JERON "I'm sorry, Attorney Ramona, nasayang pa yata ang oras mo dahil dito," magalang ko pa ring pagtanggi sa alok ng babaeng kausap ko ngayon. "I hope you understand my position." Nginitian niya naman ako pabalik pero nakita ko pa rin sa mga mata niya ang disappointment. At hiya na rin siguro. After all, siya ang nag-initiate nito kahit siya ang babae, at ni-reject ko pa rin siya. That must have hurt her pride, kaya sa totoo lang ay naaawa rin naman ako sa kanya. Pero hindi ako pwedeng masyadong ma-guilty dahil kailangan ko naman talaga siyang tanggihan. "Yes, it's okay, Doc. Jeron. If it's like that, then there is nothing I can do about it. And I'm not a sore loser. So if you'll excuse me, I'll take my leave," aniya at umalis na siya. Pinanood ko na lang siyang maglakad palabas ng

