“J-juancho…” hindi makapaniwalang anas ni Suzy matapos tanggalin ng lalaki ang tali sa kamay at panyo na nakatakip sa bibig niya. Nag unahan sa pagpatak ang mga luha ni Suzy nang tuluyan na niyang makita si Juancho. “Bakit nandito ka? Ipinadala ka ba dito ng mga kapatid ko?” malamig na tanong nito sa kaniya. Hindi agad siya nakapagsalita at tahimik na pinagmasdan lang ito. Nawala na ang lahat ng takot na namamahay sa dibdib niya at ang tanging nararamdaman na lang niya ay ang matinding pangungulila at pagkasabik na mayakap niya ulit ang lalaki. Nagsisikip ang dibdib na tumitig lang siya kay Juancho. Nakatayo lang ito sa harap niya at nanlilisik ang mga mata na sinalubong siya ng tingin. “Hindi ka na dapat pa nagpunta dito.” Inis na sabi nito. “G-galit ka ba sa akin? Naniniwala

