SHEINA Akala ko sa mga libro at pelikula lang nangyayari itong ganito. Iyon bang kapag walang ibang kasama ang bidang lalaki at bidang babae, parang may magnet sa mga mukha nila at basta-basta na lang magdidikit ang mga labi nila. Akala ko iyong mga ganoong kissing scene ay hindi naman based on reality at akala ko hindi iyon nangyayari sa tunay na buhay kasi naman, minsan eh wala namang rason bigla na lang naghahalikan ang mga lokaret sa mga palabas 'di ba? Pero ngayong nangyayari na siya sa akin, ngayon ko napagtanto na ganoon nga pala talaga. Hindi mo naman pala talaga kailangan ng rason. Mararamdaman mo na lang na nasa moment ka na, at hindi ka na kokontra pa. Ganoon kasi ang nangyayari sa akin ngayon. Nang halikan ako ni Jeron, automatic na nag-respond ako. Hindi ko siya itinulak. Hi

