Chapter 23 Belle's Point of View "Finn Andrei manganganak na ata ako!" Kinakabahan kong sigaw kay Finn habang patuloy pa din sa pag-hilab ang aking tiyan. Nataranta naman bigla ang huli at hindi alam ang gagawin. Hindi niya alam kung ano bang uunahin niya. Iyong ibaba 'yong bag niya o alalayan ako. Talagang natataranta siya. "Ay Diyos ka Belle Catastrophe! Kung saan talaga may date ako with my jowa tsaka ka naman manganganak!" Anito sa akin habang inaalalayan ako. "Gaga! Malay ko bang manganganak na ako! Bukas ka na makipag-date kay Light!" Asik ko sa kaniya. Muli akong dumaing dahil muli kong naramdaman ang pagpilipit ng tiyan ko. Parang hinahati ang katawan ko sa sakit na nararamdaman ko. It's unbearable! Pero kakayanin ko para sa anak ko. "Teka! Teka! Tatawag ako ng ambulansiy

