SHEINA Nagsinungaling na lang ako kay Joni na sumama bigla ang pakiramdam ko kaya nagpaalam na lang ako sa kanya na uuwi na lang ako. Hindi ko na hinintay pa ang fireworks display dahil ayokong makita ako ni Jeron. Pero dahil nagprisinta si Joni na ihahatid niya ako pauwi, hindi tuloy ako nakaiwas sa mga tanong niya. Feeling ko nga ay may alam siya tungkol sa nakaraan namin ni Jeron, kahit na wala naman akong sinasabi tungkol sa ex kong yun sa mga co-teachers ko. Pero hindi rin naman ako magugulat kung malaman niya na dati kong boyfriend si Jeron. Maliit lang ang mundong ginagalawan namin. Makakarating din sa kanya ang tungkol doon, kung hindi pa. Pagdating namin sa bahay, niyaya ko siyang pumasok muna sa loob pero umayaw na si Joni. Halata sa mukha niya ang disappointment, kaya na-gui

