Sa ilang oras na biyahe ay ilang beses na napansin ni Suzy na parang hindi na mapakali si Dorothea. Panay ang tingin nito sa cellphone na para bang may inaabangan itong tawag mula sa kung kanino. “Thea, may appointment ka bang tinakasan sa Manila kaya parang kinakabahan ka?” tanong niya. “Ha?” sabi lang nito habang nakatutok ang mga mata sa daan. Nakahiram ng kotse sa isang kaibigan si Dorothea kaya hindi na nila kailangan pang magcommute. Mabuti na lang at madiskarte ang pinsan niya kaya palagi siya nitong naaambunan ng grasya. Malaki talaga siguro ang kinikita nito sa pagiging commercial model kaya nagiging galante na ito ngayon. Palagi siya nitong inililibre sa mga mamahaling restaurant at weekly rin kung maggrocery ito. Ibang klase mag alaga ng kamag anak si Dorothea kaya sa lo

