Chapter 39 Uno's Point of View "Ano uuwi daw ba si Belle?" Tanong ko kay Dos pagka-tapos nitong ibaba ang tawag. Bumaling naman ito sa akin. "Gago ka! Alalang-alala si Belle at oo uuwi daw ito kasama si Amelia." Sagot nito. Naka-hinga naman ako ng maluwag habang napa-sandal ako sa aking upuan. Success 'yong plano! Kaso patay ako kay Belle kapag nalaman niyang nagsisinungaling lang ako. Ang totoo kasi niyan ay wala naman talaga akong sakit. Malakas pa nga ako sa kalabaw kung tutuusin. Sadyang wala lang talaga akong ibang maisip na paraan para mapa-uwi si Belle. Nakaka-konsensya pero hayaan na. Babawi na lang ako sa kaniya kapag naka-uwi na sila dito ni Amelia. Magp-propose na kasi ako kaya gusto kong pauwiin si Belle. Gusto kong dito mag-propose sa kaniya sa Pilipinas dahil andito a

