Chapter 27 Belle's Point of View "Sure ka na ba diyan, Belle?" Tanong ni June sa akin habang nag-iimpake ako ng mga damit ko. Tumango naman ako. "Oo naman. Bakit naman hindi? Kasal 'yon ng kakambal ko tsaka ni Tatiana." Sagot ko at ngumiti ako dito. Nagkatinginan naman sila ni Finn. Parehas bakas sa kanilang mga mukha ang pag-aalala. Nabalitaan kasi nila na uuwi ako ng Pilipinas para sa kasal nila Ciel at Tatiana. Yup! Desidido din talaga akong umuwi dahil minsan lang naman ang ikasal ang kakambal at best friend ko. Atsaka gusto ko naman makitang masaya si Tatiana sa kasal niya ngayon. Noong huli ko kasing dalo sa kasal niya eh daig pa niya ang namatayan kaysa ikakasal. Pero sila June at Finn naman ay may ayaw. Baka daw kasi mag-kita kami ni Uno dahil paniguradong dadalo daw iyon kun

