JERON It was just a spur of the moment when I said that. Hindi ko naman talaga intensiyon na sabihin pa yun kay Sheina. Alam ko naman kasing wala na, hindi na siya makikipagbalikan a akin. But she asked me this, so I had to answer them, right? And boy she was surprised when I told her that. Yung gulat sa mukha niya ay napaka-epic. Napaka-satisfying ng makita ang maganda niyang mukha na naguguluhan sa mga narinig niya mula sa akin. At ang pinakagusto kong part sa nangyari ay ang pagiging speechless niya doon. Hindi na kasi niya nasagot pa ang mga sinabi ko. Ako naman, gustuhin ko mang mag-reply pa siya ay ayaw ko na siyang pilitin. Alam ko kasing puro rejection lang ang lalabas sa bibig niya kahit na tama naman ako sa sinabi ko. Talaga namang iba ang sinasabi niya sa ipinapakita niya. N

