversingle: hindi ko jowa yun...
Joanasexy: hindi sila pero sweet, hindi sila pero parang sila, walang label teh?
Fritzpogi: tangina nakikiuso? @ forever single
Ianfromthenorth: Anong kaguluhan to?
Fritzpogi: may jowa na daw si Raine @Ianfromthenorth
Ianfromthenorth: Sino yun @ foreversingle
Michelle: yung kapitbahay niyang pogi
Ianfromthenorth: Praise the Lord!
Fritzpogi: Hallelujah!
Foreversingle: Bahala kayo dyan...
Matapos ang huling reply niya sa group chat ay minabuti ni Raine na umidlip muna. Kailangan niyang magpahinga dahil alam niyang puyatan ang magaganap na surprise engagement para kay Mariz. Ang akala ni Mariz ay magsi-celebrate lang sila ng pre birthday ng kanyang boyfriend na si Theo subalit alam nilang magpipinsan na ngayon na magpo-propose si Theo sa kanya.
Alas sais ng gabi ng magising si Raine, napansin niya na wala siyang kasama sa suite, naisip niya na baka bumaba na si Alex. Pagbangon niya sa kama ay dumiretso na siya sa banyo upang maligo. Makaraan ang ilang minuto ay lumabas siya at nagbihis. Nagsuot lamang siya ng yellow flowy dress at naglagay ng simpleng accessories. Hinayaan na din niyang ilugay ang kanyang mahabang buhok. Lumabas ang natural na ganda ng dalaga dahil tanging lipgloss at loose powder lamang ang kanyang ginamit sa mukha. Hindi naman talaga niya kailangan ng kolorete sa mukha dahil likas na ang kagandahan niyang taglay. Lalabas na sana siya ng biglang bumukas ang pinto ng suite at iniluwa roon si Alex. Tila natulala naman ito ng makita ang dalaga, ng makahuma ay agad itong nagsalita,
" You're such a Goddess my Señorita"
Napairap naman si Raine sa sinabi nito ngunit ang puso niya ay bumilis ang t***k dahil sa papuri ng binata.
" Don't patronize me Mr.Garchitorena, baka ma-in love ka na sa akin niyan"
Pumasok si Alex at bawat hakbang niya pasulong ay siya naman ang pag atras ng dalaga hanggang sa masukol niya ito at wala ng maatrasan. Itinukod ni Alex ang kanyang isang braso sa pader at hinapit niya ang dalaga sa bewang.
Nagtitigan silang dalawa hanggang sa mapunta sa labi ni Raine ang tingin ni Alex.
" I'd rather restraint myself now, Honey, because if I kiss you I won't allow you to get out of this room".
Natigilan ang dalaga sa narinig at napatingin siya bigla sa mapupulang labi ng binata. Those kissable lips na tila kay sarap humalik, parang biglang nag-init ang pakiramdam niya, at parang gusto din niyang gawin na lang ni Alex ang sinabi nito. " s**t! Ano bang nasa isip ko, ang landi ko", bulong ni Raine sa isip.
Mabuti na lang at biglang tumunog ang cellphone ng dalaga at nakita niyang tumatawag ang pinsan na si Michelle.
Sinagot iyon ni Raine habang nakakulong pa din siya sa mga bisig ng binata at nakatitig pa din ito sa kanya habang kausap ang pinsan sa kabilang linya. Matapos ang tawag na iyon ay sinabi ni Raine na hinihintay na sila sa venue ng party. Habang nagsasalita naman siya ay titig na titig si Alex sa kanya.
" Let's go Hon, pag nagtagal pa tayo dito baka magahasa na kita", wika ni Alex
" Akala mo naman magpapagahasa ako sa'yo", napairap pa si Lorraine ng sabihin iyon. Then he chuckled upon hearing her
" Let's see Honey, I bet you'll beg me after"
" Nah! I don't think so, baka mabitin ako"
Nakalabas na sila ng suite ng sandaling iyon at naglalakad na sa hallway pero ng marinig ni Alex ang tinuran ni Raine ay bigla siyang huminto sa paglalakad at hinawakan ang kamay ng dalaga.
" you're testing my patience Honey"
" No I'm just stating a fact"
" The fact is that I'll bring you to heaven and scream my name Honey".
Napairap ang dalaga sa tinuran ni Alex subalit mas na-excite pa yata siya ng marinig iyon, nai-imagine niya tuloy kung paano iyon gagawin ng binata. She's virgin, pero bakit kapag malapit siya kay Alex ay parang iba ang hatid nitong init sa kanya.