SHEINA Nagising ako dahil sa alinsangan na nararamdaman ko. Nakahiga ako sa kung anong matigas na bagay, at nang buksan ko ang mga mata ko, kisame na yari sa plywood ang nakikita ko. Umaga na at hindi ko alam kung nasaan ako, kaya sobrang bilis kaagad ng puso ko dahil naalala ko kaagad kung ano ang nangyari sa akin bago ako nawalan ng malay. "Mabuti naman at gising ka na," dinig kong saad ng isang boses ng lalaki. Napa-balikwas tuloy ako ng bangon dahil doon, at nakita kong may isang lalaki na nakatayo sa may paanan ng papag na hinigaan ko. Ito 'yung lalaking nakita ko sa may waiting shed sa school, kaya mas lalo akong natakot. Nasa isang kwarto ako ng isang bahay na tila gawa sa kawayan, iyong parang sa mga resort dito sa probinsya. "Malamang nagugutom ka na. Tamang-tama, may pagkain na

