SHEINA Sinasabi ko na nga ba eh. Alam ko talaga na sa ganito mauuwi ang pagsama ko kay Jeron dito sa bahay nila, lalo pa't kaming dalawa lang ngayon dito. Well, technically, tatlo kami pero wala pa namang kamuwang-muwang si Randel sa nagaganap kaya parang kaming dalawa nga lang talaga ang nandito ngayon sa bahay niya. Hay naku, bweset ka talaga kahit kailan, Sheina! Napakalaking wrong move talaga ng pagpunta mo rito! O ano ngayon, nasaan ka ngayon? Nasa ibabaw ka lang naman ng hubad na katawan ng lalaking dating kalaguyo mo! Nakakaloka ka talaga! "S-Sheina, kailangan mo nang umalis sa ibabaw ko," sabi naman bigla ni Jeron na nakita kong namumula na ang buong mukha tapos hindi siya nakatingin sa akin kung 'di sa sahig. "B-Baka kung ano pa ang mangyari..." Hindi naman nakalampas sa aki

